15

171 8 0
                                    

When her eyes sparkle as she speaks of him. But the glimmer in her eyes dim as he speaks someone else.

×××

Pumasok ako sa gate ng school na halos tumatakbo na dahil nalate ako ng gising. Madami-dami rin akong kasabay at nang maaninag ko ang classroom namin at ang teacher na nakatayo na ay lalo ko pang dinalian ang takbo ko.

Hindi na ako nakadaan sa locker room sa sobrang pagmamadali kaya naman pagdating ko sa loob ay hinihingal ako.

Bakit ba ako nalate? Hmm... Kasi naman, inistalk ko pa 'yung babaeng kasama ni Jace kahapon. Hindi naman siya maganda. Maputi lang at malaki ang ano saka ano. Kala niya kinaganda niya 'yung pagpapakita ng ano?

Kinalma ko ang sarili ko. Hindi dapat ako magselos. Wala akong karapatang magselos. Kasi ano ba naman ako? Hindi naman kami.

Matapos ang dalawang boring na subjects ay tumayo na ako para lumabas. Sinabayan ako ni Hero kaya naman nakacling ako sa braso niya habang nakahilig sa balikat niya. "Summer, mabigat."

"Hmmm, inaantok pa ako."

"Si Jace!"

"Asan?" Nanlaki ang mata ko at bago ko siya irapan ay tinadyakan ko ang kanang paa niya. "Ow!"

"Gago."

"Uuuy, hinahanap si Jace." Sinamaan ko siya ng tingin at aamba sana akong sikmuraan siya kaya naman umiwas siya. Takot ang lokong 'to sa'kin.

Maya-maya lang ay may kumakalabit sa likod ko, "Summer.."

Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Jace. What have you done to me? Bakit ganito? Parang kahit anong sabihin niya ngayon susundin ko, para akong nahypnotize. "A-ah?"

Napansin niya sigurong masama ang hitsura ko, "Okay ka lang?"

Tumango ako bago tignan si Hero, "Sige, mauna na ko." aniya.

Ngumiti ako at napanguso ng sinamaan niya ako ng tingin. Problema mo, Hermano?

Nang makarating kami ni Jace sa cafeteria ay tahimik kaming dalawang kumakain. Kapit kapit ko ang burger ko at nakatingin sa kawalan. "Kanina ka pa balisa," kumento niya.

Paanong hindi ako mababalisa, eh nandiyan ka? Paanong hindi ako mamawis ang kamay, ganoong ganyan ang tingin mo sakin? Paanong hindi ako kakabahan, 'yung taong gusto ko, kausap ko?

Hindi ko lang masabi, kasi ayoko pa. Hindi ko masabi sa'yo Jace na nagugustuhan na kita kasi natatakot ako para sa nararamdaman ko. Natatakot ako na baka mamaya kagaya ka lang ni Erik. Natatakot ako para sa puso ko.

"Wala 'to, medyo puyat lang."

Umangat ang tingin niya sa'kin at ayan na naman 'yung puso ko. Ang bilis. Grabe ka, Jace.

"Bakit ka puyat?"

"May iniistalk kasi ako, hehe."

Tumaas ang kanang kilay niya bago inihilig ang ulo niya sa kabila. Juskolord. He's so damn attractive, I'm gonna die.

"Sino?"

"Wala, wala, celeb lang." Tumango siya in defeat, tapos nag-open na naman siya ng panibagong topic. "'Yung kahapon, kay Liddy... Wala 'yun ha?"

Ngumiti ako ng pilit. Naalala ko na naman 'yung Liddy na 'yon! "Ha? Okay lang ano ka ba, hindi mo naman ako girlfriend para magselos ako," ani ko sakaniya sabay tawa ng mahina.

"Baka kasi isipin mo hindi ako seryoso sa'yo... Kaibigan ko lang 'yun. Ikaw lang mahal ko, at... seryoso ako sa'yo."

Ngumiti ako at tumango.

Total Eclipse of the Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon