6

266 12 2
                                    

Love is like quick-sand. Once you fall in it, it's hard to get out.

×××

"Summer!"

Lumingon ako sa boses na 'yun. Kumaway ako sakaniya gamit ang isa kong kamay at hinintay na lumapit siya sa'kin.

"Wala si Hero?" tanong niya.

Napansin niya sigurong wala akong kasama at may dala akong ilang libro na kinuha ko sa library kaninang umaga. "Wala eh, may lakad sila nina Tita."

"Akin na 'yan," aniya bago iabot ang kamay niya sa mga libro ko. "Mabigat diba? Akin na," aniya.

Nag-aalinlangan pa ako noong una dahil nandito kami sa tapat ng building namin. Tumingin ako sa paligid dahil madaming mapang-issue na bibig at mata sa tabi-tabi.

Sa huli ay binigay ko rin kay Jace ang ilang libro. "Salamat," sabi ko. Tumango lang siya at naglakad na kami papasok ng building.

Una kong nakita ang pinsan niyang ungas, "Nice, Jace!" kasama nito ang ilang tropahan nila sa basketball na nakuha pang mang-asar. Nanatiling nakakapit ako sa strap ng bag ko at ngumingiti lamang sakanila.

"Wag mo na pansinin 'yon sila. Mapang-asar talaga," aniya. Tumango ako, "Nagquiz na kayo sa Chem?" tanong niya.

"Yup, 8 lang ako over 10."

"Boplaks pa naman ako sa Chemistry. Paano na pa kaya ako?" aniya kaya napatawa ako.

"Madali lang naman, read between the lines, Jace." sagot ko. "Reviewhin mo naman ako," aniya habang umaakyat kami sa hagdan.

Nagulat ako sa hiniling niya kaya tinignan ko ng mabuti ang mukha niya. Nakangiti lang siya at iniintay ang sagot ko.

Tumingin ako sa orasan at may halos thirty minutes pang vacant bago magtime para sa susunod na subject. Nginitian ko siya at tumango.

Sa labas ng classroom namin ay doon kami naupo, sa sahig. Naka-indian seat kaming dalawa bago ko buklatin ang libro ko sa Chem at ang ilang notes ko doon sa notebook ko.

"Ang ganda naman ng sulat mo," ani Jace. Ngumiti ako, "Thanks. Maganda kasi 'yung nagsulat."

Tumingin siya sakin habang natatawa kaya tumawa ako ng malakas, "Biro lang."

Nagsimula na akong magtanong sakaniya ng ilang posibleng maging tanong sa quiz nila mamaya. Ngunit hindi kami makapagreview ng ayos kasi kung hindi siya mangungulit, ay may manggugulo at mang-aasar naman samin.

"Jace! Ano na? Nagtanong na ako!" sigaw ko sakaniya. May tinuro siya sa likod ko kaya napalingon ako tapos wala naman.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil tinatawanan at pinagttripan niya ako. Gamit ang libro ko ay pinalo ko siya.

Good thing, nakakailag ka Jace Almontero!

Lakas talaga ng trip. Makulit, nakakabwisit, pero masaya kausap.

Tawa parin siya ng tawa kahit lima palang ata ang nasasagot niya ng tama sa sandamakmak na tanong na tinatanong ko sakaniya.

"H2O diba? Water?" tanong niya.

"Hindi, H3O," saad ko kaya tumawa siya bago ako barahin, "May ganon, Summer? Wala naman."

I glared on him at nagfocus sa mga itatanong ko sakaniya. Habang nagbabasa ako ay kita kong nakatingin siya sa'kin habang tumatawa.

Tinaas ko ang kilay ko at umiling lang siya kaya ibinalik ko ang tingin sa libro ko.

Pero kahit anong gawin ko ay kita ko parin ang matamis niyang ngiti at mapungay niyang mata na sa'kin nakatitig.

Total Eclipse of the Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon