One smile, can start a friendship. One word, can end a fight. One look, can save a relationship. One person can change your life.
×××
"Summer, bilis!" ani Hero sa'kin. Monday na, first day of school.
Nasa labas na si Hero ng bahay namin at ako nama'y nagsusuklay pa.
Kanina pa tahimik dito sa bahay kasi si Mama at Papa, nag-away sa isang maliit na bagay lang naman, na pupuwedeng pag-usapan pero inuuna ang pride nilang dalawa.
I kissed Papa on the cheek, "Papasok na po ako, tinatawag na ako ni Hero," ani ko at tumango siya.
"Ma," tawag ko. I kissed her on the cheek too, "Bye po, ingat."
Mayroon naring work today si Papa bilang engineer at si Mama naman ang maiiwan sa bahay, pero no doubt aalis 'yan si Mama para naman makakuha siya ng photos para sa blog niya. She keep on posting on her blog at parang gusto ko na nga rin magsimula kagaya niya.
Pagkalabas ko ay sinamaan ko ng tingin si Hero na nagrereklamo dahil kanina pa daw siya sa labas. "Ingay mo, Hermano."
Nilagay ko na ang bag ko sa harap na basket at sumakay na. "Summer, hindi ka na naman maghehelmet?"
"Magugulo hairstyle ko!" ani ko sakaniya sabay hawak sa ulo ko.
Umiling siya, "Mas magugulo 'yan kasi hahanginin kapag walang helmet," naglabas si Hero ng isang helmet na kulay pink at sinuot sa'kin.
Aww, sweet naman. Kung makikita ng ilan, iisipin nila na kami. Pero sakaniya kasi ako pinagkatiwala ni Mama at ni Papa. Saka, tinuring na namin ang isa't isa na magkapatid kaya normal na sa'min 'to.
Sadyang... bagay lang talaga kami kasi maganda't gwapo.
Utot mo, Summer.
Nagbike na kami papunta sa Bluemints University at sobrang lamig, buti nalang long sleeves na ang uniform unlike yung uniform nila Mama noon.
Pinark na namin ni Hero ang kaniya-kaniyang bike. "Classmates ba tayo?" tanong ni Hero.
"We'll find out." sagot ko at tumango siya bago ako ipagdala ng bag.
"10-Sapphire," sabay naming sabi na ikinagulat namin parehas ni Hero. Itong ungas na 'to, pinanggigilan pa ako sa sobrang tuwa niya.
Habang papasok kami sa classroom, madami-dami ng nakasalubong si Hero na mga katropa niya. Hindi ko pa nakikita si Stella, yung pinakangkaclose kong babae for the past three years ko dito sa Bluemints.
"Hermano!"
"Uy, tag-init!" sinamaan ko ng tingin si Kevin Almontero, ang dakilang sikat sa school na 'to. Mahilig mang-asar, sarap putulan ng ano.
"Bibigwasan kita umayos ka," ani ko sakaniya ng akma siyang lalapitan ako.
"Sungit talaga ng pinsan mo, Hermano," rinig kong sabi ni Kevin. "Lalaki kasi 'yun," pagbibiro ni Hermano bago ako sundan papasok ng classroom.
"..sagutin mo lang ako aking sinta'y walang humpay na ligaya... Aasahang iibigin ka.." Napatingin ako sa may bandang likod kung saan naggigitara ang isang lalaki.
BINABASA MO ANG
Total Eclipse of the Heart (KathNiel)
FanfictionBeing in love is the most wonderful and precious moment that you'll never forget in your whole life. Being in love is the best feeling in the world. Heart thudding moments, breath taking kisses, overwhelming hugs. When I met him, all things became m...