1

704 16 4
                                    

  You shouldn't be afraid of losing the one you love if you know you are treating them right.  

×××

SATURDAY, JUNE 2016

"...and that's how I met the love of my life. Noong una, akala ko 'wala lang' siya sa buhay ko, pero unti-unting nagbago... He became the most important person in my life. He's my king, my prince, my everything. Andrew is my everything. This is what we've been through and I hope you get so much realizations and inspiration.

'til next post,

Mrs. K"

"Ma! Cute niyo talaga ni Papa," ani ko kay Mama habang nagluluto siya at habang nagtitimpla naman ng kape si Papa sa tabi ko. "Binabasa na naman ni Summer 'yung blogposts mo," kumento ni Papa.

Tumango ako, "Yup! Sobrang ganda kaya ng love story niyo, 'Pa."

I really admire my parents' love story. It was not the perfect love story but in the end, it became one. Kasi, they fought for each other. Hindi sila bumitaw agad.

All the hindrances, problems at kung ano mang suliraning dumating sa buhay nila, nalampasan nila ng magkasama. Walang nagbago through the years sa pag-ibig nila for each other.

"Bilisan mo na diyan sa pagkain mo, tag-init," ani Papa kaya napanguso ako.

Kumain na ako at nagbihis. Pagbaba ko ay handa na sila Mama. Papunta kami ngayon sa reunion nilang magkakaklase noong highschool sila.

Sinama nila ako dito, kasi wala naman ako kasama sa bahay. "You need to socialize, Summer." panenermon sa'kin ni Mama kagabi when all I said to her was, "Ayoko Ma, mas gusto ko matulog."

Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko at sumandal na ako sa salamin ng sasakyan. Umuulan na naman, may pasok na kaya sa lunes?

Sana suspended.

First day of school tapos 'yun yung iniisip ko! Hay, Summer.

1 new message

From: Hermano

hello maganda kong pinsan. san na daw kayo sabi ni mama? -daniel padilla

Napakunot ang noo ko sa text ni Hero. Siya ang pinsan ko na anak ni Tita Jade at Tito Ced.

Best friend narin ang turing ko sa ugok na 'to eh, at kung minsan, kapatid. Minsan, jowa ko din 'to eh, konti nalang iisipin ko may gusto sakin.

Incest, yuck.

To: Hermano

On the way na hero! Daniel padilla ka jan! Lul, baby ko yon :(

"Ma, nagtatanong na si Hermano." Tawang tawa talaga ako sa totoong pangalan ni Hero. "Sabihin mo, malapit na tayo."

Tumango ako nang tignan ako ni Papa mula sa salamin.

From: Hermano

So baby mo ko?

Napaikot ang mata ko nang makita ko ang reply niya.

SUMMER: kadiri ka! pinsan ba talaga kita?

HERMANO: tangina tag-init! bilisan mo nga, daming chicks!!

SUMMER: interesado ba ako sa mga chicks mo?

Total Eclipse of the Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon