One thing I don't understand about life. We meet thousands of people, then we will meet that one person and our life will change forever.
×××
Nakangiti ako habang tinitignan ang mga magulang ko na nagyayakapan.
Nakakunot ang noo ni Mama habang si Papa naman ay nakabalot ang mga kamay sa bewang niya at nilalambing lambing siya sa pamamagitan ng isang kanta na hindi ko alam.
Kung ang ibang bata, may fairytales, disney princesses na pinaniniwalaan, ako, sa mga magulang ko ako kumakapit.
True love? Sa kanila ko nakita. Kapag tinitignan ni Papa si Mama, kitang kita sa mata ni Papa na mahal na mahal niya si Mama. And I know, someday, someone will look at me like that while telling me I'm the best thing that ever happened to him.
Nagpaalam ako kina Mama at Papa para pumasok sa school. Dala dala ko ang laptop ko kaya extra careful pagddrive ng bisikleta.
Dalawang araw ng absent si Hermano, on vacation kasama sina Tita.
Nanchichicks na naman 'yun don, tapos nagpapabaya sa pag-aaral.
Pagdating ko sa school ay naaninag ko si Jace. Pagkapark ko ng bisikleta ko ay sakto namang lumalapit siya sa'kin.
Nangunot ang noo ko bago tanggalin ang helmet ko. "May inaantay ka?" tanong ko sakaniya.
Tumingin pa ako sa guard bago kami maglakad parehas.
Tumango si Jace at napa-'ah' naman ako habang tumatango tango. "Sino?"
"Ikaw."
"Ako?" ani ko sabay turo sa sarili ko. My face formed into the most confusing look I can give him kaya naman napatawa siya ng konti, "Yes, ikaw."
"Bakit?" tanong ko. "Kasi gusto kitang makasabay pagpasok?" Nag-aalinlangan niyang sagot.
I nodded and looked around the campus. Ang awkward eh, nakatingin siya sa mukha ko.
Maya-maya lang, may makakakita sa'min at aasarin na naman kami.
"Kamusta nga pala kayo ni Clara?" tanong ko sakaniya.
Tumigil siya saglit at tumingin sa'kin, "Clara? Wala, tanggap ko ng hanggang friendzone lang ako." aniya sabay tawa.
Si Clara Santiago. Siya 'yung sinasabi niyang sinundan niya dito sa Bluemints University. Pero wala, hanggang friendzone lang talaga siya.
He even mentioned na close sila dati but when he confessed the love he has, lumayo daw ang loob ni Clara. "Pero hindi parin ako nawawalan ng pag-asa. Nandito parin ako... if she needs me."
Sa kuwento ni Hermano sa'kin nung isang araw ay napakaseryoso daw ni Jace sa babae, he dated girls kasi seryoso siya pero minsan, siya pa yung naloloko, naiiwan, narereject. Kaya saludo ako sa mga lalaking katulad niya.
He's the opposite of my ex...
Nakita ko si Stella sa may tapat ng room nila na nakasilip sa may pinto, binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti at tumawa kami ni Jace.
"Tumigil ka, Stella," ani ko sakaniya. She giggled and formed her hands into heart. Umiling ako at tinaas ang ring finger ko. "Pakyu too, Summer!"
Napanain kong hindi pa pumapasok si Jace sa classroom nila at sumusunod pa siya sa'kin pataas. "Hindi ka pa ba papasok?" tanong ko.
"Ihahatid na kita sa taas," he said and then automatically, napatawa ako.
"Jace, tatay ba kita?" tanong ko. "Saka, kaya ko na sarili ko, lapit-lapit eh," dagdag ko.
BINABASA MO ANG
Total Eclipse of the Heart (KathNiel)
FanfictionBeing in love is the most wonderful and precious moment that you'll never forget in your whole life. Being in love is the best feeling in the world. Heart thudding moments, breath taking kisses, overwhelming hugs. When I met him, all things became m...