34

160 6 0
                                    

I'm a little different now because of you.

×××

Ilang araw na rin ang lumipas. Nahahalata na ang pagbabago na nangyayari sa katawan ko simula ng chemotherapy ko.

Miyerkules ngayon at sa Biyernes ay gaganapin na ang Prom. Hindi ko alam kung pupunta pa ba ako, kung papayagan ba ako ni Papa at Mama at hindi ko lalo alam kung magiging masaya ba ako doon.

Ngayon ay naghahanda na naman kami para sa chemotherapy ko. Alas dyis ang appointment namin sa doktor ko at nandito ako nakahiga sa kama ko, nakatingin sa kisame habang katabi ang laptop kong nakaopen sa blog ko.

Blanko.

Hindi ko alam kung paano ako magsusulat muli. Gusto kong ipaalam sa mga nagbabasa ng blog ko ang kalagayan ko ng hindi ko sinasabi directly pero narealize kong mahirap pala.

Biglang tumunog ang cellphone ko at lumitaw ang pangalan ng magaling kong pinsan.

HERMANO: Namimiss ka na daw ni Stella! Nagpupumilit pumunta diyan mamaya

SUMMER: Bakit di mo papuntahin :(
SUMMER: Ayos lang naman eh

HERMANO: Hindi pwede, sinisipon si Stella eh. Hindi ka pwede mahawa

SUMMER: :(((

Hindi na muling nagreply si Hermano. Siguro start na ng klase nila. Alas syete na kasi.

Patuloy lang akong nag-iisip ng isusulat ko sa blog ko.

Habang nag-iisip ako ay naisipan kong magbukas ng Facebook. Matagal tagal na rin simula noong nagbukas ako. Hindi alam ng lahat kung ano ang sakit ko. Ang mga relatives lang namin at ilan sa mga kaibigan ko at family friends lang ang nakakaalam.

Unang unang lumitaw sa news feed ko ang pangalan ni Jace. He shared a photo of a couple watching a sunset. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.

Pumikit ako at pilit na pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko. It can't be about us, it can't be symbolized as me & him watching the sunset together. Siguro siya yon at saka yung babaeng tinutukoy niyang mahal niya ngayon. I realized that while I was thinking about that thing ay umiiyak na pala ako.

I saw myself clicking his profile again, at habang nakatingin ako sa picture niya ay naisip ko, do you think of me, sometimes? Minsan ba naiisip mo na, "Kamusta na kaya si Summer? Is she okay?"

Maybe not. Wala nga siyang ni katiting na idea na may leukemia na pala ang ex niya. It's okay. I don't like people to feel pity about me.

Nagscroll lamang ako sa profile niya habang naiyak. I miss him. Soooo much. Sabi ko last week, I won't bother myself too much about the pain he caused. I told myself na ittry kong magmove forward at huwag mastuck sa idea na mahal ko parin siya at baka kahit kaunti ay may natitira pang pagmamahal si Jace para sakin.

Sabi ko, hindi na ako iiyak.

Sabi ko.. Sabi ko, hindi ko na aalalahanin pa ang mga memories namin ng magkasama.

Ang sabay na pag-aaral, sabay na pagsimba, sabay na pagkain ng lunch na sa tuwing oorder kami ng pagkain ay ako ang kukuha ng kutsara't tinidor at siya naman ang magdadala ng tray papunta sa table namin.

Those were the times. The old times.

Habang nagllurk parin ako sa profile ni Jace, I saw an unexpected post from an unknown person.

Clara Santiago > Jace Almontero I received the flowers today, thank you!

My heart skipped a beat — na dati ay dahil sa kilig mula sa kaniya; ngayon ay dahil sa sakit at pangamba.

×××

"Beautiful Goodbye

SUNRISE — symbolizes hope, new beginning and a new life.

Whenever I watch the sun to rise in the east, my heart flutters. The idea of getting another day to live, the idea of getting another day to be happy.

Whenever I watch the sun to rise in the east, I forget about the world itself. I forget about me, about anyone's existence, I forget anything. All I see is a new hope that I am wishing and longing for.

Whenever I watch the sun to rise in the east, I know it's not permanent. I know that there will come a time that the sun will not shine anymore and darkness will come. I know that the sun will set on the west and that makes me cringe.

It's like after the sun gave you a beautiful beginning, the sun will bid goodbye to you in the most beautiful way.

The sky turns pink, turns orange, the clouds forming so brightly and the sun slowly sinking into the horizon is such a pleasant sight to see.

It's like the sun doesn't care about anything anymore, the sun wants to hide, because the sun gets tired and tired everyday of making us happy.

As the sun sets and sinks to the west, as the sun bids goodbye, are you sure it will rise again?"

As I type the words, puro luha lang ang lumalabas sa mata ko. Nanginginig pa ako habang pinipindot ang post button.

Pagkatapos kong magpost ay naghanda na ako para sa chemotherapy ko.

Dumiretso kami sa ospital at habang sinasagawa ang chemotherapy ay ang daming sumasagi sa utak ko.

Mga tanong na pilit gustong masagot at mga sagot na hindi ko alam kung tama ba. Pilit kong iniintindi na... may sakit ako. Kahit na ilang araw na rin ang nakalipas ay hindi ko parin matanggap.

It was so sudden. In just one snap, parang bigla akong nagkaroon ng sakit na hindi ko inaasahan. I was living my life so happy, I am so happy until it came.

Nakatingin ako sa kisame. I was whispering to God and talking to him politely in my mind saying, "Why should it be me?" At narealize ko, hindi ko pa malalaman ang sagot sa ngayon.

He has a purpose and I should trust Him because He knows the best.

Biglang tumunog ang hawak kong phone. I immediately opened it at ito ay isang notification sa Facebook.

Jace Almontero liked a photo you shared.

Nang irefresh ko ito ay biglang nawala. Napataas ang kilay ko at siguro ay napindot niya lang.

Ayoko na.

Kahit na may kumirot sa puso ko nang mabasa ko ang pangalan niya ay ayoko na talaga.

Ayoko nang masaktan.

Ayoko nang pahirapan pa yung sarili ko.

Maybe this is the time para pakawalan na ng isip at puso ko si Jace.

Maybe this is the time I should give him up and let him go... And maybe this too, has a purpose.

×××

Total Eclipse of the Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon