8

239 11 0
                                    

She is responsible for your smile, so be responsible with her heart.

×××

"Pakiramdam ko, may gusto na talaga 'yun sa'yo," ani Stella habang sinasabayan niya ako papunta sa kung saan nakapark ang bisikleta ko.

"Sino?"

"Si Jace." sagot naman niya ng walang pag-aalinlangan.

"Sus, alam mo," ani ko sakaniya habang nilalagay ang bag ko sa basket ng bisikleta. "Magkaibigan lang kami. Tropa ganon," sagot ko.

Kasi noong unang beses na nakita ko si Jace na hawak niya ang gitara niya, I had no idea na magiging close kami but we did. At saka, talagang pagkakaibigan lang ang intensyon ko, no more, no less. Tropa, bestfriend... just like that.

Ayoko pang ma-in love ulit. Masakit, mahapdi at walang kasiguraduhan.

Platonic kami ni Jace. We just get along kasi parehas kami ng interests, we click.

"He has that look na kapag tumingin sa'yo, talagang may something eh," I choked when Stella said that. "Ang dami mong alam 'Tell. Uuwi na ako, ikaw ba?"

Nag-shrug lang siya, "Pero what if ma-in love ka?"

"Hindi 'yan, ano ba." sagot ko.

"Mapipigilan mo ba 'yun? Single ka, single siya, babae ka, lalaki siya, it's possible." pagpapaliwanag niya. Napakamot ako sa ulo dahil ipinagpipilitan niyang Jace and I can be more than just friends.

"Ewan ko sa'yo 'Tell," ani ko sakaniya kasabay ng mahinang pagtawa, "Basta, we're just FRIENDS."

"Sabi mo eh," ani Stella at naglakad na sa opposite na direksyon ng dadaanan ko pauwi.

Habang nagbibisikleta pauwi ay nakaramdam ako ng kaunting gutom kaya tumigil ako sa isang doughnut shop na malapit lang sa Bluemints.

Pumasok ako sa loob nito para umorder ng kaunti, para kay Mama, Papa at sa'kin nang mapatingin ako sa gawing kaliwa, may nakaupong lalaki, maputi, maayos ang buhok at tignan mo lang, mabango na agad.

Alam na alam ko kung sino siya. Erick Villamor.

Ang lalaking sumira sa paniniwala ko na mayroong tunay na pagmamahal. Charot.

Nakakabwisit naman kasi talaga, sasabihin niyang mahal ka niya, susuyuin ka niya na akala mo siya na yung lalaki na magpapasaya sayo, pero punyeta, noong nadala ako sa mga panunuyo niya, sa pagpaparamdam niya na espesyal ako, noong binigay ko na ang matamis kong "oo" na hindi naman niya deserve, saka siya nawalan ng oras sakin.

The moment I said I love him too, unti-unti kong nakita yung totoong kulay niyang hinayupak na Erick na 'yan.

Unti-unti siyang lumayo, he took me for granted and by the time na narealize ko 'yun, ako na ang nakipagbreak sa kaniya because I can't bear loving someone na hindi naman binibigay yung oras niya sa'kin.

"Order mo, Miss." abot sakin ni kuya ang isang box ng doughnut.

Lumabas na ako sa doughnut shop, sumakay sa bisikleta ko at umuwi na.

Pagkadating ko sa bahay ay binati ko si Mama at nagsalo kaming dalawa sa dala kong pagkain. Since Papa wasn't home yet, nagkwentuhan kami ni Mama sa ilang maliliit na bagay.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam ako kay Mama na aakyat na ako at gagawa na ng ilang homeworks ko.

Sumalampak ako sa kama ko at binuksan na ang libro ko. Tinitignan ko palang itong mga numbers sa textbook ko, nahihilo at sumasakit na ulo ko. I hate Math! and I know Math hates me too! Quits lang!

Total Eclipse of the Heart (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon