Even though I try to deny it at the end of the day you're still on my mind.
×××
Lunes na naman. Juskolord, inaantok pa ako habang naglalakad papunta sa locker room ko. Nauna na si Hermano dahil naiinis na siya sa bagal kong maglakad.
Maya-maya lamang ay napalingon ako dahil may kumalabit sa likod ko. "Jace."
Ngumiti siya sa'kin at nginitian ko rin siya. Pansin niya sigurong inaantok pa ako kaya naman inabot niya ang mga librong dala ko upang siya naman ang magdala non. Kukunin niya sana ang bag ko pero umiling ako at hindi pumayag.
I'm so thankful na nakilala ko rin si Jace, kahit na sobrang strange ng pagiging close namin kasi magkaiba kami ng section. Kahit na asarin kami, sabihing may something, wala kaming pakialam kasi nga magkaibigan lang kami. Hanggang doon lang 'yun.
Nakasalubong namin ang pinsan niyang si Kevin, "Jace sabado ha! Basketball!" Tumango naman si Jace.
Nang dumaan kami sa room nila ay tumili na naman ang mga kaklase niya at inaasar asar kaming dalawa. Hindi mawawala si Stella, nangunguna pa siya sa pangungulit saming dalawa. "Akin na 'yan," ani ko sakaniya. Inabot niya sa'kin ang mga libro ko at nagpasalamat ako.
"Ikaw pa," pagkatapos ay kinindatan niya ako kaya gamit ang libro ko ay hinampas ko siyang pabiro. "Kire."
"Crush mo ko noh?" tanong ko habang nakatingin sa ilang nagpapasukang mga kaklase ko. Napatigil siya at tumingin lang sakin.
Hindi ko alam, pero bigla nalang tumigil lahat.
Nakatingin lang kami sa isa't isa. Tanging pagtibok ng puso ko ang naririnig ko.
Bumalik lang ako sa realidad noong nagbell na. Inangat ko ang kamay ko, "Bye,"
"Bye." aniya pabalik. Tumalikod na siya at ganoon din ang ginawa ko pero bigla niyang hinila ang kamay ko. "Oo, Summer."
Hawak hawak ko ang dibdib ko nang pumasok ako sa loob ng classroom. Binaba ko na ang gamit ko at tinanong naman ako ni Hermano, "Para kang tanga. Anong nangyari?"
Umiling ako, "H-hindi.. Ewan.. H-hero.."
Tama naman ang pagkakarinig ko diba? O mali ako?
Gusto daw ako ni Jace?
Ha?
"Good morning class," ani Ma'am. Bumati kami pabalik at naupo na.
Nagdiscuss siya tungkol sa hindi ko malamang topic dahil nakatuon parin ang isip ko sa narinig ko kanina.
Hinawakan niya ang kamay ko... Habang nakatingin sa mga mata ko, at sinabi niyang, "Oo, Summer."
Bakit.. Bakit ganito ako magreact?
Dapat chill lang ako. Baka naman nagkamali ako ng rinig. Kasi alam kong kaibigan lang naman ang tingin ni Jace sakin at ganoon rin ako sakaniya.
Isinantabi ko ang narinig ko dahil ayoko muna mag-assume. Nagfocus ako sa sinasabi ni Ma'am tungkol sa interview na gagawin namin by group tungkol sa topic namin about fidelity, true love, great love. Sus, nakakabitter yung topic namin.
Kaya naman halos lahat ng mga kaklase ko ay nag-iingay at nagsasabi ng "walang forever!" At isa-isa silang sinaway ni Ma'am.
Kailangan raw naming ivideo ang gagawing interview, sa isang couple na kasal ng mahigit 40 years na.
Meron pa bang ganon? Saan naman kami makakahanap noon?
Napagplanuhan namin ng mga kagroup ko na sa Biyernes magsimula ng gagawing interview. Thank God, kagrupo ko si Hero.
(See multimedia)
JACE: Summer
SUMMER: Yo?
JACE: Yung sinabi ko kanina..
Napahawak na naman ako sa dibdib ko nang mabanggit niya 'yung sinabi niya kanina.
Totoo kaya yon?
At kung totoo... Ano naman ngayon?
SUMMER: Ah, yes. Oo alam ko namang hindi eh hahaha
JACE: Totoo yun..
JACE: Totoong nagugustuhan na kita.
JACE: Kaya nila tayo inaasar dahil may gusto na talaga ako sayo.×××
Hindi sana ako maglulunch pero hinihila ni Hero ang braso ko at kanina pa ako nagrereklamo dahil mabigat ang kamay ng lalaking 'to.
"Ayoko nga kasi Hero!" pagpupumilit ko. "Bakit masusunog ka ba kapag lumabas ka?" tanong niya.
Sumimangot ako, "Nagpapaputi ako eh."
"Bwisit. Arte, bilis na baka pumayat ka, lagot ako kay Tito." aniya kaya inismidan ko siya at kumuha ng pera sa wallet ko.
Paglabas namin ng room ay nandoon si Jace. Tumingin ako kay Hero, "May pag-uusapan kayo?" tanong niya at tumango naman ako.
"Okay. Una na ako-saglit anong gusto mo? Oorder na kita," napangiti ako at nilagay sa kamay ni Hero ang singkwenta pesos na pera ko at binigay ang order ko bago siya umalis.
"Hi," aniya habang natatawa. Ngumiti ako at binati siya pabalik na parang wala akong nalaman tungkol sa damdamin niya para sa'kin.
"Seryoso ba 'yon?" tanong ko sakaniya out of the blue habang naglalakad kami pababa ng hagdan.
Dahan-dahan ang pagbaba namin, para bang gusto naming humaba pa ang oras na magkasama kami. "Seryoso 'yun, Summer. Gusto kita."
Nakatingin lang ako sa sapatos kong itim. Sa medyas kong puti. Sa hadgang grey ang kulay. Marmol...
Hindi ko alam... Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya sa iba ako nakatingin.
The last time I heard those words, naniwala agad ako. Sumubok agad ako. Nahulog agad ako. Hindi ko muna kinilala ang taong 'yun kaya sa huli, sinaktan niya ako.
Kaya ngayon, na 'yang dalawang katagang yan. Gusto kita. Narinig ko na naman, mag-iingat na ako.
"'Wag ka sana ma-ilang.. Summer." aniya. Ngumiti ako at hinawakan ang braso niya. Inayos ko ang bangs na tumatakip sa mata ko para makita siya. "Hindi Jace, hindi ako ganon."
"Sadyang hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko, nahulog na ako sa'yo." aniya. Napatawa ako bago siya hampasin sa balikat.
"Corny." saad ko. Ngumuso siya, "In love eh."
Nagkibit balikat ako at naglakad na kami. Kita ko sa kanang mata ko na nakatingin siya sa'kin kaya naman ang hirap kumilos dahil nakatitig siya sa'kin.
"Ah!" sigaw niya. Tumawa muna ako bago siya lapitan, "Anong nangyari hoy?" tanong ko habang tumatawa.
"Kakatitig ko sa'yo, nauntog tuloy ako."
Tinaas ko ang isang kilay ko at tanging yun lang ang nagawa ko dahil hindi ako makapagsalita.
"Ang ganda kasi, ang sarap titigan."
×××
Dahil birthday ko bukas... Happy birthday to me! Short update :) sorry, busy hahaha!
Simula na ng Jace-Summer ligawan hahaha
#TEOTHLigawan
BINABASA MO ANG
Total Eclipse of the Heart (KathNiel)
FanfictionBeing in love is the most wonderful and precious moment that you'll never forget in your whole life. Being in love is the best feeling in the world. Heart thudding moments, breath taking kisses, overwhelming hugs. When I met him, all things became m...