The happiness of your life depends upon the quality of your thoughts.
×××
"Are you sure about this?" mahinang tanong ko kay Jace nang makapasok siya sa bahay namin.
Sabi niya kasi sakin ay wag daw akong magcommute papunta sa kanila at susunduin nalang ako gamit ang motorsiklo niya. Dali dali naman siyang tumango, "I'm sure about this."
"Good afternoon, Tita." Rinig kong bati ng boyfriend ko kay Mama at tumango naman si Papa sakaniya. Inayos ko ang buhok ko at inipit ito sa likod ng tenga ko.
Nothing fancy about my dress, sabi kasi ni Jace ay kung anong gusto kong isuot ay yon nalang daw.
Kinuha ko ang bag ko at nagpaalam na kina Mama na aalis na. Inanyayahan niya akong mag-ingat kaming dalawa at tumango na lamang ako at hinalikan sila ni Papa sa pisngi.
"Papayag kaya sina Tita na sumama ka sa totoo mong magulang?" mahinang tanong ko habang sinusuot niya sakin ang helmet, inaayos niya ang buhok ko kaya bahagya akong napangiti.
"Hindi ko alam," nagkibit balikat siya. "Bahala na mamaya, baby."
Napag-usapan kasi namin kanina kung anong plano niya. Siguro kung magdedesisyon yung totoong magulang niya na kunin siya kina Tita ay papayag daw si Jace upang makilala niya ang tunay niyang mga magulang.
Sumakay na kami sa motor at humawak ako sa magkabilang balikat niya. Katulad noong dati ay marahan ang pagpapatakbo niya dahil alam niyang nasa likod ako.
Nang makarating kami sa bahay nila ay bigla akong kinabahan. May isang puting Sportivo na nakaparada sa harap ng bahay nila at isang tricycle na silver.
Hindi nagsasalita si Jace at bigla lang niyang kinuha ang kamay ko at naramdaman kong malamig ito. Syempre kinakabahan siyang makilala ang tunay niyang mga magulang. Hinigpitan ko ang kapit sa mga kamay niya, senyas na kahit ano pang mangyari ay sasamahan ko siya dito at hindi ako aalis sa tabi niya.
Pumasok na kami sa mala-mansion na bahay nina Jace. Ngumiti sakin ang kasambahay nila at doon ko na nasilayan sa sala ang mga magulang ni Jace na nagpalaki sakaniya. At sa kabilang upuan naman siguro yung totoong mga magulang ni Jace.
Siguro ay nakilala na ako ni Tita kaya naman pinaupo niya kami ni Jace sa kabilang silya. "Magandang umaga po," mahinang bati ko sakanila.
"Mommy, Dad, this is Summer." ani Jace at tumango ako sakanila gayundin sa mga totoong magulang niya. "My girlfriend."
Ngumiti silang lahat sakin. Alam kong wrong timing itong pagpapakilala ni Jace sa'kin dahil parang naging awkward ang mukha ni Tita.
Natahimik saglit ang lahat at nagsimula ng magsalita ang totoong magulang ni Jace. Napaatras ako nang kaunti sa kinauupuan ko dahil hindi naman ako dapat nandito?
"Jace," malambing na pagkakasambit nito ngunit hindi siya pinansin ni Jace.
"Jace, this is your.. mother," ani Tita at nakita ko ang pagtubig ng mga mata niya.
"She's Vicky and this is your father, Patrick." pagpapakilala muli ni Tita at lalo lang hinigpitan ni Jace ang hawak niya sa kamay ko.
"This," ani Tita at turo sa isang babaeng kasing edaran ko lang yata, "is your sister. Dannica."
Lumunok si Jace bago ngumiti ng pilit. "Nice to meet all of you," aniya. Nakita ko ang saya sa mga mata ni Tita Vicky. "Jace, anak," mariing lumapit ito kay Jace kaya naman tuluyan na akong umisod.
BINABASA MO ANG
Total Eclipse of the Heart (KathNiel)
FanfictionBeing in love is the most wonderful and precious moment that you'll never forget in your whole life. Being in love is the best feeling in the world. Heart thudding moments, breath taking kisses, overwhelming hugs. When I met him, all things became m...