12

225 10 0
                                    

She's the type of girl that can be so hurt but can still look at you and smile.

×××

"Summer, seryoso ang bagal mo," ani Hero habang nakaharap ako sa salamin at nagsusuklay.

This is the day para gawin namin ang project sa Values Ed. Matagal na kaming naghanap ng couple married for 40 years at pupuntahan namin sila ngayon. Medyo malayo rin dahil halos 1 hour papunta sa place na 'yon.

Nakarating kami ni Hero sa meeting place at halos kami nalang pala ang hinihintay. Sumakay na kami ng bus papunta sa place kung saan namin iinterviewhin sina Lolo Francis at Lola Helen.

Habang tulog sa balikat ko si Hero ay nagvibrate ang telepono ko. Isang message galing kay Jace.

JACE: Goodmorning magandang nilalang

SUMMER: Bolero

JACE: Aba siya. Kelan ba kita binola?

SUMMER: NGAYON!!!

JACE: Summer, di kita niloloko. Seryoso ako sa lahat ng sinasabi ko.

I was dumbfounded at hindi ko nalang siya nireplyan dahil bumilis ang tibok ng puso ko at humilig nalang din ako sa ulo ni Hero para matulog.

Mamukat mukat ko'y pinapababa na kami sa bus. Ginigising ako ni Hero sa marahang pagtapik niya sa braso ko. "Nandito na tayo," aniya.

Tumango ako at inayos ang sarili bago umangat sa kinatatayuan ko. Bumaba na kami ng bus at I was stunned with the place.

Malayo kasi ito sa bayan, it looks like a different place, maraming puno, sariwa ang hangin at tabing dagat.

Dumiretso kami ng mga kagrupo ko sa bahay nina Lola Helen, habang ako ang naatasan nilang magdala ng tripod. Hirap na hirap akong dalhin kahit nakatiklop ito, kaya kinuha ni Hero ito mula sa'kin.

Nakarating kami sa isang bahay, hindi ito kalakihan at tama lang. Gustong gusto ko ang hangin, at ang view na mapapawow ka talaga.

Sinalubong kami ng isang babaeng nasa late 30's na, nginitian namin siya at isa isa niya kaming pinapasok sa kanilang bahay. Siya siguro ang anak nina Lolo Francis. "Ate Virgie," aniya pagkatapos ilahad ang kamay namin.

"Start na po?" tanong ng isa kong kagrupo. Matagal na namin silang nasabihan kaya naman alam na nila kung bakit kami nandito.

Lumabas mula sa isang silid sina Lolo Francis at Lolo Helen na magkahawak kamay, hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil nakakatuwa na kahit ilang taon na sila ay ganoon parin tumingin si Lolo Francis sakaniya.

Sinet-up na ni Hero ang tripod at camera at nagsimula na kami. Sinabi naming ikwento lang nila kung paano sila nagkakilala at kung paano sila humantong sa kung anong meron ngayon.

Inisa isa rin namin ang mga problemang naransan nila.

Tuwang tuwa akong pinapanood habang nagkkwento sila ng love story nila. Mas lalo akong naging hopeless romantic dahil sa mga narinig ko. Lalo akong umasa sa destiny and fairy tales.

"Dumating kami sa puntong maghiwalay.." saad ni Lola Helen. "Ito kasing si Francis, babaero."

Tumawa kaming lahat.

"Paulit-ulit kong tinanggap 'yon, dahil sinasabi niya saking ako lang ang mahal niya.. Na huwag akong mag-alala." tumingin siya sa camera at tumingin kay Lolo Francis habang nanggigilid ang luha sa mata.

Total Eclipse of the Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon