If you don't get it off your chest, you'll never be able to breathe.
×××
"Pakainin mo itong girlfriend mo—"
"Pinsan ko po siya," ani naman ni Hero.
Pagkatapos tumigil ng pagdudugo ng ilong ko ay naging maayos na ang kalagayan ko. Tinanong ako ng nurse para malaman kung ano bang dahilan kung bakit dumugo ang ilong ko at sabi niya ay dahil lang daw sa puyat ito at dahil sa hindi ko pagkain ng tama.
Ngumuso naman ako pagkalabas namin ng school clinic habang sinesermonan ako ni Hero.
"H'wag mo naman kasi pabayaan 'yang sarili mo Summer," aniya habang papunta kami sa classroom namin. Umiling iling pa si Hero at tinuturo ako habang sinasabi na ang payat payat ko na raw.
Nakasalubong ko si Jace na papunta sa locker room, biglang bumagal 'yung paglalakad ko, pero kasabay noon ay bumilis ang tibok ng puso ko.
Mahal ko talaga siya. Mahal na mahal.
At hindi ako makapaniwala na, wala na... Na hindi ko na siya mahawakan. Hindi ko na siya mayakap, mahagkan o makausap man lang. Na lahat ng pinagsamahan namin, ngayon ay nauwi sa isang tingin nalang.
Naramdaman ko na naman ang mga luha ko na nagbabadyang bumagsak, kaya bumulong ako sa sarili ko at umupo na sa pwesto ko. "H'wag kang iiyak."
Habang wala pa ang teacher ay nilabas ko ang laptop ko. Dito ko nalang ibubuhos lahat ng nararamdaman ko. Sa pagsusulat.
Ito nalang kasi ang tanging paraang alam ko para mailabas ko ang damdamin ko. Hindi ko kasi siya malapitan... Hindi ko matanong kung... pwede pa ba?
Dahil natatakot ako sa sagot niya. Sana... sana pwede pa.
Huminga ako ng malalim at humarap sa laptop ko ngunit ilalapat ko pa lamang ang mga daliri ko upang pindutin ang bawat letra ng salitang gusto kong malikha, ay tumulo na agad ang luha ko.
Ganito ko siya kamahal, at ganito kasakit.
Ganito ko kagusto na malapitan siya at masabi sakaniyang mahal ko siya.
"Pasensya na.
Hindi pala ako sapat.
May hinahanap ka pa pala sa iba na sa akin ay hindi mo makita.
Hindi pala ako sapat.
Madami pala akong pagkukulang kaya lumisan ka.Pasensya na.
Ito lang ang tanging kaya ko.
Ang ialay ang puso ko.
Ito lang ang gagawin ko.
Ang mahalin ka ng buong buo.
Ito lang.
At kung hindi pa pala ito sapat...Siguro hindi talaga ako ang nararapat."
Napatigil ako nang mabasa ko ulit ang huling pangungusap.
Minsan, naisip ko, kaya ko kayang labanan ang tadhana at ipilit na kaming dalawa dapat? Kaya ko kayang pigilan ang tadhana para hindi niya ako iwan?
Sana bigyan ako ng kapagyarihan para mapigilan ang tadhana sa gusto niyang gawin na paghiwalayin kami. Dahil hindi ko maintindihan, bakit pa pinagtagpo kung maghihiwalay rin naman?
Para matuto?
Dumaan si Jace sa labas ng room namin at nagtama ang mga mata naming dalawa, ngumiti ako ng pilit at ganoon rin siya.
Can we talk? Can we make it up again?
Hindi mo na ba talaga ako mahal?
Pinindot ko ang backspace at binura ang huling pangungusap.
"At kung hindi pa pala ito sapat...
Pasensya na.
Ginagawa ko naman lahat... at gagawin ko ang lahat."
Hindi ako ganon kabilis sumuko.
×××
"Saglit!"
Tumakbo ako kahit medyo nakaramdam ako ng panghihina para maabutan si Jace na naglalakad palabas ng gate.
Tinulak ko ang gate at sumigaw ulit para kahit papaano ay tumigil naman siya sa paglalakad. "Jace!"
Lumingon siya ngunit yumuko lamang at naglakad na muli. Nang maabutan ko siya ay hinawakan ko ang siko niya at hinarap siya sa akin. "Wait," mahinang sambit ko habang hawak hawak ang tuhod ko.
"Pwede ba tayong mag-usap?" ani ko sakaniya. Tanging ang nangungusap lang niyang mga mata ang nakikita ko. Mga mata niya na nakatingin sa akin na may lungkot na dala.
Do you think of me too?
Sana ay namimiss mo na rin ako gaya ng pagkamiss ko sa'yo.
Kaso bakit nga ba ako nandito sa harap mo? Diba sabi mo may iba ka nang mahal?
Isa pa, please.
Hindi ako naniniwala...
"Ano pa bang dapat pag-usapan?" bulalas niya.
Yumuko ako at pilit na pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko na may dalang pighati.
"Wala na ba talaga?" sambit ko ng mahina. Nakakalimutan ko na nakipagbreak siya sa'kin kapag kaharap ko siya.
Gustong gusto ko siyang yakapin at sabihin sakaniya na mahal na mahal ko siya... na ayusin namin 'to.
Kasi kahit katiting...
Naniniwala ako na hindi ganoon kadali mawala ang pagtingin o pagmamahal niya.
Umiling siya, "Wala na, Summer. Tapos na."
Ako naman ngayon ang umiling at nang humakbang siya ay pinigilan ko.
"Please... Jace, ayoko..."
"Ayaw mong ano?"
"Maghiwalay tayo," dire-diretsong salita ko. "Tapos na, Summer. Hindi na pwede," umiwas siya ng tingin at hinawi niya ang kamay ko.
"Wala na ba talaga?" tumigil ako ng pagsasalita at inayos ang buhok ko.
Humarap ako sakaniya, "Wala na ba? Kahit konti? Tumingin ka sakin," hinawakan ko ang baba niya at nilipat ang mga tingin niya sa'kin.
Kumunot ang noo niya at pilit siyang umiiwas ng tingin. "Wala na ba, Jace?"
Gamit ang kanang kamay niya inalis niya ang kamay kong nakakapit sa baba niya. "Ano ba!"
Nagulat ako sa sigaw niya kaya napabitaw ako sakaniya. Pumikit ako at luha ang tumulo sa mga mata ko.
Hindi ko na siya napigilan.
"May mahal na akong iba. Ayoko na. Tama na."
Hindi ako nakapagsalita sa huli niyang sinabi. Nangangatog ang buong katawan ko at bawat paghakbang niya palayo sa akin ay may katumbas na luhang lumalabas mula sa mata ko.
Wala na?
Wala na talaga?
"J-jace.." gusto kong isigaw ang mga pangalan niya.
Gusto ko siyang pigilan sa pag alis. Gusto ko ay nandito lang siya sa tabi ko, pero hindi pwede.
Kasi ayaw na niya.
He... left me.
At kahit sinabi niya sa akin na may iba na siyang mahal bakit hindi ko parin matanggap?
Parang kahapon lang kasi, ang saya naming dalawa, at ngayon, biglang maglalaho na parang bula.
Poof!
Umupo ako sa tabi ng kalsada. Wala akong pakialam kung sino mang makakita sa akin, hindi ko na rin alam kung paano ba mababawasan ang sakit na nararamdaman ko.
Iiiyak ko nalang hanggang sa mapagod ang mga mata ko.
×××
BINABASA MO ANG
Total Eclipse of the Heart (KathNiel)
FanfictionBeing in love is the most wonderful and precious moment that you'll never forget in your whole life. Being in love is the best feeling in the world. Heart thudding moments, breath taking kisses, overwhelming hugs. When I met him, all things became m...