17

169 7 3
                                    

Happiness is a choice, not a result. Nothing will make you happy until you choose to be happy.

×××

Exams na this week. Punong puno na naman ang bag ko dahil mag-uuwi ako ng mga libro para makapagreview ng ayos. Habang iniisa isa ko ang libro ko sa locker ko ay may palad na tumakip sa mga mata ko.

Napangiti ako agad kahit na hindi ko alam at hindi ako sigurado kung sino ang mokong na 'to.

Hinawakan ko ang kamay niya at nang maamoy ko ang pabango niya ay binaggit ko na ang pangalan niya. "Jace."

Tinanggal niya ang mga kamay niya sa mata ko at tumambad sakin ang mala-anghel na mukha ng boyfriend ko. Saglit, totoo?

Boyfriend ko na nga siya.

Sinagot ko na siya?

Really?

Sobrang surreal ng nangyari kagabi kaya hanggang ngayon hindi parin nagssync in sa utak ko.

Ngumiti siya sakin at pinisil ang pisngi ko. "I love you," aniya.

Pinigilan kong ngumiti at tumingin ako sa mata niya, "I love you too. Ang aga naman niyan nagpapakilig ka?" sambit ko.

"Gusto ko kasi makumpirma kung girlfriend na nga ba kita." Sumandal siya sa mga locker at ako naman ay hinugot ang Physics book ko.

"Hindi kasi ako makapaniwala. Tayo na talaga?" kunot noo niyang tanong. Gamit ang hintuturo ko ay tinulak ko ang noo niya. "Silly. Ayaw mo ba?"

Pati pala siya hindi makapaniwala.

Love really comes unexpectedly and moves in mysterious ways.

"Gusto! Syempre. Hindi... hindi ko lang talaga maexplain 'yung saya na naramdaman ko noong sinabi mong mahal mo na rin ako."

Hindi ako sumagot at nagsimula na kaming maglakad. Unti-unti niyang kinuha ang kamay ko at napatingin ako doon. Pinagsalikop niya 'yon at bumilis ang tibok ng puso ko.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at pinisil niya pa 'yon lalo. Parang sinasabi niya na hinding hindi niya bibitawan 'yon. Please, Jace. Huwag. Huwag mong bitawan kasi babagsak.. Madudurog.. Mawawasak.

Nang makarating kami sa classroom nila ay unti-unti akong bumitaw dahil alam kong papasok na siya pero mas lalo lang niyang kinapitan ito. "Hatid na kita."

"Ano? May teacher na kayo oh. Pasok ka na," ani ko sakaniya. Umiling siya at ngumuso. How cute!

Gusto ko tuloy pisilin 'yung pisngi niya kaso ang daming nakatingin.

"Ihahatid ko lang 'yung girlfriend ko." Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para mapigilan ang pag ngiti ko at umiling ako sakaniya. Tinulak tulak ko pa siya para pumasok siya pero di parin siya natitinag.

"Sige na baby," ani ko sakaniya. Bigla siyang napangiti at nanlaki ang mga mata nang marinig niya 'yon. "Okay," Lumapit siya sa tenga ko at ramdam ko ang mainit niyang paghinga.

"-baby."

Ngumisi ako at umakyat na sa classroom namin. Rinig ko pang nang-asar ang mga kaklase niya at napailing nalang ako.

Hindi pa ako nakakarating sa upuan ko ay nagvibrate na agad ang phone ko.

JACE: Girlfriend! Miss you!

Napailing ako bago siya replyan.

SUMMER: Landi mo

JACE: Aray.

Total Eclipse of the Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon