If someone can just walk out of your life, they never cared.
×××
HERMANO: papunta na ako.
Nakasalampak ako sa aking kama habang patuloy na humihikbi.
Hindi ko parin maintindihan.
Ganon ganon nalang? Lalo akong napaiyak na maisip na lahat ng pinagsamahan namin ni Jace ay itatapon niya nalang basta basta.
Did he really loved me?
Ano 'yung mga tingin niyang nakakatunaw? Ano 'yung paghaplos niya sa buhok ko, paghalik niya sa noo ko, at pagsasabi niya na walang iwanan?
Ano 'yung bawat yakap na may kasamang paninigurado na hindi niya ako iiwan?
Hindi pa ba ako sapat? Am I not enough? Pinakita ko sakaniya na through thick and thin, I won't leave him. Na kahit ilang taon na kami ay hindi ako magsasawa sa kaniya, but him? He did. Nagsawa siya sa'kin.
He never really cared for me, then.
'Yung pag-aalaga niya sa'kin kapag may sakit ako, 'yung panunuyo niya kapag meron ako. 'Yung paglalambing niya kapag sinusumpong ako.
Ano 'yun?
Parang natulog lang ako at isang panaginip lang ang lahat at ngayon sinampal ako ng "Let's break up" para magising sa katotohanan.
Sabi ko noon, falling in love with Jace felt so surreal, at mukhang tama nga. Parang ang bilis, nakakagago. He just left me hanging.
Hindi ako makapaniwala na boyfriend ko na siya noon tapos ngayon, hindi ako makapaniwala na hindi na.
From complete strangers, to lovers and to complete strangers again.
I hate you, Jace Almontero.
I want to hate you, but I can't. Because even though you broke my heart, pieces of it will still beat for you.
Iba kasi eh. The feeling I've felt when you once told me you love me is different. I felt safe, I felt warmth and tenderness. Alam ko, in that moment, na ikaw na.
But then, maybe, destiny is testing me. And... maybe, our paths meant to cross but not to be together.
Gustong gusto ko ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko para matapos na, because I just want this pain to stop. Gusto ko na lang ulit maramdaman kung gaano ako kamahal ni Jace.
Gusto ko na maramdaman ang mga bisig niyang nakabalot sa bewang ko habang sinasabi sa tenga ko ang mga katagang 'Mahal kita'. Pero kailangan kong tanggapin na wala na.
Wala na ba talaga? A part of me still wishes na sana, kahit katiting ay meron pa.
Bumukas ang pintuan ko at tumambad sa'kin ang galit na galit na si Hero. Tumayo ako at sumugod sakaniya para yumakap.
Hinaplos ni Hermano ang buhok kong gulo gulo dahil sa pag-iyak at pawis ko. "Shhh," aniya.
Umupo kami sa kama ko at doon ko napansin na may galos pala sa mukha si Hero. "Ano 'yan?" turo ko sakaniya sa pagitan ng mga iyak ko. "Wala," sagot niya.
Nanlaki ang mata ko nang marealize ko kung anong nangyari. Sinugod niya ba si Jace?
"Nagsuntukan kayo?"
Tumango siya habang nakakunot ang noo. "Sorry, Summer." aniya. "Nakita ko siya sa may park kanina, at tinanong ko siya kung anong ginawa niya sa'yo. Nagkasagutan kami at 'yan," aniya.
BINABASA MO ANG
Total Eclipse of the Heart (KathNiel)
FanfictionBeing in love is the most wonderful and precious moment that you'll never forget in your whole life. Being in love is the best feeling in the world. Heart thudding moments, breath taking kisses, overwhelming hugs. When I met him, all things became m...