23

157 4 0
                                    

Sometimes you can't explain what you feel for a person.

×××

"TOO MUCH

Scary thing about being in love-is the thought that he/she might leave."

Pagkabukas ng mga mata ko ay kinuha ko agad ang laptop ko para magsulat ng blog. Pinost ko 'yon at hinawakan ang dibdib ko. Is that a nightmare?

Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ako makahinga. Tinignan ko ang orasan at alas kwatro pa lamang naman ng umaga.

Pumikit agad ako kahit hindi pa maayos ang paghinga ko at taimtim na nagdasal kay Lord. Binagalan ko rin ang paghinga ko pagkatapos at unti-unti na akong naging okay.

Napanaginipan kong hinahabol ako ng dalawang lalaking hindi ko alam kung sino. Itim, blur ang mukha at may hawak na kutsilyo. Habang tumatakbo ako ay nakikita ko si Jace sa kabilang dulo na naglalakad papalayo sa'kin na para bang iiwan ako at hindi ako tutulungang makalayo sa mga humahabol sa'kin.

Meron bang meaning 'yun? Hindi parin maalis sa isip ko kahit nagdasal na ako. Agad akong bumaba na gulo-gulo ang buhok para uminom ng tubig. Hindi pa nangyayari sa'kin ang mga katulad ng ganitong panaginip. Most of the time, masasaya ang panaginip ko, like, me travelling with my parents, o kaya naman mga nakakatawa at hindi kagaya nitong nightmare.

Triny ko muling matulog pero hindi ko magawa, paulit-ulit tumatakbo sa isip ko yung dalawang itim na lalaki na humahabol sa'kin at ang thought na nandoon si Jace ngunit hindi niya ako sinamahan para tumakbo o ilayo sa mga nanghahabol na 'yon.

Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Jace.

To: Jace

I woke up from a bad dream. :(

Natakot tuloy ako. Sobrang attached ko na kasi kay Jace. He's like the sun to me. Sa ilang linggo na naming magkasama ay araw-araw akong naiinlove sakaniya. Yes, cheesy but it's the truth. Araw-araw akong nakakadiscover ng mga bagay tungkol sakaniya at doon mas lalo ko siyang nakikilala at minamahal. I can't bear to see him leave.

OA na kung OA, selfish at masyadong in love, I know this thing is so destructive and dangerous pero sino ba namang gusto ang maiwanan? Ang maging mag-isa na naman?

Nasanay ka na eh, nasanay ka na na nandiyan siya para tulungan ka sa pang-araw-araw na challenge sa buhay mo. Nasanay ka na ng may kausap at masasabayan ang kakulitan mo. Jace is not only my boyfriend or partner, but he's also my best friend.

And I can't lose him.

Jace calling...

"Hello?"

"Hello?" husky ang boses niya at mukhang nagising ko pa yata siya dahil sa text ko. "Are you okay?"

"Okay lang naman.. Medyo kanina nagpapalpitate. Nagising ba kita babe?"

"No, it's okay, it's okay. Anong panaginip mo?"

Kinuwento ko kay Jace ang naging panaginip ko. Tahimik naman siyang nakikinig at nang matapos ako ay agad siyang nagsorry.

"Sorry," aniya. Kumunot ang noo ko at bumuntong hininga bago magsalita, "Sorry ka jan? Wala ka namang kasalanan. Panaginip lang 'yun," saad ko.

"Hindi naman mangyayari yun eh," aniya. "Hinding hindi kita iiwan. Nandito lang ako. Hindi ako aalis."

"Thank you," sagot ko. "I love you, Summer."

"Huwag ka ng matakot. Kapag nanaginip ka pa non, sabihin mo agad sakin."

Total Eclipse of the Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon