I can't lose you. Because if I ever did, I'd have lost my best friend, my soulmate, my laugh, my smile, my everything.
×××
"Hello baby?"
"Totoo nga sinabi ni Kevin."
Napahawak ako sa bibig ko. Kauuwi lang ni Jace kanina at hindi na kami nakapagreview para sa darating na exams.
"Tinanong mo kay Tita..?" mahinahong tanong ko.
Rinig ko pa ang kaunting pagdaing niya dahil nagkasuntukan pa sila ni Kevin kanina. Ginamot ko pa dito sa bahay bago siya umuwi. "Oo mahal. Hindi.. di ko matanggap.."
Nanginginig ang boses niya at naiimagine ko palang ang mukha niya, hindi ko na din matanggap. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong sabihin na magiging okay rin ang lahat at nandito lang ako.
"Anong plano mo mahal?" tanong ko habang inaayos ko ang kama ko. "Hahanapin ang totoo kong magulang."
Tumango ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita. "Hindi ko matanggap na nagsinungaling sila sa'kin sa mahigit labing pitong taon.."
"Mahal, hindi ko alam sasabihin ko pero nandito lang ako," nalulungkot ako dahil hindi ko kayang marinig ang paghikbi niya. Hindi kasi ako sanay na makita ang isang lalaking umiiyak.
Maliban sa tatay ko. "Kaya pala hindi nila ako kamukha."
"Pero baby ginawa nila ang lahat para maparamdam sa'yo na tunay ka nilang anak. Hindi naman sila nagkulang diba?"
"Pero ngayong alam ko na, gusto kong malaman kung sinong totoo kong magulang."
"Kung bakit nila ako pinamigay. Kung bakit nila ako iniwan. Bakit di nila ako inalagaan?"
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Jace sa kabilang linya at ganoon narin ang nailabas ko. "Everything will be fine soon, mahal."
Nalaman kong pinapahanap na pala nina Tita ang totoong magulang ni Jace. Sabi ko sakaniya magpahinga na siya dahil paniguradong isang mahabang araw ito para sakaniya, pero nagrefuse siya dahil gusto daw niyang marinig ang boses ko.
Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay napahikab siya kaya humalakhak ako ng kaunti, "Tulog na tayo?"
"I love you," aniya. Ngumiti ako at hinawakan ang pisngi ko dahil sa nagbabadyang ngiti. "Wag ng malungkot okay? Magiging okay din ang lahat," bumuntong hininga ako bago tinuloy ang pagsasalita. "Nandito lang ako."
"Thank you baby,"
"Good night."
"Kakantahan kita." bigla kong sambit.
Rinig ko lamang ang paghinga niya at hindi siya nagsasalita.
"Lift your head.. Baby don't be scared," umayos ako ng pwesto dahil nahihirapan akong huminga. Natawa pa ako ng bahagya bago sundan ang kanta ko. "Of the things that could go wrong along the way..."
"You'll get by, with a smile!"
"You can never be too happy in this life..."
"Baby you don't have to worry," bahagya akong napangiti ng narinig kong kumakanta siya ng paunti-unti. "Cause there ain't no need to hurry, no one ever said that there's an easy way.."
Pagkatapos ko ng kanta ay naggoodnight ako sakaniya ngunit hindi siya sumasagot.
Minsan, hindi lang lalaki ang pwedeng mangharana, minsan kailangan mo rin siyang pasayahin gaya ng pagpapasaya niya sa'yo nung nililigawan ka palang niya. Sa relationship, it's give and take.
BINABASA MO ANG
Total Eclipse of the Heart (KathNiel)
FanfictionBeing in love is the most wonderful and precious moment that you'll never forget in your whole life. Being in love is the best feeling in the world. Heart thudding moments, breath taking kisses, overwhelming hugs. When I met him, all things became m...