Epilogue

4.6K 90 33
                                    

A/N: Edited po ito. Naisip ko po kasi na parang ang pangit nang unang epilogue :)

Bryan POV

Nasa kwarto ako ngayon habang hinihintay 'yung tawag ni Shanaia. Ang tagal niya tumawag.

Sabi niya pagdating na pagdating ni sa Korea at sa paglanding ng eroplano na sinasakyan niya, tatawag siya.

Pero ang tagal eh. Kanina pa siyang umaga umalis tapos gabi na.

Ayokong mag-isip ng hindi maganda pero kinukutuban ako. Ayokong isipin na...

Méiyôu yìdiândiân fángbèi, yê méiyôu yì sī gùlü~

Calling Jillianne...

=____=

Akala ko naman si Shanaia na.

"Hello?"

[Bryan? Nabalitaan mo na ba?]

"Ang alin?"

[Na... Na...]

"Na ano?"

[Si Shan...]

O____O

Nataranta na ako. "Ano, Jillianne? Please, sabihin mo na."

[Nag-crash 'yung sinasakyang eroplano ni Shan. Hinahanap na daw siya ngayon.]

*toot toot*

Nag-crash 'yung sinasakyang eroplano ni Shan. Hinahanap na daw siya ngayon...

Nag-crash 'yung sinasakyang eroplano ni Shan. Hinahanap na daw siya ngayon...

Nag-crash 'yung sinasakyang eroplano ni Shan. Hinahanap na daw siya ngayon...

Totoo? Bumagsak ang eroplanong sinasakyan ng babaeng mahal ko pero alam kong hindi siya mawawala.

Hindi ako iiwan ng mahal ko. Mahal ako ni Shanaia. Hinding-hindi niya ako magagawang iwan. Hindi...

_____________________

After 1 year and 7 months

Matagal na mula nung mawala siya.

Matagal na mula nang mawala sa'kin ang babaeng mahal na mahal ko.

Matagal na mula nang iwan niya ako.

Isang taon at pitong buwan na puro alaala namin. Wala akong ibang ginawa kundi ang alalahanin siya.

Mula nung mawala siya, wala akong ibang ginawa kundi ang magmukmok sa kwarto.

Para akong zombie na nabubuhay. Walang sigla, walang malay, walang pakialam sa lahat.

Hanggang ngayon tinatanong ko pa rin. Bakit? Bakit nawala siya sa buhay ko?

Parang kahapon lang, ang saya-saya pa namin. Tapos ngayon, nawala na siya sa buhay ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko mula nung mawala siya.

Siya na ang naging buhay ko. Siya ang naging dahilan ko para mabuhay at maging masaya.

Siya ang nagbigay ng kulay sa madilim na mundo ko.

Siya ang nakapagpabago sa'kin. Tinuruan niya akong tumawa, magsaya, at magmahal ng sobra.

Tinuruan niya ako kung paano magmahal ng sobra pero hindi niya ako tinuruan kung paano makalimot.

Tama nga sila, hindi lahat ay happy ending. Hindi lahat ay natatapos ng masaya kayong dalawa.

Kaya ngayon, handa na ako.

Tatanggapin ko na ang katotohanan na iniwan na niya ako.

Pero nagbago ang lahat ng iyon nang may makita ako. Nang makita ko ang mahal ko.

__________________________

A/N: Sa wakas. Natapos ko na rin. Una, salamat po sa lahat ng mga nagbasa. Although hindi ko alam kung meron ba. LOL. May book 2 po siya. Kaso hindi ko alam kung ipa-publish ko ba. Kasi hindi ko talaga alam kung may nagbabasa. Although may nagvo-vote, hindi ko pa rin sure kung ipa-publish ko. Siguro maghihintay muna ako then ipa-publish ko na siya :). So once again, thank you po at kahit papa'no ay nakaabot tayo ng 1k reads. Hart. Hart. <3

Date started: June 21, 2015

Date ended: November 1, 2015 (Original date: October 29, 2015)

Nagbago po siya dahil inedit ko :)

02/08/16

A/N: Ginawa ko na pong 1 year at 7 months. Parang masyado po kasing maikli 'yung 7 months :)

Copyrights © shatrixzso, 2015

Cold Guy Meets Quiet Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon