5

269 17 0
                                    

I fell in love with you because of a million tiny things you never knew you were doing.

×××

Weeks passed.

I have been very busy with my schedule as a student and as a blogger. Dumami rin kasi ang viewers ng site ko, half of it was Mom's viewers and fans, and siyempre, being a student is a lot more harder.

Buti nalang stress reliever ko ang food, si Hero na makulit and even Jace and Stella.

Speaking of Jace, we're talking for like 2 weeks now. Masaya naman akong kausap siya kasi hindi kami nawawalan ng topic.

He's funny, and one time... he told me na buti pa raw ako ay naappreciate ang kakulitan niya.

(SEE MULTIMEDIA)

SUMMER: Hahahaha! Ang benta ng joke, seryoso!

JACE: Sus, bakit parang sarcastic yan?

SUMMER: Hala, hindi ah! Seryoso ako! HAHAHAHA

JACE: Napasaya na naman kita?
JACE: Tuwang tuwa ka na naman sakin.

SUMMER: Oo! Wala akong ginawa kundi tumawa kapag kausap kita!

JACE: Trabaho ko naman 'yon :) Ang magpasaya ng iba.

SUMMER: Ang drama!

JACE: Buti pa ikaw, naappreciate mo kakulitan ko. 'Yung iba naiinis kasi.

SUMMER: Well, sabi nga nila, 'it just takes someone to appreciate you as a whole' maybe ako yung someone na yon! Hahaha!

Tinatanong ako ni Hermano kung ano daw bang meron sa'min. I said nothing. Because that's the truth. Wala naman talaga.

Mapang-issue lang talaga mga tao ngayon sa school. We haven't talked in person that much. Puro kaway, puro hello at hi lang.

Dahil lalapit lang ako sa room nila para may kunin, eh parang instant nagiging araneta coliseum ang room nila. Puro iritan...

Pumara ako ng jeep mula sa kanto ng bahay namin. Sabado ngayon, papunta ako sa bayan para makipagkita kay Stella.

Nag-aya kasi ang bruha na kumain at maggala dahil katwiran niya'y nasstress na daw siya sa school.

To: Mama

Paalis na po ako, Ma. Loveyou!

"Makikiabot nga po ng bayad," ani ng lalaking nasa tabi ko. Kinuha ko ito at inabot sa driver.

"Ilan?" tanong ng driver.

"Dalawa po," sagot nito. Tumingin ako sa lalaki at nanlaki ang mata ko. Sino pa ba?

"Jace," saad ko bago bigyan ng isang ngiti. "Hi," sagot naman niya.

"Saan punta mo?" tanong ni Jace. "Sa bayan lang," sagot ko.

Tumango lang naman siya.

Why does it feel so awkward? Close kami thru text and call pero kapag sa personal, wala kaming mapag-usapan.

Total Eclipse of the Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon