3

280 14 0
                                    

I hope you don't mind that I put down in words how wonderful life is while you're in the world.

×××

Kanina pa humihingi ng tawad si Stella sa'kin, nandito kami ngayon sa cafeteria, "Nag-enjoy ka naman kausap siya diba?" tanong niya.

Paano ba naman kasi, she gave my number to Jace Almontero... and yes, we texted last night.

Saglit lang naman 'yun at puro jokes na corny lang naman niya ang laman ng coversation namin. He's... he's a joker.

Well, masaya naman siya kausap, pero nagtatampo parin ako kasi binigay niya 'yung number ko kung kani-kanino. "Hero! Si Summer oh!" nagsumbong pa sa pinsan ko.

"Bakit kasi binigay mo?" tanong ni Hero. "Actually, hindi ko binigay. Seatmates kami and we're getting to know each other," saglit lang siyang natahimik. "Taray diba? And then 'yun! He borrowed my phone at sabi niya, magssave daw siya ng mga contacts ng mga kaklase namin."

Napataas ang kilay ko, "Not knowing na pati pala 'yung kay Summer sinave niya."

Umubo si Hero, "Baka type ka, Summer." aniya. "Type? Bakit keyboard ba ako?" tanong ko sakaniya.

"Pinsan nga kita." tanging tugon niya.

Liningon ko si Stella na nakatingin lang sakin habang nagpapacute para patawarin ko na siya. "Pretty pleas—" tinakpan ko ang mukha niya, "Oo na, 'di bagay sa'yo magpacute."

"Yehey!" tuwang tuwang sabi niya. "Pabasa ng convo! Ano sabi sayo?"

"Wala, typical stranger type of convo." sagot ko sabay abot ng phone ko sakaniya.

Inunlock ni Hero 'yun dahil alam niya yung password at pinagkaguluhan na nilang dalawa. Umiling ako at nagsulat ng notes sa Chem notebook ko.

"Nagtext siya ngayon!" sabay na sigaw nung dalawa. Sinamaan ko sila ng tingin bago hablutin ang phone ko.

Sumunod naman silang dalawa sa likod ko para makita ang text ni Jace.

From: Jace

hi summer

"AAAAAAAH!" sigaw ni Stella kaya binatukan namin siya ni Hero. "Nakakakilig!"

"Gaga." saad ko bago replyan si Jace.

To: Jace

Hi :)

Nagring na ang bell kaya tinago ko na ang phone sa bulsa ko at pumunta na kaming tatlo sa kani-kaniyang room.

"Good morning class," bati ni Sir Mendoza.

"I mean, Good afternoon," pagtatama niya.

My classmates let out a snort, habang ako nama'y napangiti lang. Bully 'tong mga 'to.

Binati namin pabalik si Sir at naupo na kami.

Habang nagnnotes ako ay naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko mula sa bulsa ko.

Without removing my gaze from Sir Mendoza, I reached from my phone, slowly. Baka kasi mahuli ako!

JACE: Anong subject niyo?

SUMMER: Physics.

JACE: Boring?

SUMMER: Super.

JACE: Superman

SUMMER: Stop it, jace

JACE: ang sungit...

Total Eclipse of the Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon