21

146 7 0
                                    

Loving you is the most exquisite form of self destruction.

×××

Pagkatapos ko maligo ay naisipan ko munang mag-online dahil maaga pa naman at wala pa si Hero para sabayan ako pagpasok. May requirement na kailangang ipasa si Jace ng maaga kaya hindi niya ako masusundo o masasabayan pagpasok.

He even mentioned last night na kahit nagseselos siya sa sweet kong pinsan na si Hermano ay tiwala naman siya dito na hindi ako papabayaan kaya sakaniya niya ako pinaubaya.

Habang nagsscroll ako sa Instagram ay napansin kong gumawa ng account si Jace at may isa na siyang picture na inupload.

Picture 'yun naming dalawa na kinuhanan noong isang gabi. Inaalalayan niya akong mabuti at kitang kita sa picture na 'yun ang pagkagentleman niya.

 Inaalalayan niya akong mabuti at kitang kita sa picture na 'yun ang pagkagentleman niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Huminga ako ng malalim dahil hindi ko mapigilang hindi kiligin sa ginawa niya. Pati sa caption niya, parang sinasabi niya kasing naging magical lahat simula nung nakilala niya ako.

Si Stella ang kumuha niyan dahil siya lang naman ang mahilig magpicture sa'ming dalawa. Tinext ko si Jace bago ako bumaba dahil narinig ko na si Hero na nasa salas at nakikipagkulitan kina Mama at Papa.

To: Jace

Good morning baby! Saan ka?

"Tara na?" yaya ko kay Hero at nagpaalam na kaming dalawa kina Mama at Papa. Sumakay na kami sa bisikleta just like the old times. Namiss ko rin to si Hero eh, puro panliligaw kasi ang inaatupag. "Kamusta naman kayo ni Marie?" pag-oopen ko ng topic.

"Hmm," aniya habang sinusuot ang helmet niya. "No progress," saad niya bago bumuntong hininga. "Bakit?"

"Hindi ko alam, Summer... parang ang ilap niya sa personal. Tapos ang dami naman niyang pinapahiwatig sa'kin sa texts, tawag at chat." pagkkwento niya.

Kumaway ako sa mga taong nadadaanan namin bago ko siya nilingon at kinausap. "Tigilan mo na 'yan, wala ka mapapala jan. Paasa. May paasa rin palang babae 'no?"

Nagkibit balikat siya, "Eh kaso gusto ko talaga siya eh. Baka sabihin naman basta ko iniwan," kumento niya. Sabagay, oo nga naman. "E di sabihin mo sakaniya. In a nice way," sagot ko. Natanaw ko na ang gate ng school at sabay kaming lumiko ni Hero.

"O kaya, itanong mo nalang kung ano ba ang meron sainyo para hindi ka jan umaasa." dagdag ko. Hinubad niya ang helmet at nilagay sa harap na basket ng bisikleta niya at ganoon rin ang ginawa ko. "Sige insan," aniya bago ako lapitan at akbayan.

"The best ka talaga." Ngumisi ako at tinaas baba ang kilay ko.

Nagpasama muna ako sa locker room para kunin ang ilang notebook ko para sa subjects today. Nandoon rin kasi yung essay na ginawa ko kahapon na due date na ngayon.

Total Eclipse of the Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon