Prologue

846 24 1
                                    

Bawat ngiti, bawat yakap, bawat haplos

Hinihiling ko na sana'y huwag matapos

Puso'y malulungkot kapag ikaw ay lumisan

Iiyak ang langit kapag hindi ka nahagkan

He smiled at me, lightly brushing my hair off my face habang hawak niya ang papel kung saan nakasulat ang tulang ginawa ko para sakaniya.

Bigla siyang lumapit sa'kin, ayan na naman, nagwawala 'yung puso ko, gustong kumawala ng puso ko. I can see his face, his full face. Lahat ng features na nagustuhan ko sakaniya.

'Yung mga mapupungay niyang mata, 'yung mga matang kapag tumingin, nakakatunaw naman talaga.

'Yung ilong niya, na ang tangos, na sa tuwing hahalikan niya ako'y lumalapat din sa akin.

'Yung labi niya... na kapag lumalapat sa aking mga labi, nanginginig ang tuhod ko, nagwawala ang buong sistema ko at kinakabahan ako.

Hindi ko alam ganoon pala epekto niya sa'kin. Kahit sobrang tagal na namin ni Jace, ganoon parin ang epekto niya sa'kin.

Sa sobrang pagkabaliw ko nga sakaniya'y pakiramdam ko, wala na ako sa sarili ko. Sa kaniya na ako. I'm all his.

I love this guy so much that I can't bear seeing him leaving...

I hope he won't.

I might die if he does.

I hope he won't change.

I can't find another man like him.

Total Eclipse of the Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon