Happiness is the only thing we can give without having.
×××
"Ma!" tawag ko kay Mama habang dala dala ang cellphone ko. "You think okay yung pagkuha ko dito sa picture na 'to?" dagdag ko habang pinapakita sakaniya ang kuha ko sa Rizal kahapon.
A week passed and everything went well. Sobrang nag-eexcel ako sa acads lately, dahil narin sa tulong ni Stella na nakikipag group study sakin sa bahay. Pati narin ang pagtuturo sakin ni Jace everyday ng Math at si Hero na halos tumira na sa kwarto ko.
Minsan kaming apat lang talaga ang magkakasama at okay na ang lahat. Me and Jace are happy na naseset namin yung priorities namin ng mabuti.
Namamanage ko rin ang blog ko kahit na minsan busy talaga, namaster ko na rin siguro ang multi-tasking, kasi gusto ko rin naman 'tong ginagawa ko.
Mas naging close si Jace kay Mama at Papa dahil halos every after class ay nandito siya, minsan naman doon siya pumunta sa totoong family niya at naiintindihan ko naman 'yun dahil hindi naman dapat palagi kaming magkasama. Mom and Dad are happy kasi wala namang masama sa intentions ni Jace sa'kin.
Si Hero naman, tumigil na sa panliligaw kay Marie Lim noong isang araw lang. Nakita kasi niya si Marie sa isang bar sa dalawang kanto ang layo mula sa bahay nila. May kahalikang iba.
And he gave up. Matagal tagal na rin naman talagang pinapaasa ni Marie ang pinsan ko. Sabi ko nga kay Hermano kung may pagkakataon ay kakausapin ko ang bitch na 'yon kaso ayaw daw niya na mapaaway pa ako. Kaya ayun, nandon siya sa kwarto at nakatulog dahil sa lungkot.
Mas madrama pa sakin 'yung lalaking 'yun.
For Stella, noong nalaman niyang tumigil na si Hero ay parang awtomatikong kumislap yung mga mata niya, "It's time to shine," bulong niya pa sa'kin na ikinahagalpak ko ng tawa.
Kahapon ay pumunta kami sa Pililla Windmill Farm sa Rizal. The view was incredible! Kaya I took the chance para kumuha ng mga photos at ishare itong adventure sa blog ko or sa instagram ko.
(SEE MULTIMEDIA HIHI)
"Add mo ng saturation ng konti nak," kumento ni Mama at tinanguan ko siya at bumalik na sa sala.
Sunday ngayon at magsisimba dapat kami nina Mama ngunit mag-oovertime si Papa sa office, ayaw naman akong samahan ni Mama at sabi niya ay ayain ko nalang daw si Jace.
Kaya eto, iniintay ko na mag 3:30 dahil alas kwatro ay magsisimula na ang misa. Maya maya lang nandiyan na 'yun si Jace at panigurado namang magtetext siya kapag papunta na siya.
Pagkatapos kong iupload ang photos sa blog ko at magreply sa ilang comments ay umakyat ako para icheck kung gising na ba si Hero. Baka magtampo na naman ang isang 'to dahil hindi ako nagpaalam sakaniya. Hero is really a nice cousin. He cares for me and I feel so blessed having GUYS na nagccare sakin. Papa, Hero and Jace.
Pagbukas ko ng pinto ay nakahilata parin si Hero sa kama ko, yakap yakap niya 'yung pink kong unan na panigurado kaamoy ko 'yun. Wala na naman siyang reklamo dahil mabango naman ako at sanay na talaga ako kay Hero. Kumportable na ako sa mga ganyan namin.
Sinundot ko ang pisngi ng isang ito para gisingin siya. "Huy," dinagdagan ko pa ng konting tawag para tuluyan na niyang imulat ang mga mata niya. "Gising."
BINABASA MO ANG
Total Eclipse of the Heart (KathNiel)
FanfictionBeing in love is the most wonderful and precious moment that you'll never forget in your whole life. Being in love is the best feeling in the world. Heart thudding moments, breath taking kisses, overwhelming hugs. When I met him, all things became m...