God is working things out for you, even when you don't feel it. Have faith and be thankful.
×××
"Bakit ganon 'no? Lately, palagi nalang nag-aaway sina Mama." tanong ko kay Hermano na nandito sa loob ng kwarto ko.
Yes, minsan dito kami natambay. When I just want him to listen to all my rants about things. Hero is a good listener, kaya mahal na mahal ko 'to eh.
He strums my pink guitar. "Konting hindi pagkakaintindihan lang 'yun Summer, maayos din nila 'yon."
Pagdating kasi namin dito sa bahay ay nagsisigawan na naman sina Mama at Papa sa taas. So Hermano offered to stay para hindi ko naman daw mafeel na mag-isa ako.
Nakaopen ang laptop ko. Kakapost ko lang ng unang post ko sa website ko ngayon ngayon lang.
Tinuruan naman ako ni Mama kahapon kaya alam ko kung paano 'to gawin. Pinost ko na rin sa social media accounts ko ang website para mayroong magvisit. I also posted some pictures na ako mismo ang kumuha gamit ang camera ni Mama.
"For all the times that you rained on my parade..." pagkanta ni Hermano. Napangiti ako sa kantang 'yon ni Justin Bieber. Ang ganda kasi ng meaning.
Habang nagj-jam lang kami ni Hero, biglang tumunog ang phone ko.
Jace calling...
Sabay kaming napatingin ni Hero at kung siya'y nagbigay ng nakakalokong ngiti, napakunot ang noo ko habang kinukuha ang phone para sagutin. "Hello?"
"Summer!" aniya. Lalong kumunot ang noo ko at sinipa ko si Hermano na may malaking ngiti sa mukha niya.
Sapakin kita jan eh.
"Oh?"
"Wala lang.. Hindi ka kasi sumagot sa text ko kanina." aniya sounding disappointed. "May text ka? Oops, nakalimutan ko magreply." I said, giggling.
"Ganyan ka naman eh. Ganyan naman kayong mga babae-hahaha!" I scratched my head before answering, "What? Hugot?"
"Hindi, ilulubog."
"Pakyu. Bakit ka nga ba napatawag?" I sighed reaching for my laptop and scrolling through my Facebook.
Daming likes nitong profile picture ni ate, wow. 500. Nadala sa short shorts niya.
Maputi lang naman, pwe.
"Wala, gusto lang kitang makausap."
Parang natigilan ako sa sagot niya kaya sinipa ako ni Hermano, "Namimilog 'yang mata mo." aniya bago ako tawanan.
"Summer?"
"A-ah, so.. Anong ginagawa mo?"
Nagpatuloy lang kami ni Jace mag-usap. Nagddrama ang loko dahil hindi daw siya kinakausap ng crush niya. Kawawang bata ano?
Habang si Hermano naman ay nagsasalita at kumakanta mag-isa. Mukhang gumagawa siya ng kanta.
"Summer?"
"Hmm?" ani ko sakaniya habang dahan-dahang humihilig sa kama ko. Humikab ako. "Sleepy?" tanong niya.
"Medyo," ani ko sabay tawa. "Tulog na tayo?"
"Ikaw bahala," sagot ko. "Hindi pa kasi ako inaantok-" aniya pero narinig ko siyang humikab kaya napatawa ako. "Gusto ko pa makipag-usap sa'yo."
BINABASA MO ANG
Total Eclipse of the Heart (KathNiel)
FanfictionBeing in love is the most wonderful and precious moment that you'll never forget in your whole life. Being in love is the best feeling in the world. Heart thudding moments, breath taking kisses, overwhelming hugs. When I met him, all things became m...