25

154 4 2
                                    

That horrible moment when you feel someone losing interest in you.

×××

Halos isang buwan nalang ay Valentine's na. Pagkababa ko sa school ay may mga dekorasyon ng puso at mga kupido na nakasabit at nagsisilbing palamuti sa hallway at mga classroom.

Usong uso na naman sa first year ang mga love letters at mga construction paper na ibibigay sa crush mo na may nakalagay na "i love you". Naalala ko noon, may naglagay ng hearts sa locker ko at may ilan na chocolates at mga simpleng bulaklak.

Hindi ko naman sineryoso noon dahil bata pa kami. Katuwaan lang, ganon.

Pagdating ko sa classroom ay nandoon na si Hero, nagbabasa ng notes niya dahil alam ko ay may quiz kami sa Filipino mamaya pati sa Math.

"Huy," ani ko sakaniya pagkaupo ko sa tabi niya. "Feeling genius." dagdag ko.

Umirap siya, "Wag kang kokopya sa'kin mamaya!"

"Hoy, excuse me," tinaas ko ang kanang kilay ko habang nakatingin sakaniya. "Baka ikaw pa ang mangopya sa'kin?"

Matagal niya ako tinititigan at doon ay nangunot ang noo ko. "Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko.

"Hindi.. Napapansin ko lang," aniya. "Parang namumutla ka?"

"Ayos ka lang ba?"

Tumango ako at hinawakan ang mukha ko. "Saka ano, parang namamayat ka... Kumakain ka ba?"

Aaminin ko lately ay hindi ako makakain ng ayos. Hindi ko alam pero kapag kakain ako ay pakiramdam ko ay nasusuka ako, parang nirereject ng katawan ko ang bawat pagkaing itatapat ko sa bibig ko.

Nagkibit balikat nalang ako. "Baka stressed lang talaga ako, Hero."

Binigyan naman niya ako ng weh look at tinanguan ko lang siya. "Wag ka na masyadong mag-alala, okay lang ako."

Maya maya lamang ay dumating na si Mr. Capistrano. May dala siyang papel at tinape niya ito sa tabi ng blackboard. "Okay guys, here's an announcement."

"Since siguro napansin niyo na naman," aniya sabay turo sa mga pusong nakasabit sa ceiling ng silid-aralan. "Malapit na ang Valentine's day. And with that, Promenade 2017 will be held next month, February 11, 2017."

Iba't ibang reaksyon ang narinig ko at bumulong naman si Rhea sa isang tabi, "Gastos na naman!"

"So, here are the details," aniya gesturing to the paper na dinikit niya kanina. Pagkatapos ay lumabas na si Sir.

Siya ang OIC since wala yung Principal namin, on vacay. Wow.

"Edi maya maya lang magsisimula na mga promposal diyan sa open gym o kaya sa hallway." kumento ni Hero. "Bitter ka? Edi magganon ka rin kay Stella!"

Parang lumiwanag ang buong mukha niya tapos nagkalight bulb sa kaliwang ulo niya. "Oo! Tama! Gagawin ko nga 'yun!"

"Pero insan, di ba parang corny?"

"Hindi yan magiging corny kung maappreciate ni Stella. Saka, mag-isip ka in a unique way!" advice ko with matching pagtango pa sakaniya.

"Sige!" excited niyang sambit.

Matagal dumating ang sunod na teacher kaya naman kinuha ko ang phone ko. Plano ko sanang magsulat ng bagong blogpost ngunit nakita kong may texts si Jace.

JACE: Sigurado na akong ikaw ang Prom Queen.

SUMMER: Anong pinagsasasabi mo diyan?

JACE: Sa ganda mong 'yan.

SUMMER: Nakadrugs ka ba?

JACE: Babe, ano bang akala mo saken walang sweet bones?
JACE: Pinapakilig na nga ang isasagot pa saken, nakadrugs daw ako?

SUMMER: HAHAHAHAHA ah ganon ba yun. I love you!

JACE: Ihy

SUMMER: HUWAW!!! SIGE BREAK NA TAYO!

JACE: I heart you kasi yan :)

SUMMER: *dies bec of kilig*

JACE: AHAHAHAHAHAHAHA

×××

Nang makauwi ako sa bahay ay agad kong binuksan ang blog ko. Ang dami palang messages at tanong na humihingi ng tulong at plano ko silang sagutin ngayon.

Since tapos ko na ang mga kailangan kong tapusin para sa school ay ito na ang pinagtuunan ko ng pansin.

mel09_ why is it hard to move on?

— Hi Mel! Moving on is a long process. Hindi pinipilit, iniisa isa, mabagal kasi unti-unti dapat. Mahirap talaga dahil nasanay ka na na may taong nandiyan para sa'yo tapos isang kurap lang parang nagbago ang lahat. Paggising mo wala na siya, hindi ka na niya mahal, hindi na kayo. But you have to move forward and accept the fact that things change. Ayun lang ang permanenteng bagay sa mundo. Ang change. Now, ang gawin mo ay magpakasaya sa single life at humanap ng bagong boylet. God bless, take care xxxx

piaaaaa Masakit pala maging rebound. Yung umasa sa akala mo meron, yun pala babalik lang sa dati niya

— Hi Pia! Don't be sad. Life's not easy so you yourself have to be tough. Masakit nga yan pero kailangan mong tanggapin. Maybe he's not the right person for you kasi hindi niya nakita ang worth mo. It's his loss, not yours. Tanga kasi yang boy na yan. Sabi nga nila, "Going back to your ex is like reading the book you have read. You already know how it ends." Smile na Pia! :) Kokoranahan kang Miss Universe.

Natatawa ako kasi masaya pala makipag-interact sa viewers ng blog mo.

Ryan_88 malapit na ang valentines day. Can I ask you out?

Natawa ako at bago ko maclick ang reply ay may nagcomment na pala under nito.

— JaceF Sorry she's mine. Back off dude.

Napailing nalang ako. Tambay pala si Jace sa blog ko?

itskellyyy is it true na posibleng ma fall out of love ang isang tao?

— Hi Kelly. I am a strong believer na kaya lang natin nasasabing hindi na natin mahal ang isang tao dahil "some other feeling" ay pumatong dito. Minsan, natakpan ng galit, poot, hate, o kaya naman minsan napatungan ng new feeling for a new person. I don't think it's "fall out of love", it's "I give up". Sumuko dahil nakakasawa na mag-away. Sumuko dahil hindi na natthrill sa relationship niyo. Sumuko dahil nakakasawa ang ideya na ikaw ang mahal niya. Sumuko kasi napagod intindihin ka. Sumuko kasi gusto niya ng bago. Sumuko kasi nakahanap ng bago. There are so many reasons. But one thing is for sure, you will get over it. Kelly, kung sinabi man niya sayong hindi ka na niya mahal pwes, sige! Maybe you guys made the right decision to let each other go. Just breathe, move forward and accept that everything happens for a reason. Maybe you're one heartbreak closer to your happily ever after.

JACE: Ako hindi kita susukuan.

×××

Total Eclipse of the Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon