32

151 5 1
                                    

I miss being a little kid with no stress, worries, or care in the world.

×××

Bumaba ako para mag-umagahan. Nandoon si Mama na naghahanda ng pagkain at si Papa naman na katatapos lang kumain at nag-aayos na ng kaniyang necktie, naghahanda para sa kaniyang pagpasok sa kumpaniya.

Lumapit ako sakaniya at kinuha ang kamay niya, pinalitan ko ito ng kamay ko at ngumiti ako kay Papa habang inaayos ang necktie niya.

Nakita kong bumuka ang kaniyang bibig upang magsalita, "Anak, kamusta?" bakas sa tono nito ang lungkot at pag-aalala.

Pilit akong ngumiti kahit sa puso ko ay gustong gusto ko ng umiyak, maglupasay sa sahig at sabihing, ayoko pang mamatay. Gusto ko pa silang makasama ng mahabang panahon.

Gusto ko pang makagraduate.

Gusto ko pang magkapamilya.

"I'm okay, Papa. H'wag ka ng mag-alala sakin," ani ko sakaniya. Pagkatapos kong ayusin ito ay humalik ako sakaniyang pisngi. Doon ay ibinalot ni Papa ang kaniyang braso sakin habang hinahaplos ang buhok ko. Ayoko, ayokong umiyak.

Gusto ko munang maging masaya. Kahit ngayon na lang.

Tumango siya at nagpaalam na saming dalawa bago lumabas ng bahay. Lumapit ako sa hapag kainan at sinabayan si Mama sa pagkain.

May naisip ako kagabi kaya naman magpapaalam ako kay Mama sa gagawin ko.

"Ma," sambit ko habang kumakain ako. Tumaas ang dalawang kilay ni Mama at nagsalita muli ako. "Lalabas nga po pala ako mamaya," ani ko sakaniya.

"Pahiram narin po saglit noong camera mo, Ma. May iffilm lang ako sa labas."

"Saan ka pupunta? Ikaw lang?"

"Gusto ko sana, Ma, ako lang muna. May gagawin lang ako," ngumiti ako kay Mama para mapapayag siya. "Sige, pero mag-iingat ka ok? Itext mo ko kung nasaan ka pag uuwi ka na at ipapasundo kita kay Hermano mamaya."

Tumango ako at pagkatapos kumain ay hinugasan ko ang pinggan.

Bumalik ako sa kwarto ko at habang nakahiga ako ay may dumating na message sa cellphone ko.

STELLA: Hero told me. Be strong, Summer. Nandito lang ako. I love you!

SUMMER: I'm definitely fine! Walang dapat ipag-alala. :) Kamusta sa school? Ang dami ko ng namimiss.

STELLA: Kasama ba ako diyan sa namimiss mo?

SUMMER: Of course!

STELLA: Eto sandamakmak na quizzes na naman. Hindi ka na ba papasok?

SUMMER: Depende. Sabi ng doktor wag daw muna ako makihalubilo sa maraming tao. Anytime baka magcollapse ako

STELLA: Get well soon :)) Kailan magsstart ang therapy mo?

SUMMER: Hindi ko pa alam e. Hindi pa namin napag-uusapan nina Mama. We're still in shock.

STELLA: Hindi ka makakaattend ng Promenade?

SUMMER: Kailan ba yun?

Total Eclipse of the Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon