26

129 4 2
                                    

God's time is the best time.

×××

"Hello"

Nanliit ng bahagya ang mga mata ko nang makita ang message mula kay Jace. Katatapos ko lang maglaba ng mga damit ko dahil sabado ngayon.

Hello? Wala man lang, 'babe', o kung ano mang paglalambing? Hmp, mamaya kita rereplyan!

Naglakad ako papunta sa kusina ng mapatama ang braso ko sa dingding. Pagtingin ko ay may pasa akong nakita ngunit nagkibit balikat nalang ako at hindi iyon pinansin.

Kumuha ako ng tubig at uminom nang tumunog ang door bell.

Siguro si Mama na 'yun, galing sa trabaho. O kaya si Papa.

Solo lang ako sa bahay kaya naman nakalock at sarado lahat ng pinto at bintana. "Tinext ako ni Tita." bati sakin ni Hero habang dire-diretso siyang pumasok.

Sumalampak agad ang loko sa sofa at inon ang tv. "Anong text sa'yo ni Mama?"

"Malalate daw sila ng uwi. Kaya pinasamahan ka sakin. Hindi ka tinext?"

Kinuha ko ang phone ko at nakitang katetext lang ni Mama sa'kin. "Ngayon ko lang nareceive." sambit ko.

"Hmm, may pagkain kayo?" usisa niya at pumunta sa kusina. "Patay gutom ka talaga. Akala ko ba kumain na kayo ni Stella kanina?" tanong ko sakaniya since nakita kong nagpost si Stella ng picture nila kanina.

date kasama ang unggoy na ito ang caption niya.

"Oo nga, eh alam mo naman ako insan diba. Kamusta na nga pala kayo ni Jace? Hindi ba kayo magddate this weekend?" aniya habang nakatingin sa loob ng ref.
"Hindi siguro.." mahinang sagot ko.

Hindi ko talaga alam. Halos hindi na kami nagkakausap at minsan ay sulyap nalang ang nagagawa namin sa isa't isa kapag nasa school. "Bakit?" tanong niya.

"Hindi ko alam Hero, parang ano... hindi ko siya maramdaman.."

"Ano?!" pinunasan niya ang labi niya pagkatapos uminom. "Hindi maramdaman?" mahinang kinurot ni Hero ang pisngi ko at napa-aray ako habang lukot lukot ang ilong ko.

"Oh, ayun naramdaman mo pero si Jace hindi?!"

Sinamaan ko siya ng tingin at hinimas ang pisngi ko. "Iba naman kasi yun eh.. Alam mo 'yun, Hero? Yung parang ako nalang palagi ang may gusto na magkausap kami."

"Aaaah," tumango tango siya. "Alam ko 'yan. Cold siya?"

Ngumuso ako at tumango, "Mabagal pati magreply."

"Natanong mo na ba siya tungkol diyan?"

"Hindi.. Ayokong tanungin." sagot ko sabay iling. "Basta Summer, hwag ka muna mag-isip ng kung anu-ano. Mahal ka no'n, sa nakikita ko? Totoong mahal ka niya. Pero minsan kasi, kaming mga lalaki, moody din kami. Minsan, ayaw namin ng kausap, minsan gusto namin. Intindihin mo nalang," aniya at ngumiti. "Mahal mo eh." dugtong niya.

Tumango ako, "Ang bawat 'I love you' nalang niya ang pinanghahawakan ko."

"Nagddoubt ka ba sa nararamdaman ni Jace para sa'yo?"

Total Eclipse of the Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon