Siguro ito na
Ang huling pahina
Na iaalay ko, sinta
Papakawalan na kita×××
| HERMANO |
Ito na siguro ang isa sa pinakanakakatakot na pangyayari sa buhay ko.
Biyernes ngayon, at kaninang madaling araw ay dali-dali naming sinugod si Summer sa ospital. Mas dumami ang mga pasa niya sa buong katawan at nagsuka na naman siya ng dugo.
Takot na takot ako kanina nang makita ko siya na sumusuka ng dugo, hindi pa din magsync in sa utak namin nila Tita na may ganitong klaseng sakit ang pinsan ko.
Nang medyo bumuti ang lagay niya ay nagpumilit si Summer na umuwi sa bahay kaya naman eto siya ngayon, nagbabasa ng If I Stay habang marahang pinupunasan ang mga luhang tumatakas sa mata niya.
Nandito ako sa kwarto niya, nagpapatama ng oras dahil kaunting panahon nalang ay Prom na.
"Tumahan ka na nga," ani ko habang nakaupo sa tabi ng kama niya at naggigitara. "Panget mo pag umiiyak." dagdag ko sabay ngiti.
"Gago ka." mahinang sambit niya.
"Para sumaya ka, sama ka nalang sakin sa Prom mamaya."
"Gusto ko man, Hero... ayaw ni Papa at lalong lalo na si Mama. Saka, wala akong partner at wala akong susuotin.." aniya.
Magsasalita palang ako ng dinugsungan niya ang sinabi niya, "And besides, wala akong buhok." Bahagya akong napatawa kaya naman binato niya ako noong libro ni Gayle Forman.
"Edi lalagyan natin ng wig." suhestiyon ko. "Ayoko. Ayoko talaga, makikita ko lang si ano..."
"Ayaw mo na siyang makita?" tanong ko.
"Ayoko na. Ayoko na siyang habulin. Tapos ano, Hero? Makikita niya yung kalagayan ko tapos awa ang magiging dahilan kung bakit niya ako babalikan?" aniya at umupo sa kama. "No." matigas niyang sabi.
Hindi ako nagsalita dahil iniintay kong magsalita pa siya. "Gusto ko ng kalimutan na nakilala ko siya."
"Naging masaya nga kami, pero sa bandang huli siguro nga, tama yung mga nababasa ko na may mga taong darating lang sa buhay mo para saglit na pasayahin ka."
Seryoso siya kaya naman umayos ako ng upo para pakinggan ang pinsan ko.
"Gusto ko ng eksplenasyon. Gusto ko maintindihan kung bakit niya ginawa yon, pero yung puso ko, ayaw na marinig ang mga iyon. Ayoko ng maramdaman na mahal ko parin siya. Ayoko na siyang makita."
"Pagod na yung puso ko sa pag-asa na mayroon pang konti na natira sa puso niya para sakin. Pagod na ako."
"Kung may mahal na siyang iba, edi go! Maybe.. maybe I wasn't enough for him."
Wala akong reply kay Summer na binigay. Tanging yakap at paghaplos sa likod niya lamang ang binigay ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil mukhang desidido na ang pinsan ko sa paglimot niya sa taong nagkaroon ng malaking parte sa buhay niya.
Hindi man sabihin ni Summer, alam ko, na walang tatalo sa pagmamahal na natanggap at naibigay niya kay Jace. Nakita ko na sa kahit katiting na buwan at mga araw na nagkasama sila, naging masaya siya na hindi matutumbasan ng kahit sino pang dumating ulit sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
Total Eclipse of the Heart (KathNiel)
FanfictionBeing in love is the most wonderful and precious moment that you'll never forget in your whole life. Being in love is the best feeling in the world. Heart thudding moments, breath taking kisses, overwhelming hugs. When I met him, all things became m...