Loraine's POV
8pm na rin ng makarating kami galing Batangas. Etong batang ito na isip matanda, nakatulog na. Medyo na-stress ako sa batang ito ha. Ang linaw ng usapan namk na hidni sya pwedeng maglangoy sa dagat. Pero dahil kahit isip matanda 'to bata pa rin sya. Nawala ang usapan namin at nag-diretso sya sa dagat at naglangoy. Ayos din! -__- Napabili tuloy kami ng damit ng wala sa orads dun sa souveneir shop.
Inihatid na ni Dan si Gio sa loob ng bahay nila, ako naman nagpaalam na bibisita lang sa bahay namin since nandito na lang din naman ako at magkatapat lang naman. Wala ngayon sina Manang Rosa at Manong Isid na caretaker ng bahay. Pero buti na lang may susi pa rin ako ng bahay namin.
Pagpasok ko dun, wala pa ding nagbabago. Ganun pa din ang ayos ng mga furniture nung umalis ako dito. Umakyat ako at pumunta sa kwarto ko. Nakita ko sa may study table ko yung flower vase at nandun pa din yung roses na binigay nya sa'kin nung graduation namin. Sobrang lanta na, yung mga petals nakakalat lang sa table ko. Pumunta ako sa may kama ko at umupo. Doon, nakita ko yung note na iniwan nya sa may lamp shade ko, the day he left. Hindi ko pala naitapon yun?!
'Bye Loraine! I Love You.
-Gabriel'
Haaay!
Binuksan ko yung lamp shade ko para may konti pang liwanag sa kwarto ko. Pagbukas ko nu'n, nakita ko sa tabi ng lamp shade yung mga pictures naming dalawa. Hindi ko ba talaga nilinis ang kwarto ko nung umalis ako five years ago?! Hindi rin naisip ni Manang Rosa na alisin ang mga 'to? Oh well, wala na akong pakialam pa dyan.
"Reminiscing?!"
"Ay multo?!" bigla kasing umimik si Dan mula sa pinto ng kwarto ko, ang dilim-dilim kaya.
"Multo na ako ngayon?"
"Tss!"
"So, ano? Nakapagreminisce ka na?"
"Duh! Kasasabi ko lang sa sarili ko na wala na akong pakialam sa mga pictures na 'to 'no!"
"Bakit? Yan ba yung tinutukoy ko? Wala naman akong ipinupunto ah. Napapaghalata ka eh."
"Napapaghalata?!"
"Nevermind!"
Lumabas na kami ng kwarto at bumaba sa salas.
"Gusto mong dito matulog?" tanong ni Dan.
"Ayokong multuhin dito."
"Ayaw multuhin? Walang multo dito. O ayaw mo lang multuhin ka ng nakaraan?"
"Mga hugot mo! Umayos ka!"
"Joke lang! Ano hatid na kita sa condo mo?"
"No! Ako na lang mag-drive pauwi."
"Sure ka? Gabi na!"
"Kaya ko."
"Well, if you insist. But you drive me home first. Ayokong maglakad pauwi."
"Oo na! Takot ka lang maglakad mag-isa dito sa village eh."
"Asa ka!"
Nang makalabas na kami sa bahay. I saw the swing sa graden namin. The swing we used to ride. Oh! It's just a memories of past.
--
Lumipas ang one week at aba itong si Jan Rhein Forteza hindi ako tintawagan. Nagsesend lang sya ng message sa 'kin. Busy daw kasi.
"Ano tumawag na ulit si Forteza?" Christian asked.
"Hindi pa nga eh." - ako
"Busy masyado yung taong yun." -__- - Christian
YOU ARE READING
Definitely You (COMPLETED)
Teen FictionMy first WATTPAD Story, published year 2012.