And that's how you know you really love them, you forgive. Even if they didn't apologize.
×××
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-isip. Mag-isip tungkol kay Jace. Sa tuwing dumarating ako sa puntong 'to, naiisip ko kung nahuhulog na ba ako? It's not impossible tho. Wala namang mali kung mahuhulog ako. Sadyang pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil ayaw kong masaktan.
But it's all part of loving. The "getting hurt". It's part of it, at hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan.
Kaso masyado na akong nasaktan noon kay Erick.. and I don't think kaya ko pa ulit masaktan ngayon. Pero nakikita ko namang seryoso si Jace sa'kin. He's true to his words. Kahit na bago palang siya nanliligaw sa'kin ay matagal na naman naming kilala ang isa't isa.
Nakilala ko siya bilang kaibigan at nakita kong mapagkakatiwalaan siya. But I'm holding back. I'm taking good care of my heart.
Yes, I am falling.. But I am preventing myself to fall so deeply, so hard. Kasi mahirap kumawala.
Sinantabi ko ang naisip ko at bumangon na para sa lakad namin ngayon. Kahapon ay pinagpaalam niya ako kina Mama at Papa para magsimba ng magkasama. Pumayag naman sila at walang problema doon basta't aagahan ko ang uwi ko.
Madami na agad texts si Hero na kesyo nagtatampo daw siya dahil bakit hindi daw siya pwedeng sumama.
To: Hermano
Makipagdate ka nalang kay Lim! Baka maging kamukha mo na ako kapag lagi tayong magkasama.
From: Hermano
Sabagay. Date niyo pati yan. Hahaha, basta sasapakin ko si Jace kapag hindi ka niya iningatan.
Umiling nalang ako at naghanda na para sa lakad namin dahil anytime ay baka dumating si Jace para sunduin ako.
Naaninag ko sa night stand ko ang rosas na bigay niya sakin kagabi. Kinuha ko ang papel na may nakasulat na "Come with me tomorrow, Summer? I love you" at doon ko na naman naramdaman ang paglipad ng mga paru-paro sa tiyan ko na siyang binalewala ko. Ngunit sa ngisi ko ay hindi ko makailang kinikilig ako.
Maliligo na nga lang ako.
Bumaba ako para kumain ng almusal. Dali-dali nga ang kilos ko dahil padating na daw si Jace. Alas otso kasi ang simba kaya nagmadali akong kumain.
"Dalaga na ang baby natin, Meg." ani Papa na nagbibiro. Ngumiwi ako, "Pa. Magsisimba lang."
"Date 'yan anak," aniya kaya ngumisi ako. "Wag OA 'Pa. I'm still your baby girl." Ngumiti ako nang may kasamang assurance kaya naman tumango si Papa.
Saktong paglabas ko ay naaninag ko ang buhok ni Jace, clean and fresh. Naamoy ko rin ang pabango niya. Nakasimpleng polo shirt lang siya at black pants.
Samantalang naka white na dress naman ako at dahil medyo mainit ay inipit ko ang buhok ko. Nakita kong sa likod niya ay may motorsiklo kaya palapit sakaniya ay kumunot ang noo ko. "Motor?" tanong ko sakaniya.
Ngumiti siya bago sumagot, "Wala akong kotse, Summer." Tumawa siya. "I assure you, masaya umangkas."
Ngumiwi ako, "Nakakatakot kaya!" Hindi pa ako nakakasakay sa motor dahil hindi ako hinahayaan ni Mama at Papa. Palagi nilang sinasabi na ito'y delikado.
"Just for today, Summer. Besides, hindi ko papabilisin ang takbo. Hindi kita papabayaang mahulog," aniya bago tumingin sa mga mata ko.
Hindi ba? Kasi parang unti-unting nahuhulog na ako eh.
Ngumiti ako at sinuot ang helmet bago sumakay sa motor na dala niya
I guess malaki ang tiwala ko kay Jace.
×××
He kept his promised kanina na hindi niya papabilisin ang takbo. Habang nakasakay ako I felt free. I felt very free. Ang lakas ng hangin eh. Ang saya pala sumakay sa motor.
Nang matapos ang misa ay sabay kaming tumayo. Nakaramdam ako ng gutom kahit mag-aalas onse palang. "Kain tayo," aniya na para bang nabasa niya ang isip ko. Tumango ako at sumunod sakaniya palabas ng simbahan.
McDo. Jollibee. Chowking. Shakey's. At kung anu-ano pa ang nasa labas ng simbahan. Kunot noong tumigil kami ni Jace, "Saan tayo kakain?"
Nagkibit balikat ako. "Kahit saan!" natatawang sagot ko. Tumingin siya sa paligid at ganoon din ako.
"Anong gusto mong kainin?"
"Kahit ano."
Napatawa siya sa sagot ko kaya't hinampas ko ng marahan ang braso niya. "Bakit!" tanong ko.
"Hindi tayo makakakain nito kung puro 'kahit ano' at 'kahit saan' ang sagot mo." aniya. "So," humarap siya sa'kin kahit na natatawa parin siya. "Saan tayo kakain?"
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad. "Sa plato!"
Tumawa siya at sinundan ako. "KFC nalang," aniya nang dinala kami ng aming mga paa doon.
Naalala ko noon kinukwento nina Mama at Papa na dito sila palagi kumakain. Bigla tuloy akong kinilig at napangiti kaya akala ng isang 'to ay kinikilig ako sakaniya! "Kapal talaga," kumento ko.
Nang makaorder si Jace ay umupo na siya sa harap ko. Ayan na naman yung kumakalabog kong puso. Nasa harap ko siya ngayon, si Jace.
Hinawakan ko ang dibdib ko at huminga ng malalim. Oh, what are you doing to me, Jace?
"Iba ang titig mo, Summer ha," pagbibiro niya. Nanliit ang mata ko bago umiwas ng tingin. "Kapal mo talaga, Jace."
Nagpatuloy kami sa pagkain at nauna siyang matapos. Panay kasi ang tingin ko sa paligid at sa tao habang kumakain samantalang siya naman ay dire-diretso.
Nang matapos siyang kumain ay hindi na niya napigilan ang pagtingin niya sa'kin. Siyempre ako naman itong baliw, concious na concious. Sino ba namang hindi magpapanic kapag may taong nakatingin sa'yo na parang ineexamine ang bawat kilos at galaw mo?
Nagliliparan na naman sila sa loob ng tiyan ko at mabilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung saan ibabaling ang tingin ko at hindi ko alam kung makakakain pa ba ako ng ayos. Hinawi ko ang bangs ko, "H'wag kang tumitig." saad ko.
Tumawa ng mahina si Jace, "Hindi ko mapigilan, Summer."
Inangat ko ang tingin ko sakaniya at ngumiti siya. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko at pinigilan ang sarili ko na ngumisi. Ano ba, Jace? Stop..
I put my hand on my chest, grabbing my heart. I have to protect it. Ayokong masaktan.
Inubos ko na ang pagkain ko at tahimik kaming lumabas ni Jace. Hindi ko nalang muna papansinin ang nararamdaman ko. Hindi ko nalang ito papansinin.
I will just.. act normal and go with the flow.
Nakakita ako ng chicken skin kaya kahit busog ako ay tinuro ko iyon kay Jace. "Wala ka bang kabubusugan?"
Humalakhak ako bago lumapit at bumili. Siya naman ang nagbayad, nahiya naman ako ngunit pumayag din ako. Nilagyan ko ito ng suka at inalok ko siya.
Para akong bata sa sobrang excitement ko. Paborito ko kasi ito. "You're so damn cute, Summer."
"Stop it, lalo akong nahuhulog sa'yo."
×××
Eeeeek ane be Jace hahaha
#TEOTHKilig!
BINABASA MO ANG
Total Eclipse of the Heart (KathNiel)
FanfictionBeing in love is the most wonderful and precious moment that you'll never forget in your whole life. Being in love is the best feeling in the world. Heart thudding moments, breath taking kisses, overwhelming hugs. When I met him, all things became m...