Asan nga ba ako? Nandiyan pa ba sa iyo?
Nahihilo... Nalilito...
Asan ba ako sa'yo?
Aasa ba ako sa'yo?
×××
"Insan, burger oh," lumapit si Hero pagkatapos niyang bumili sa cafeteria. Nagbabasa ako ng mga comments sa blogposts ko at nagrereply narin sa ilang viewers. I mouthed 'thank you' at ngumiti lang si Hero na umupo sa tabi ko. "Si Stella?"
"Gumagawa ng assignment doon sa loob ng room nila," aniya sabay kagat sa kaniyang burger.
Nahagip ng mata ko si Jace na lumalabas sa room nila, tumingin siya sa'kin kaya awtomatikong ngumiti ako sakaniya ngunit wala akong natanggap.
Pumunta siya sa mga tropa niya at tumungo na muli ako upang magtype sa laptop ko.
"Nag-usap na ba kayo?" ani Hero habang umiinom sa Royal niya. Umiling ako, "Hindi pa. Nag-uusap pero ganoon pa rin."
"Malapit na Prom ah," sambit niya. "Hindi ka ba inaaya?"
Noong isang linggo lang ay kaliwa't kanan ang mga promposal at tinext ko siya kung may partner na siya sa Prom at sabi niya, "Matik na 'yun. Ikaw na. Sino pa ba?"
Napangiti ako nang maalala ang reply niya. Pero bakit ganoon? Parang bigla nalang siyang lumayo.
Pero sa mga text, nagsasabi parin siyang mahal niya ako.
At ramdam ko...
Ramdam ko pa nga ba?
"Matik na daw na ako ang kadate niya sa Feb 11." sagot ko at nagtype.
"Saan daw siya busy?"
Kanina pa tanong ng tanong si Hero kaya pabiro ko siyang sinamaan ng tingin at mukhang napansin niya naman ang ibig kong sabihin.
"Aba Summer, sino ba namang hindi mapapatanong?"
Tinaas ko ang kilay ko hudyat na makikinig ako sa sasabihin niya.
"Halos dati, hindi makatiis na hindi ka puntahan sa classroom natin tapos ngayon, ni ngumiti sa'yo hindi niya magawa?"
Nanikip ang dibdib ko sa sinabi ni Hero. Tama siya... He's mine, he loves me, I love him, but I don't know what's happening. He's close yet so far to me.
"Ni halos yakapin ka sa harap ng buong faculty at students noon tapos ano ngayon? Paglapit lang sa'yo at pag-explain kung anong ka-shitan yung ginagawa niya hindi man lang niya magawa?! Nakakabwisit—"
"Tama na," wika ko. Halos bulong nalang ang mga katagang iyon dahil nagbabadya na ang mga luha ko.
Mahal mo pa nga ba talaga ako?
Ikaw pa ba yung Jace na nakilala ko?
Sa akin ka pa ba talaga?
Minahal mo nga ba ako?
Ano bang meron? Kasi gulong gulo na ako.
Ang daming tanong sa isip ko ngunit hindi ko matanong sa kaniya.
May rason, Summer. May rason yan. At malalaman ko rin sa tamang panahon kung ano 'yun.
Magtitiwala nalang ako... Sa mga alaala.. Sa mga katagang 'mahal kita'.
"Summer?!"
"Summer!!!"
"Summer..."
×××
"Tita, hindi ko alam...."
"Dalawang beses na nangyari yan, Tita..."
Naalimpungatan ako at kung kanina ay nasa school ako, ngayon ay nandito ako sa loob ng kwarto ko, naaninag ng mga mata ko si Hero na nakauniform sa tabi ko at si Mama na nakatayo sa dulo ng kama ko.
"Mama? Hero?"
"Anak!" lumapit si Mama sa'kin at hinaplos ang buhok ko. Bahagya akong ngumiti. "Anong nangyari?" tanong ko.
"Nahimatay ka sa school kanina," sagot ni Hero.
"Ha?"
"Nahimatay? I was definitely fine!" sagot ko. "Hindi ko din alam, sabi nung doktor, stressed ka raw," ani Hero bago siya tumingin kay Mama.
"Anak, take a rest. Kahit mga dalawa o tatlong araw lang. I'll let Hero bring the excuse letter para malaman nila."
Umiling ako, "Ma, no. I am okay."
"Kailangan mong magpahinga, Summer. Namamayat ka na, you looked so stressed and ill. Sabi ng doktor, it might be something serious. Kaya please, anak, makinig ka muna sa'kin."
Tumahimik ako saglit. Tumingin ako kay Hero at tumango lang siya. "Kung nagwoworry ka sa notes at lectures na mamimiss mo, papahiramin kita ng notes, at ieexplain ko sa'yo mga nilesson." ani Hero. "Well, three days lang naman, diba Tita?"
Tumango si Mama and I bit my lower lip. "Okay," sagot ko and they smiled at me.
Buong hapon ay nandito lang ako sa kwarto ko. Kasama ko si Hero na hindi na bumalik ng school. Pinalitan niya ang uniform niya ng tshirt mula sa'kin.
Nakatingin lang ako sa TV habang nagbabalat si Hero ng apple sa tabi ko. "Hindi ka ba nilalagnat?" mariing tanong niya.
Umiling ako, "Okay lang talaga ako, seryoso. Kaya nga hindi ko alam sainyo kung bakit ayaw niyo ako palabasin ng kwarto ko." Ngumuso ako at hindi sumagot si Hero.
"Hindi ka ba nag-aalala sa kalagayan mo Summer? Namumutla ka, namamayat, may mga pasa, at ano? Nawawalan ng malay bigla bigla? We're just concern for you."
"Nag-aalala..." sambit ko. "Pero wala naman akong maramdamang kakaiba. Alam kong okay ako."
"You are," aniya at inabot sakin ang mansanas na kanina'y binabalatan niya. "but you need to rest. Baka sa susunod hindi na magfunction buong katawan mo sa kakaisip kung anong meron kay Jace."
Napatigil ako sa pagkain at tumingin ako sa kaniya. "Tama ako, diba? Masyado mong iniistress sarili mo kay Jace." dagdag niya.
"Who wouldn't be worried? One moment, he loves me and now he acts like he doesn't care about me." maliit at mahina ang boses na lumabas sa mga bibig ko habang sinasabi ko iyon.
"Don't worry about anyone else. Alalahanin mo naman ang sarili mo, Summer. Worry about yourself."
JACE: Okay ka lang?
Nang tumunog ang telepono ko ay agad sumulyap sa'kin si Hero.
My mood suddenly lift up, kahit na hindi ko alam kung anong nangyayari.
I am clueless. Boyfriend ko pa ba siya? Is he slowly drifting away?
Inalis ko ang thought na 'yun at nagtype para replyan siya.
SUMMER: Oo naman, okay na okay. :)
Pagkapindot ko ng send ay matagal kong tinitigan ang phone ko at nag-intay ng reply mula sa kaniya.
Nang umilaw ang telepono ko ay agad ko itong inangat mula sa higaan ko at sinagot ang tawag.
Naramdaman ko ang mga tingin ni Hero at umiling siya kaya naman tumungo ako bago magsalita.
"Hello?"
"Summer?"
Nag-iba ang timpla ng mukha ko sa bati niya sa'kin.
Wala lang 'yan, Summer. I keep convincing myself.
"Hmm?"
I tried to sound happy. Sinubukan kong iparinig sa kaniya na hindi ako nagdududa. Na hindi ako nagtataka sa kung ano mang nangyayari.
Sa kung ano mang meron.
Sinubukan kong iparinig na hindi ako nag-aalala na baka hindi na niya ako mahal.
"Kailangan nating mag-usap."
Oo, kailangan na kailangan.
×××
BINABASA MO ANG
Total Eclipse of the Heart (KathNiel)
FanfictionBeing in love is the most wonderful and precious moment that you'll never forget in your whole life. Being in love is the best feeling in the world. Heart thudding moments, breath taking kisses, overwhelming hugs. When I met him, all things became m...