Epilogue

223 4 0
                                    

The moment I stepped to dance, she landed on me.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at doon ay nakaramdam ako ng kakaiba.

Imposible man dahil alam kong hindi siya makakapunta, naramdaman kong siya 'yun. The way she dance, the way her cheeks form a smile that I will never forget, the way her eyes light up... It's her.

Habang nagsasayaw kami ay nakatingin lang ako sa mga mata niya. Kung ito man siya, should I speak? Should I tell her... I still love her? Should I tell her... I broke up with her because I don't want her to get hurt? I broke up with her because she doesn't deserve the treatment I am giving.

Pero paano kung hindi siya ito? Napailing ako.

Walang nagsalita sa aming dalawa at noong cue na para magpalit ng partner ay pinisil niya ang kamay ko at ngumiti.

Siya yun.

Pero hindi man lang ako nagkaron ng chance para magpaliwanag.

Pagkatapos ng cotillion ay hinabol ko siya pero hindi ko na siya makita.

Limang taon na ang nakalipas simula ng nagkaroon ako ng anak.

Limang taon na rin ang nakalipas simula ng namatay si Summer.

Sa loob ng limang taon, para makalimutan ko ang sakit na naramdaman ko noong nalaman ko ang buong kwento kay Summer ay nagfocus ako sa trabaho ko at sa anak kong si Clarice.

Walang nagsabi sa'kin. Walang nagtangkang ipaalam sakin na may sakit na pala ang taong pinakamahalaga sa buhay ko. Walang nagsabi na mayroon siyang leukemia.

Galit na galit ako noon sa mga tao, galit na galit ako dahil mahal na mahal ko si Summer pero sa huling pagkakataon ay hindi ko manlang nasabi sakaniya ang lahat.

I broke up with her dahil aksidente kong nabuntis si Clara.

Gabi 'yon, nagpunta ako ng bar dahil nagkakalabuan na kami ni Summer. Nawawalan ng time sa isa't isa.

Uminom ako ng uminom ng nakilala ko na si Clara pala iyong nasa tabi ko. Noong una, nag-uusap lang kami. Kaso, biglang... ayun na.

Kinaumagahan, nagsorry agad ako sakaniya at ganoon rin siya sakin. Matagal akong nagdasal na sana hindi nagbunga ang ano mang milagrong ginawa namin ni Clara ngunit nagkamali ako.

Nalaman ng mga magulang ni Clara at magulang ko kaya naman nagalit sila sakin ng sinabi ko sa harap nila na aksidente ang lahat. Gusto nilang pakasalan ko si Clara pagkatapos naming mag-aral. Umiling ako at sinabing may mahal akong iba ngunit sinampal lang ako ng nanay ni Clara.

Umiiyak noon si Clara sa likod ko. Wala akong nagawa. Sa mga sandaling yon, alam kong paghihiwalayin na kami ni Summer.

Masakit man sakin na makita ang taong mahal ko na umiiyak, masakit man sakin na sabihing hindi ko na siya mahal... Ginawa ko. Para sakaniya.

Pero aaminin ko, naging duwag ako. Imbis na sabihin ko ang totoo ay pinagtakpan ko ng kasinungalingan ang ginawa ko. But it's all done. Hindi ko man lang naipaliwanag sakaniya bago siya kunin ni Lord.

Nagalit ako kay Hero at kay Stella. Hindi nila sakin sinabi na may sakit pala si Summer. Pero anong magagawa ko? Sinaktan ko ang kaibigan nila. Sinaktan ko siya at siguro ito ang ganti nila sakin.

Pinaalam nila sa akin ang lahat noong October 16, 2018, ang araw ng pagkamatay niya.

Ilang buwan kong hindi nakausap si Summer, na noong mga panahong iyon pala ay nag-aagaw buhay na siya. Base sa kwento ni Hermano ay nagpumilit siyang hindi magpachemotherapy kaya mas napabilis ang pagkalat ng sakit niya sa buong katawan.

Total Eclipse of the Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon