Chapter 18: Chance

3.3K 65 0
                                    

Shanaia POV

"Bye Bryan. Thanks sa paghatid." Sabi ko kay Bryan bago lumabas ng sasakyan niya. Hinatid niya kasi ako papunta sa kumpanya namin.

Pumasok na ako sa loob. "Good afternoon Ma'am." Bati ng guard sakin. Nginitian ko lang siya at dumirecho na sa loob.

Pumasok ako sa elevator pero wala akong kasabay na empleyado. Kami lang mga Kim o yung mga magiging asawa namin ang pwedeng gumamit nito.

Nung nakarating na ako sa tapat ng office ni Appa pumasok ako at nakita ko yung secretary niya na nag-aayos ng papeles.

Nung nakita niya ako tumayo agad siya at binati ako, "Good afternoon Ma'am! Kukunin niyo na po ba 'yung sinasabi ni Mr. Kim?" Tanong niya sakin.

Tumango ako at nagsalita, "Good afternoon din. Yes. May pinapakuha kasi si Appa dito. Eh hindi ko alam kung ano."

"Sandali lang po Ma'am. Kukunin ko lang po sa storage room." Sabi niya tapos pumunta nga dun sa storage room.

Bumalik siya ng may dalang isang malaking box. Nilapag niya 'yun sa couch at nagsalita, "Eto na po 'yun. Ang bilin po ni Mr. Kim ay wag daw po munang bubuksan hangga't hindi niya sinasabi."

"Sige thank you. Wait, mabigat ba 'yan?" Tanong ko. Tumango siya, "Yes Ma'am. Medyo mabigat po siya. Gusto niyo po bang tumawag ako ng guard para tulungan kayo?"

Hindi ko muna siya sinagot at lumapit dun sa box. Sinubukan kong buhatin yun at medyo mabigat nga.

Tumingin ako sa secretary ni Appa at tumango. Lumabas na siya ng office at bumalik ng may kasamang isang guard.

Binuhat na nung guard yung box at lumabas na ng office. Psh. Walang galang. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin at basta nalang lumabas ng office. Siguro hindi niya pa ako kilala dahil hindi ko pa siya nakikita.

Kilala ko din lahat ng emplayado dito dahil nung bata pa ako lagi akong nandito sa kumpanya namin at nakikipaglaro sakanila.

Sumunod na ako sa guard. Alam niya kaya kung saan dadalhin 'yang box?

Tumigil siya sa may lobby at tumingin sakin. "May kukuha po ba nitong box?" Tanong niya.

Tumango ako at nagsalita, "Kukunin po 'yan ng driver namin. Pakilagay nalang po diyan."

Tumango naman siya tapos nilapag na yung box malapit sa may upuan. Hinintay ko nalang 'yung driver namin dun.

Naalala ko tuloy yung usapan namin ni Bryan kanina.

Flashback

Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Bryan. Ihahatid niya daw ako papunta sa kumpanya namin.

"Shan, pupunta na daw sila Jiejie sa China." Sabi sakin ni Bryan kaya napatingin ako sakanya. Aalis si Ate Brianna at pupuntang China? Bakit?

"Bakit naman siya pupunta dun? Buntis siya diba?" Tanong ko habang nakatingin sakanya. Hindi siya nakatingin sakin dahil naka-focus siya sa dinadaan namin.

"Hindi naman siya pupunta mag-isa dun. Kasama niya yung asawa niya, si Cyruz. Dun daw muna sila hanggang sa manganak si Jiejie." Sagot niya sakin.

Bigla naman akong nalungkot. Naging close ko na din kasi si Ate Brianna kahit sandali palang mula nung magkakilala kami.

"Kelan daw sila aalis?"

"Baka daw sa isang araw o next week pa."

"Aww. Sabihin mo sakin pag aalis na sila ha? Sasamahan ko si Ate Brianna sa airport."

Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon