After 1 month
Shanaia POV
Isang buwan na ang nakalipas mula nung magpunta kami sa Star City ni Foncie at isang buwan na rin ang nakalipas mula nung maghiwalay kami ni Bryan.
Flashback
Naglalakad lang kami ni Foncie nang bigla niya akong hilahin at tingnan ako.
"B-bakit?" Nauutal na tanong ko. "Shanaia, may aaminin ako sa'yo." Sabi niya habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.
Lumunok ako bago magsalita, "O-okay. A-ano 'yun?"
Lalo niya pang hinigpitan 'yung pagkakahawak niya sa wrist ko. "Shanaia, bata palang tayo, mahal na kita. Ewan ko kung anong meron sa'yo at minahal kita ng ganito. Kaya ngayon, kung ayos lang sa'yo, pwede ba kitang ligawan?"
O___ O
What...the...? Bakit ba ang daming lalaking nagkakagusto sa'kin?
Magsasalita palang sana ako pero biglang tumuba si Foncie. Sinuntok pala siya ni....Bryan?!
"Hayop ka! Balak mo pang halikan 'yung girlfriend ko ha?!" Sigaw niya tapos sinuntok ulit si Foncie.
"B-bryan! T-tama na 'yan!" Sigaw ko habang sinusubukan na pigilan si Bryan kakasuntok kay Foncie.
Sinubukan ko pa siyang pigilan at salamat naman dahil tumigil na siya.
Sinusubukan na tumayo ni Foncie kaso nahihirapan siya kaya nilapitan ko siya at tinulungan na tumayo. Tapos tumingin ako kay Bryan.
"Bryan, pa'no ka nakapunta dito?" Tanong ko habang inaalalayan pa rin si Foncie. Ngumisi sa'kin si Bryat at nagsalita, "Malapit ka na niyang halikan tapos hahayaan mo lang siya?"
O____O
"A-anong hahalikan?"
"Shanaia naman! Nagpapatay malisya ka pa eh! Kitang-kita ng dalawa kong mata kung pa'no ilapit ng ugok na 'yan 'yung mukha nuya sa mukha mo, malapit ka na nga niyang halikan." Sabi niya tapos tumingin kay Foncie.
"At ikaw na ugok ka, alam mo naman na may boyfriend 'yung tao tapos gaganyanin mo pa?!" Sigaw niya ulit.
Ngumisi naman si Foncie. "Pa'no kung sabihin ko sa'yo na may relasyon kami ni Shanaia, anong gagawin mo?" Tanong niya habang nakangisi pa rin.
Ano naman 'tong sinabi ni Foncie?
"T-teka, B-bryan, w-wala kaming relasyon ni Foncie." Pagdepensa ko. Ngumisi na naman si Bryan. "Shanaia, 'wag mo ng itago. Alam ko naman talaga na may relasyon kayo ng ugok na 'yan eh. 'Di ba ikaw 'yung dahilan kaya sila naghiwalay ni Jingfei?"
O____O
Ano ba sinasabi ni Bryan? Wala yatang totoo sa mga sinabi niya eh.
Magsasalita palang sana ako pero naunahan na ako ni Foncie, "Oo, tama ka. Siya nga ang dahilan kaya kami naghiwalay ni Jingfei. May problema ba dun?"
Naiiyak na ako. Walang katotohanan 'yung sinasabi nila.
Napasabunot si Bryan sa buhok niya tapos nagsalita, "Damn! Totoo nga lahat ng sinabi ni Jingfei. Ikaw ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay dahil may relasyon kayong dalawa! Kelan pa 'to ha?! Kelan pa 'to?!" Sigaw niya habang nakatingin sa'kin.
BINABASA MO ANG
Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]
Novela JuvenilPaano kung magkakilala ang isang taong cold at tahimik? Ano ang magiging trato nila sa isa't isa? Will they find LOVE? Date started: June 21, 2015 Date ended: October 29, 2015 Book cover by: Boydon_Jillianne