CHAPTER 65: Lola Amanda

95 2 0
                                    

Loraine's POV

Pagkatapos kong mareceive yung text ni Rhein, I opened my Skype account. At pagkadalawang ring palang, sinagot na agad nya.

Hindi pa ba 'to inaantok?

"Hmm?" sabi ko nung mag-appear na sya.

"Hmm?" sabi naman nya, "Sorry." bigla nyang sabi.

"Ikaw kasi, basta-basta ka na lang nagtatampo." I pouted.

"Because you are pouting, I want to kiss you right now."

"Sorry, but you cannot. Teka nga! Saglit! Bago ka magpakilig at magpakasweet dyan, bakit ka ba biglang nagtampo? Inaasar lang naman kita kanina."

"Kasi badtrip ka rin. Tsaka hindi mo ako pinapansin."

"Napaka-childish naman nito. Aagawan ko pa ba yung mga yun, ngayon ka lang ulit nila nakausap."

"Ayaw mo ba akong kausap?"

"Ganyan talaga naisip mo? Everyday nga tayong magkatawagan and everytime I talk to you mas lalo kitang namimiss."

Pagkasabi ko nu'n, nagliwanag naman yung mukha nya.

"I miss you more."

"Bati na tayo?" tanong ko.

"Nag-away ba tayo?"

"Inaway mo kaya ako kanina." I rolled my eyes.

"Hindi kita inaaway ha."

"Whatever!"

"Anyways, kamusta naman yung Fascinate's Kitchen na project mo?" he asked.

"The construction will start this coming week."

"Great! Maganda naman ba yung design ni Architect?"

"Yeah! It's good, actually Tita Karla approved that."

"Hmm," he nodded, "kamusta naman kayo ni Gabriel?" tinaasan ko naman sya ng kilay, "I'm just curious."

Paano ko sasabihin sa'yo na magkatapat lang kami ng unit? Woooohhh!

"Don't worry I'm always following your reminder. Avoid him if it is not about the project." ang sinungaling mo Kaye.

He smiled, "I love you."

"I love you too."

"Sige na, matutulog na ako."

"Dapat lang na matulog ka na. I know, madami ka pang trabaho."

"Bye!"

"Bye!"

*Jan Rhein signed out*

Nagkakasala ako sa boyfriend ko, hindi ko sinabi na magkapitbahay lang kami. Hindi ko naman kasi alam kug paano ko sasabihin eh.

Kinabukasan, nagmamadali na naman akong mag-ayos ng sarili ko. Paano? Late na naman akong nagising. Badtrip naman kasi yung alarm ko eh.

"Shocks! May meeting pa naman kami ni Tita Karla." sabi ko sa sarili habang nagmamadaling magsuot ng heels.

Pagkasuot ko na heels, dali-dali akong tumakbo papunta sa pintuan at binuksan. Paglabas ko, saktong paglabas din ng unit ni Gabriel.

"Good morning!" bati nya.

"Good morning!" sabi ko at nagmadaling isarado ang pinto ng unit ko at umalis na.

"Nagmamadali ka ba?" tanong ni Gabriel.

"Obvious ba? May meeting kami ng mommy mo. Sige, bye!" sabi ko at nagtatakbo na papunta sa may elevator.

"Huy! Wag kang tumakbo-- Loraine!"

Definitely You (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora