How he treats you is how he feels about you. Don't try to decode it or make excuses it's simple. If he acts like he don't care, he don't care.
×××
SUMMER: Babe
SUMMER: Hay.. Sorry ha? Tinatawag pa kita niyan.
SUMMER: Alam ko pinagtabuyan mo na ako. Baka nga di ka na magreply eh, pero sana basahin mo man lang.SUMMER: Mahal na mahal kita, I will always love you. Hindi ko makakalimutan yung unang araw na nakita kita habang hawak mo ang gitara ni Kevin at kumakanta ng buong puso. Doon palang, may naramdaman na akong ibang feeling.
SUMMER: I hope you're happy now. I bet you are. Maging happy ka with her, kung sino man yang sinasabi mong bagong mahal mo. Thank you for everything, baby...
SUMMER: Umaasa parin akong magreply ka.
SUMMER: Paano kung last day ko na pala ngayon, hindi ka talaga magrereply?
SUMMER: Joke lang.
"Summer, ikaw na daw," tinapik ni Hero ang likod ko at sinamahan naman ako ni Mama papasok ng kwarto kung saan ako titignan ng doktor.
Hindi ako nakapasok ngayon, pagkauwi ko pagkatapos ng pag-uusap namin ni Jace ay tatlong beses akong sumuka ng dugo sa bahay, nagpanic na si Mama kaya naman dinala ako agad sa ospital kaninang madaling araw at ngayon namin malalaman ang resulta sa mga tests na ginawa sakin kahapon.
Bakas sa mukha ni Mama ang pagkabalisa, kahit ako naman. Pero hindi ko nalang ipapahalata, bahala na.
Dahan dahan kaming umupo sa harap ng doktor na hawak hawak ang mga papel kung saan nandoon na ang resulta.
Bumuntong hininga ang doktor at nagsalita. "Acute Lymphatic Leukemia."
Hindi ako nagsalita at ganoon rin si Mama sa tabi ko. Nanatiling nakaupo ako ngunit nakatitig lamang sa kamay ng doktor. "Matagal niyo na po bang alam 'to o ngayon lang?"
Tumingin ako kay Mama bago ako umiling. "Ngayon lang po, dok." sagot ko. Blanko ang ekspresyon ni Mama na nakatingin sa sahig.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ngayong alam ko na ang sakit ko. Marami pa akong pangarap. Marami pa akong gustong matupad.
Magkakaayos pa kami ni Jace, kahit sa palagay ko ay kasing labo na ng patis ang pangyayaring iyon.
Ngumiti lamang ang doktor ngunit bakas ang lungkot sa kaniyang mata at inabot saamin ang papel ng resulta. Nakasulat doon gamit ang pula ang salitang LEUKEMIA - Stage 4.
"Stage 4?" tanong ni Mama.
"Yes, Stage 4. Kung medyo naagapan ho siguro ay hindi aabot sa stage 4 at pupuwede pang solusyunan." mahinahong sagot ng doktor.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko. "There are several ways para maprevent pa na magspread sa buong katawan mo kung ito ay nasa earlier stages, pero dahil nasa stage 4 ka na, all we can do is chemotherapy and..." tumigil saglit ang doktor at inayos ang salamin niya bago magsalita.
Bumuntong hininga ako dahil alam ko na ang gusto niya iparating.
There's no cure for this disease.
"...chemotherapy and hope for the best."
×××
Malungkot kaming umuwi. Ni isa ay walang nagsasalita sa aming tatlo. Hanggang sa makapasok kami ng bahay ay nananatiling mga yapak lamang namin ang tanging maririnig.
Ngumiti ako nang masilayan ko si Papa. Lumapit ako sakaniya at sumugod na parang isang batang uhaw sa yakap. "Pa," nangangatog ang aking buong katawan kasabay ng pagkanginig sa boses ko.
Doon ay nagsimula na akong umiyak. Naisip ko kung bakit sa dinamidami ng tao sa mundo ay ako pa ang nadapuan ng sakit na ito. Hikbi ako ng hikbi at nang makalayas ako sa bisig ni Papa ay pilit akong ngumiti.
Hindi na ako nag-atubili pa, at umakyat na ako sa kwarto. Nakita ko namang inabot ni Mama kay Papa ang resulta ng mga tinests ko kahapon at mukhang naintindihan na niya kung bakit tanging iyak lamang ang bati ko sakaniya.
Kinaumagahan ay nagising akong katabi ang laptop ko. I was supposed to write a short blog post kahapon kaso sa sobrang pagod sa pag-iyak ay nakatulog ako.
Hindi parin ako makapaniwala. Tinitignan ko sa salamin ang sarili ko, hindi halata sa pisikal na hitsura ko ang sakit ko. Siguro, kapag nagsimula na ang therapy ay saka makikita ang pamamayat at paglalagas ng buhok ko.
I set aside the thought of my disease. Ayoko munang masyadong isipin. I want to be happy, kahit for the lasts moments in my life. Hindi ko kasi alam kung kailan ako kukunin ni Lord at kung hanggang kailan ko ba makakasama sina Mama, Papa, Hero.. Stella.. Hindi ko alam.
No one will ever know, kaya I will live each day na para bang last day ko na to sa buong buhay ko.
Hindi muna ako papasok, sabi ko kay Mama at nagpadala nalang ako ng excuse letter kay Hero. Bago siya umalis kahapon ay pumunta pa siya sa kwarto ko para yakapin ako ng napakahigpit. I'm so lucky having Hero by my side, through my brightest and darkest hours.
I'm thankful for that.
Inabot ko ang cellphone ko na nasa may night stand ko. Ni isang text mula kay Jace ay wala parin akong natatanggap. Well, siguro hindi na talaga niya ako gustong makausap pa. It's over. We're done. Bakit pa ba ako pilit ng pilit sa isang bagay na hindi na naman pwede?
Sunod ko namang binuksan ay ang facebook ko. 8 hours ago online ang mokong, ni hindi niya naseen ang chat ko sakaniya nitong mga nakaraang araw at nananatili itong unread. Parang pinipisil ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko. Parang kailan lang kasi, he used to be my world. He used to make fast replies, yung tipong kakasend mo palang, ni wala pang dalawang segundo ay may reply na agad siya.
I miss him. I miss Jace, but does he miss me too? Maybe not. Probably not.
May iba na siyang mahal, yet I'm here chasing him. Para siyang buwan, at ako ang bituin. Pilit akong humahabol para ako'y kaniyang mapansin pero mayroon ng ibang liwanag na nagpapasaya sakaniya.
Ang araw.
At hindi ako iyon.
Hindi na ako iyon.
Mananatiling isang bituin nalang ako, na nakasunod sa buwan. Ngingiti at makikitang masaya kapiling ang araw.
×××
I'm really sorry for the long wait :( Busy po sa school at ngayon lang nagkatime na matapos ang kabanatang ito! Hope u like it hehehe
lovelots ❤
BINABASA MO ANG
Total Eclipse of the Heart (KathNiel)
FanfictionBeing in love is the most wonderful and precious moment that you'll never forget in your whole life. Being in love is the best feeling in the world. Heart thudding moments, breath taking kisses, overwhelming hugs. When I met him, all things became m...