Shanaia POV
Kakauwi ko lang galing sa ospital. Dun na ako kumain ng lunch. Bumili kami ni Bryan sa Jollibee. Katapat lang naman 'yun ng ospital eh.
Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Grabe. Nakakapagod kahit wala naman akong masyadong ginawa.
Tapos ko ng gawin 'yung project sa Arts. Inabot din ako ng ilang oras dun.
Ang hirap naman kasing mag kulay. Favorite kong gawin 'yun pero portrait kasi 'yung nilagyan ko ng paint. Kaya medyo mahirap.
Isang oras kami ni Foncie sa mall eh. 9:00 am kasi kami umalis tapos, 9:30 kami nakadating sa mall. 10:45 kami umalis do'n.
Sa totoo lang, mas gusto ko pang mag stay sa ospital. Kasi dun, makakausap ko si Jingfei at Bryan.
Dito kasi sa mansion, wala akong maka-usap. Si Shane kasi, nando'n kila Halmeoni. Lonely daw kasi siya dito kaya dun daw muna siya sa mansion nila Halmeoni.
Ayan, ako lang tuloy mag-isa dito sa mansion bukod sa mga katulong.
Bakit pa kaya nag-hire ng katulong sila Appa? Wala namang tao dito sa bahay bukod sa'kin. Hindi na kailangan ng mga maid.
Pumunta nalang ako sa may pool area at umupo sa tabi ng swimming pool.
Bigla ko tuloy naalala si Bryan. Dito ko siya sinagot at dito ko din siya unang hinalikan.
Natawa tuloy ako. Ang galing niya palang um-acting. Napaniwala niya ako dun.
Kinuha ko 'yung cellphone ko sa tabi ko at tinawagan si Foncie. Wala naman siguradong ginagawa 'yun ngayon kaya i-istorbohin ko nalang siya.
[Hi Shan! Papasama ka ba ulit?] Bungad na tanong niya sa'kin pagkasagot niya sa tawag.
-____-
Grabe naman 'tong si Foncie. Porket tinawagan ko, magpapasama agad ako? 'Di ba pwedeng gusto ko lang siyang kausapin o may problema ako? Psh.
"Hindi. May ginagawa ka ba?" Tanong ko habang nakasimangot kahit 'di niya nakikita mukha ko.
[Wala. Bakit?]
"Kwentuhan mo nga ako."
[Bakit?]
-____-
"Bored ako eh. Wala din akong makausap. Kaya kwentuhan mo na ako."
He chuckled. [Sige. Tungkol saan?]
"Bahala ka. Kahit ano. Kailangan ko lang naman ng kausap eh. Mapapanis na laway ko."
[Sige. Tungkol 'to sa isang lalaki na nagkagusto sa childhood bestfriend niya na may boyfriend na.]
Ooohhh. "Okay. Makikinig ako."
Huminga muna siya ng malalim bago magsimulang magkwento, [One day, isang araw, may isang lalaki na nagkakagusto sa bestfriend niya. Gusto niya sanang sabihin kaso masyado pang bata 'yung babaeng nagugustuhan niya kaya hindi niya tinuloy. Tinago niya 'yung nararamdaman niya hanggang sa kinailangan ng pamilya nila na pumunta sa ibang bansa. Gusto niyang kausapin 'yung babaeng gusto niya para magpaalam kaso magka-away sila. Kaya no choice siya at hindi nalang nagpaalam sa babaeng gusto niya...]
Tapos na? "Tapos na ba?" Tanong ko.
[Hindi pa. Tumigil muna ako, masyadong mahaba 'yung sinabi ko. Itutuloy ko na. So 'yun, pumunta na siya ng ibang bansa kasama 'yung pamilya niya. Hanggang sa lumaki na siya, nasa isip niya pa rin 'yung childhood bestfriend niya. Sinubukan niyang magkaroon ng girlfriend para sana makalimutan 'yung childhood bestfriend niya na gusto niya kaso walang epekto...]
BINABASA MO ANG
Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]
Novela JuvenilPaano kung magkakilala ang isang taong cold at tahimik? Ano ang magiging trato nila sa isa't isa? Will they find LOVE? Date started: June 21, 2015 Date ended: October 29, 2015 Book cover by: Boydon_Jillianne