You meet thousands of people, and none of them really mean anything to you. And then you meet one person, and your life is changed forever.
×××
Nagsstrum si Jace sa gitara ng pinsan niyang si Kevin. Kalalabas ko lang ng classroom dahil nagugutom ako.
Kasama ko kanina si Hero pero nakakita ata ng chicks, ayon iniwan ako.
Umangat ang ulo ni Jace at sinenyasan niya akong lumapit sakaniya. "Bakit?" tanong ko nang marating ko ang pwesto niya.
"Wala lang." Sinamaan ko ng tingin si Jace at akmang tumayo na ng pinigilan niya ako sa paghawak niya sa braso ko.
"'Wait, pakinggan mo 'to."
Kinagat ko ang loob ng pisngi ko, hindi ko alam kung bakit ako napapangiti habang isa-isang tinitipa ni Jace ang string ng gitara niya na lumilikha ng magandang tunog.
Umupo muli ako sa tabi niya at nakita kong dumaan si Stella na ngumiti pa ng kakaiba, may halong pang-aasar saming dalawa kaya naman umiling lang ako. "There's no combination of words I can put on the back of my postcard.."
Napangiti ako sakaniya, "Alam ko 'yan!" Minsan ko nang narinig kay Papa ang kantang Better Together, sa tuwing pinapakalma niya si Mama, o kaya naman pag galit ito.
"No song that I can sing but I can try for yout heart.. Our dreams, they are all made out of real things.."
Hinayaan kong kumanta si Jace habang tinitignan ko kung gaano siya kapassionate sa pagkanta at pagtugtog. Hindi ko alam pero nakangiti na pala ako. "Love is the answer at least for most of the questions in my heart.."
"Why are we here, and how come it so hard?"
"It's not always easy sometimes love can be deceiving, I tell you one thing it's always better when we're together.."
Ngumiti siya nang tinapos niya ang chorus. I smiled back, at lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa narinig ko. "Ang ganda mo, Summer."
Pabiro kong itinalsik ang buhok ko, "Maliit na bagay," ani ko.
Ang expressive naman ni Jace sa nararamdaman niya. Hindi ako sanay na may taong nagsasabi sa'kin na halos araw araw kung gaano ako kahalaga sakanila. Hindi ako sanay na ganito kaiba ang trato niya sa'kin.
Palagi siyang nakatitig sakin, but no, I don't find it creepy or weird. Naiilang lang ako dahil hindi ko alam kung paano ako magrereact gayong may nakatingin sakin, examining my actions. Ang awkward diba?
"Paano mo narealize na gusto mo ko?" Awtomatikong binaba ni Jace ang gitara sa tabi niya bago ako harapin at sagutin. "Napansin ko nalang ang sarili ko na palaging hinahanap yung presence mo," tumigil siya saglit at hinanap ng mata niya ang mga mata ko.
"Napansin ko nalang na gusto palagi kitang kausap, napansin ko na palagi na kitang naiisip," he breathed, "Shit ang corny. Pero 'yun ang totoo, Summer."
Tumawa ako ng marahan, "Hindi.. Hindi ko alam irereact ko," ani ko. Tumango siya at ngumiti, "Okay lang, masasanay ka rin."
Tumayo na kami dahil narinig namin ang pag tunog ng bell. Nagoffer si Jace na ihatid niya ako sa taas, sa classroom namin at pumayag naman ako. Nakasalubong namin si Stella na sinundot pa ang tagiliran ko, "Kinikire mo na naman si Summer, Jace!"
Tumawa lang kaming dalawa at napailing.
×××
"Mommy.."
BINABASA MO ANG
Total Eclipse of the Heart (KathNiel)
FanfictionBeing in love is the most wonderful and precious moment that you'll never forget in your whole life. Being in love is the best feeling in the world. Heart thudding moments, breath taking kisses, overwhelming hugs. When I met him, all things became m...