33

170 4 0
                                    

It's never too late to make things right.

×××

Nandito kami sa ospital, nag-iintay ng turn ko para sa chemotherapy. Katabi ko sa kabila si Mama at si Hero naman sa kabila. Sabado ngayon at si Papa lang ang hindi namin kasama dahil nasa work.

Nakahilig ako sa braso ni Hero habang nakikinig kami sa cover ng Twenty One Pilots ng Can't Help Falling in Love.

Napapangiti ako habang pinapakinggan ang kanta.

"Anak," napabangon ako sa pagkakahilig kay Hero nang tinawag ako ni Mama. Pinakita niya mula sa cellphone niya ang blogpost kong matagal na.

Isang tula na tungkol sa pagsagot ko noon kay Jace. Napataas ang kilay ko at tumawa bago magsalita kay Mama. "Paano mo naman nahanap 'yan, Ma?" mahinang tanong ko.

"Nagbabasa ako," aniya. Hindi ako nagsalita at binigyan si Mama ng bakit-look. "Curious lang, nak. Bakit ba kayo nagbreak?"

Ngumiti ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Naalala ko si Jace. Ang tagal ko na siyang hindi nakikita at sobrang namimiss ko na siya.

Yung amoy niya.

Yung ngiti niya.

Yung buhok niya.

Noong sinendan niya ako ng message ay akala ko magiging okay ang lahat. Pero hindi na pala. Wala, pagkatapos noon ay wala ng kasunod na message.

"Mama naman.."

Ni konti kasi ay walang alam si Mama sa dahilan kung bakit kami nagbreak. "Tita gusto mo ako nalang magkwento?" biglang singit ni Hero kaya naman nanliit ang mga mata ko.

"Hero!!" angal ko sakaniya at pang-asar na ngiti ang balik niya sakin.

Bumuntong hininga ako bago tuluyang magsalita. Wala namang mawawala sakin kung sasabihin ko kay Mama. She ought to know kasi I'm her daughter.

"Hindi na daw niya ako mahal eh?" sabi ko kay Mama. Bahagya akong tumawa ngunit bakas sa boses at mata ko ang lungkot at pangamba.

Unti-unting namuo ang kung ano man sa lalamunan ko. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko.

Iiyak na naman ako? Hindi pwede.

"Basta ayaw na daw niya eh, ano pa bang magagawa ko, Mama?" mahinahon kong pinahidan ang luha ko. "Tinanong ko siya, sabi ko baka pwede pa." Tumawa ako habang lumuluha.

"Kaso wala eh, ayaw na niya."

Naramdaman ko nalang ang kamay ni Hero sa likod ko. Habang pilit niyang pinapahilig akong muli sa balikat niya. Nakatingin lamang sa'kin si Mama at ngumiti. "Hayaan mo anak, siguro ay hindi talaga siya para sa'yo."

Tumango ako at siguro, kahit tumango ako ay hindi ko parin talaga matanggap.

Kahit na ilang buwan lamang ang pinagsamahan namin? Parang ilang taon na ang katumbas para sakin. Sobrang pagmamahal ko kay Jace.

Sobra sobra.

Sobra, na pati sarili ko kahit mapabayaan ko basta maiparamdam ko lang na mahal ko siya.

Hindi ko matanggap. Kailan ko ba matatanggap na hindi siya para sa'kin?

Hindi nga ba siya para sakin?

Tumingin ako sa doktor na inaaya na ako sa loob para sa chemotherapy. May ngiti sa kaniyang mga labi habang pinupunasan ko naman ang mga luha ko.

×××

Total Eclipse of the Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon