The one who deserves you the most is the one who thinks he doesn't.
×××
Dumaan ang isang buwan na hindi ko namalayan. Naging ganoon lang ang daily routine ko. Papasok sa school, magiging masaya sa company ni Hero, Stella at Jace, makikipagcooperate sa mga sinalihan kong orgs, at kung ano ano pang school related.
Wala na ako minsang time sa bahay dahil sobrang tambak ng gawain, minsan na lang rin ako mag-update sa blog ko at kapag mag-uupdate ako ay puro 'sorry' ang laman para sa mga readers ko.
Lately, hindi kami masyadong nagkakausap ni Jace, busy din siya sa acads dahil nasa kabilang section pa siya. Tuwing gabi nalang kami mag-uusap at minsan, kaunting oras nalang 'yun dahil sa mga projects na inaasign sa'min. Tuwing lunch time naman ay minsan si Hero nalang ang kasama ko dahil busy si Jace at kahit lunch hindi na niya magawang kumain.
Pero hindi naman namin nakakalimutang itext ang isa't isa.
Katulad ngayon, lunch time na at may ginagawa ata siyang thesis paper na due na mamaya.
From: Jace
Baby sasabog na utak ko.
To: Jace
Kalma ka lang po. Kain ka muna lunch?
Napapadalas rin ang away naming dalawa ngunit mareresolba naman agad bago matulog.
We know our priorities as a student, kaya naman kahit mahirap ang sitwasyon naming dalawa ay kinakaya namin. Kahit konting oras nalang para sa isa't isa ay parehas naming iniintindi dahil para sa'min din naman ito.
Miss na miss ko na ang taong mahal ko, napabuntong hininga ako.
"Miss ka rin non," ani Hero habang sumusubo ng inorder niyang chopsuey. Napalakas siguro ang pagsalita ko noon kaya nagkumento siya. "Sobrang busy kasi natin, kahit ako naman miss ko na si Stella."
Isang buwan ng nanliligaw si Hero kay Stella, sabi ko kasi kay Stella saka niya sagutin si Hero kapag sigurado na siya. Kahit naman gusto na niya si Hero, dapat maging handa muna siya kaya sabi ko, kilalaning mabuti ang isa't isa.
Birthday ni Mama ngayon kaya naman may paparty siya mamaya. Feeling teenager talaga 'yun sila. Balita ko ay invited lahat ng friends nila at mukhang magiging mini-reunion pa nila ito. Sana lang free si Jace at Stella ngayon, Saturday naman kaya dapat nandoon sila.
Magpapasama pa ako mamaya sakanila sa mall para ibili si Mama ng regalo. Sa sobrang busy ko hindi na ako nakagawa ng gift, gusto ko sana personalize kaso ang dami ko pang kailangang gawin.
Pagkatapos naming maglunch ni Hero ay pumasok na agad kami sa room dala dala ko ang thesis paper ko na ipapasa kay Ms. Perez.
Nakakailang buntong hininga na ako dahil feeling ko babagsak na ang katawan ko.
Lahat ng tao sa room busy sa pagcocompile ng mga papel nila at ako, nakaupo nalang binabasa at chinecheck maigi ang mga nailagay ko doon.
"Pahiram akong puncher," ani Noel sa'kin kaya naman inabot ko sakaniya ang puncher ko.
Bigla akong napahawak sa ulo ko dahil nakaramdam ako ng hilo. Umiling ako, siguro dahil lang ito sa init. "Okay ka lang?" tanong ni Hero at hinawakan ang braso ko.
BINABASA MO ANG
Total Eclipse of the Heart (KathNiel)
FanfictionBeing in love is the most wonderful and precious moment that you'll never forget in your whole life. Being in love is the best feeling in the world. Heart thudding moments, breath taking kisses, overwhelming hugs. When I met him, all things became m...