We come to love not by finding a perfect person, but by learning to see an imperfect person perfectly.
×××
"Tao po.."
Nagsusuklay ako at nakatingin sa salamin nang bigla naming narinig ang mahinang pagtawag mula sa labas. Nagkatinginan kaming tatlo nina Mama at Papa, at ito namang si Hero na nakikain sa'min ay napatigil sa pagnguya.
"Ako na magbubukas!" sigaw ko at dali-daling lumabas ng pintuan para tignan kung sino iyon.
Napatigil ako nang makita ko si Jace na medyo pawisan pa at may kaniyang dalang bisikleta. "Uy," bati ko.
Ngumiti ako at pinapasok siya sa gate namin. "Bakit ka nandito?"
"Gusto lang kitang makasabay pagpasok," aniya habang naglalakad kami papasok ng bahay. Narinig siguro ni Hero ang yapak naming dalawa kaya sinalubong na niya kami.
"Brad," bati nila sa isa't isa bago magfist bump.
"Nak, sino 'yan?" tanong ni Mama mula sa loob. Pumasok na kaming tatlo at doon lamang nakita ni Mama at Papa si Jace na parati kong kinukwento sakanila.
Kinukwento ko sakanila si Jace dahil mabuti naman talaga siyang kaibigan at maasahan kahit kailan. Nandiyan siya kapag kailangan ko ng tulong at nandiyan pa rin siya kahit hindi ko kailangan ng tulong. He's a good friend.
"Ma, siya si Jace." pag-iintroduce ko. Si Hermano naman ay pasimpleng nag-aayiee kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "Oh, hi Jace."
"Hello po, nice meeting you Tita." ani Jace at nakipag-shake hands pa kay Mama. Tumango si Mama pagkatapos makipagkamay kay Jace at sunod naman ay si Papa na nakatingin lang kay Jace.
"Bakit ka nandito hijo?" tanong ni Mama.
I stepped back, iniwan ko muna siya doon kasama ng mga magulang ko at inayos ko na ang mga gamit ko. "Gusto ko lang po sanang makasabay si Summer pagpasok.."
"Oh.." ani Mama at napatingin ako sakaniya. Napangisi si Mama at si Papa naman ang siyang nagsalita. "Nanliligaw ka ba sa anak ko?"
Napahawak sa batok si Jace at umangat ang labi niya, bago ito sumara ulit. "At nandito rin po ako, para magpaalam kung pwedeng ligawan si Summer.." dahan-dahan niyang sambit.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kahit sa totoo nama'y wala na dapat akong ikagulat dahil noong isang araw ay sinabi na niyang gusto niya ako.
Pero hindi ko naman akalain na magpapaalam talaga siya ng personal kina Mama at Papa. Narinig ko tumawa si Hero ng patago kaya naman gamit ang brush ko'y binato ko siya ng mahina lang naman.
Epal kasi, mang-aasar pa.
Nakita kong nagkatinginan ang mga magulang ko, si Papa ay blanko ang mukha. Si Mama naman ay nakangisi lang ngunit hindi nagsasalita.
Ganiyan naman palagi ang scenario.
Hindi naman kasi ito ang unang beses na may nagtangkang magpaalam sa mga magulang ko para umakyat ng ligaw.
May mangilan-ngilang pinapayagan si Mama pero kadalasan ay nag-aaway sila ni Papa dahil ayaw ni Papa na paligawan ako.
He's protective towards me.
Noong si Erick ang nagpaalam sakanila ay um-oo silang dalawa ni Mama dahil kakilala ni Papa si Mr. Villamor which appears to be Erick's father but when that Jerk dumped me, ang mga susunod na nanligaw pa ay hindi na muling pinayagan ni Papa.
Yung mangilan-ngilan, oo. Yung mga sa tingin niya'y mapapagkatiwalaan.
"Okay."
"Okay po.. As in okay na ligawan ko po ang anak niyo?" tanong muli ni Jace.
BINABASA MO ANG
Total Eclipse of the Heart (KathNiel)
FanficBeing in love is the most wonderful and precious moment that you'll never forget in your whole life. Being in love is the best feeling in the world. Heart thudding moments, breath taking kisses, overwhelming hugs. When I met him, all things became m...