16

169 6 0
                                    

Go for someone who is not only proud to have you, but will also take every risk to be with you.

×××

"Happy ka?"

Pagkatapos naming kumain ni Jace ay pumunta kami sa lugar na 'to, hindi ko alam kung saan at paano nalaman ni Jace ito at kung ano ang tawag dito pero mukha siyang hidden place. Mukha siyang plaza or park, may upuan, may mga ilaw... Malamig ang simoy ng hangin at maunti ang tao.

Nakaupo kami ngayon katapat ang sasakyan niya at nakatingin lang kami sa langit, sa mga stars na kumikislap. Ngumiti ako bago tumingin sakaniya. "Yeah. You?"

"Kapag kasama kita, I am more than happy, Summer."

Kumalabog ang puso ko nang matapos niyang bitawan ang mga salitang 'yon. Ngumiti ako ng patago dahil ayaw kong makita niyang kinikilig ako. Uminit ang pisngi ko nang magtama ang mga mata namin kaya agad akong umiwas.

"Halika," tumayo si Jace bago ilahad ang kamay niya. Nagtaas ako ng kilay bago siya tanungin, "Bakit?"

"Let's dance." Humalakhak ako saglit bago hawakan ang nakalahad niyang kamay. Pinagsalikop niya iyon at lalong bumilis ang tibok ng puso ko. "There's no music here," kumento ko.

"Kakanta ako," ngumiti siya and my whole heart fell.

Hindi ko mapigilan ang damdamin ko kapag kasama ko siya. Parang ayoko na malayo sakaniya. Gusto ko nandito lang siya sa tabi ko dahil kapag nandiyan siya? My whole life lits up. My whole world brights. Iba ang dala ng presence ni Jace sa'kin. I am really in love with him.

"Mary.. had a little lamb.." Tumawa ako habang nagssway kami dahil sa kinanta niya. Ngumuso ako, "Ayusin mo!"

{Play multimedia tee hee}

Nakalagay ang mga braso ko sa leeg niya at ang mga kamay naman niya sa bewang ko. Pakiramdam ko may dalang kuryente ang bawat haplos niya sa'kin, hindi ko alam... Nawawala ako sa sarili ko sa tuwing dumadampi ang balat niya sa'kin.

"Baby.. now that I found you, I won't let you go.." Unti unti kong nararamdamang umakyat ang kamay niya sa bandang likod ko para palapitin ako sakaniya. Niyakap ako ni Jace habang sumasayaw kami.

"I build my world around you," lalong humigpit ito at napapikit nalang ako sa dalang init niya. "I need you so.." Bulong niya sa'kin.

Awtomatikong kumurba ang labi ko sa isang ngiti. Kahit hindi ko sabihin kay Jace ay ramdam niya namang mahal na mahal ko na siya. Ramdam niya 'yung pagmamahal ko.

"Baby even though, you don't need me.. now.."

Jace, kailangan kita. Not only now, kasi pang habambuhay.

"Baby baby, when first we met, I knew in this heart of mine.." tuloy lang sa pagkanta si Jace at nilayo niya ako para kumalas sa yakap. Agad niyang hinanap ang mga mata ko at ngumiti.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Total Eclipse of the Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon