Chapter 59: New Boyfriend

2K 36 0
                                    

Shanaia POV

Binuksan ko na 'yung pinto ng kotse ni Tae Shin.

O____O

"Kyle?!" Huh? Bakit nandito 'tong si Kyle sa loob mismo ng kotse ni Tae Shin?

"Hi Shan, ihahatid lang kita sa bahay niyo tapos ipa-park ko 'tong kotse ni Tae Shin sa bahay niya tapos aalis na ako. Pasok na." Nakangiti niyang sabi.

Dahan-dahan akong pumasok at umupo sa passenger's seat. Pinaandar na ni Kyle 'yung kotse.

"Hi Shan! Musta ka na? Tagal nating 'di nag-usap ah." Pagbasag niya sa katahimikan. "A-ah, okay lang naman." Sagot ko. Ang awkward kasi eh.

"Okay. Nga pala, bakit nandito ka sa Korea? 'Di ba kapag sembreak, nasa Pilipinas ka lang at gumagala?"

Psh. Iniwan kasi ako ng hinayupak kong ex.

"Nag-break kasi kami ni Bryan. Kaya nagpunta ako dito para mag-refresh." Sagot ko. "Nag-break kayo? Bakit?"

Huminga ako ng malalim. "Eh kasi, 'yung hinayupak kong ex-boyfriend na si Lloyd Bryan Chua, iniwan ako! Aba! Naniwala agad sa iba tapos hindi man lang ako pinakinggan?!" Pasigaw na sagot ko.

"Aw! 'Wag kang sisigaw, Shan! So, 'yun nga, iniwan ka ni Bryan dahil hindi ka niya pinakinggan...?"

"At pinaniwalaan." Dagdag ko. "Ahhh, okay. Ilang weeks na kayong wala ni Bryan? Sorry ah. Matagal kasi akong walang balita tungkol sa'yo."

"1 month and I think, malapit na rin mag-1 week. Kaya ako nandito."

"Ma-iba ako, ilang araw kayo ni Tae Shin sa China?"

Hmm. Ilang araw ba? "Siguro 3, 4 or 5 days lang." Sagot ko. "May ginawa ba kayong kakaiba or exciting?"

"Like what?"

"Like you know, make out, make lo-" Hinampas ko siya. "Anong sabi mo?! Sisipain kita! Kelan ka pa naging manyak?! Ha?!" Sigaw ko.

"Make lo-" Hinampas ko ulit siya. "Manyakis ka na pala! Ano tingin mo sa'kin?! Gagawin ko agad 'yon?! Ha?! Ayoko pang mabuntis!"

"You can use con-"

"Manyak! Manyak! Manyak! Bwisit ka, Kyle! Anyare sa'yo?! Hinawaan ka ba ni Tae Shin ng kalokohan niya?!"

Tumawa siya. "Haha! Niloloko lang kita, Shan. Nung nag-kwento ka kasi tungkol sa ex mo, naging malungkot ka. Kaya naisip ko na magsabi ng kung ano-ano."

=____=

'Di pa rin siya nagbabago. "Kelan ka babalik ng Pilipinas?" Tanong niya ulit. "Bukas. Babalik na agad ako." 'Di ko na-plano 'yan. Pero bukas, babalik na ako.

Ipapa-ayos ko nalang 'yung plane ticket ko kay Appa. Dala ko naman 'yung visa at passport ko kung kailangan.

"Nandito na pala tayo. Baba ka na. Tapos ipapa-park ko na 'tong kotse ni Tae Shin." Sabi ni Kyle kaya napatingin ako sa labas.

Oo nga, nasa tapat na kami ng mansyon namin. "Bye, thanks." Sabi ko tapos bumaba na.

Pumasok na ako sa loob ng mansyon at dumiretso sa kwarto ko. Nagbihis ako ng t-shirt at pantalon.

Humiga muna ako sa kama at nagpahinga dahil kulang ako sa tulog. Mag-aayos na din pala ako ng gamit ko mamaya.

____________________

Ishie Fhey POV

"Weh?!" Gulat kong tanong kay Jillianne. Tumango siya. "Oo nga! Narinig ko mismo! Pagkatapos nun, lumabas na kami ni Bryan. Sinipa niya 'yung gulong ng kotse ng ibang tao. Na-flat pa 'yung gulong at napudpod." Pagtutuloy niya.

Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon