Chapter 6: Her Feelings

262 4 0
                                        

Loraine's POV

Pag kalagay ng boys ng mga gamit pumasok na kami sa loob ng van. At ganito ang seating arragement namin. Dun sa may unang passenger seat sina Mac at Nicks. Sa pangalawa naman sina Dan at Jhen. Well, ako dun sa dulo nakaupo sa tabi ng bintana and with.. arggh.. with Gabriel.

Ayaw daw nyang umupo dun sa front seat tsaka ayaw daw nyang tumabi dun sa alin man dun sa apat at baka daw makasira sya ng moment at kasi daw hindi daw sya makakatulog ng ayos dun at gusto nya daw akong katabi para magulo nya ako. HOW SWEET DI BA?! Note the sarcasm.

"Kanya kanyang partner pala tayo dito eh." sabi ni Mac na kumakaen ng Piatos.

"Haha, oo nga 'noh. Mac-Nicks..Gab-Kaye--"

"'Tas Ella-Niel." singit ni Gabriel kay Dan. "Ayos tawagan nyong dalawa." dagdag nya.

"Naman, parang wala kayong endearment ni pinsan ah. Gabriel-Loraine."

"Hindi yun endearment pinsan." mataray kong sabi sa kanya.

Narinig ko naman nag giggle si Gabriel.

Ano namang nakakatawa sa sinabi ko? Tss. >.<

Tinignan ko lang sya ng masama. Napatigil naman sya sa pag tawa.

"Hay naku Dan at Jhen. Pakipot pa kayong dalawa eh."

Napatingin kaming lahat sa sinabi ni Gabriel kahit sina Nicks at Mac na nakaupo sa unahan napalingon kay Gabriel. Ang baliw talaga ng lalaking 'toh.

"Gabriel, ano ba yang pinagsasabi mo? Antok lang yan, itulog mo na lang."

Binigyan ko sya ng 'Hayaan-mo-na-lang-kasi-sila-look.'

"Hay naku. Sige na nga. Itutulog ko na lang. *yawn* hayaan na nga lang natin." bulong ni Gabriel sa'ken.

"Maganda yan."

After 15 minutes..

Kung kanina, ang ingay-ingay namin dito sa van ngayon sobrang tahimik. Natulog na ata sila. Hay, makatulog na nga din. (-.-)

--

*yawn*

Bakit parang ang bigat ng ulo ko? Hindi ko maiangat ulo ko.

*blink*blink*

*kusot kusot ng mata*

Teka, kaninong shoulders 'tong pinagpapatungan ng ulo ko? Isa lang naman katabi ko eh.

Ginalaw galaw ko ang ulo ko.

"Hmmm.. wag kang malikot." he said in a husky voice.

"G-ga-gabriel?!"

Napaangat naman ang ulo nya nung marinig nya ang boses ko.

"Loraine. Gising ka na pala."

"Ah eh--"

"Ih oh uh?! Eh parang hirap na hirap ka kasing matulog kanina sa pagkakasandal mo sa bintana. Kaya alam mo na yung shoulders ko."

"Thank you. Ah, naistorbo ba kita sa pagtulog mo?"

"Ahmm.. oo eh. Likot mo kasi."

"Ah ganun?! Yung ulo ko na nga ginawa mong unan nagrereklamo ka pa."

"Ang gulo mo din. Nagtatanong ka kung naistorbo mo ako then sinagot kita ng honest maiinis ka. Pasalamat ka nga isinandal ko yang ulo mo sa balikat ko, kundi stiff neck abot mo kanina."

"Hoy! Ang ingay nyo ah. Shhhh. Natutulog kami." saway sa amin ni pinsan.

"Yan ingay mo kasi." bulong ko kay Gabriel.

"Ikaw kaya."

"Tss. Alam mo Loraine, pinipilit ko ng mag bago pag dating sa'yo ha. Kaso ikaw talaga may problema eh. Inaaway mo pa rin ako. *pout*"

Wushu! Ang cute nya magpout. Nemen! Anubeyen?! Pinagsasabi ko. Erase. Delete. Backspace.

"Wag ka ngang magpout! Hindi bagay. Tsaka bakit kelangan mo pang magbago sa'ken, eh yun na yung nakasanayan kong ugali mo at ugali ko sa'yo. No need to change. Gusto ko naman yung attittude mo eh." oopps! napatakip ako ng bibig.

Oh my.. what did I just said?! Hindi ko alam kung sa'n galing yung sinabi ko.

"Say what?! You like my attittude?*smirk*"

"Tss."

"Sabi na Loraine eh, may feelings ka pa sa'ken."

"A-ano?! W-wala na ha. Tsaka m-matagal ng nabura yung f-feelings ko sa'yo."

"Really?! But why are you stammering?"

"Argh. Can you please stop asking me?! Nakakainis na. Hindi ka makuntento sa isang sagot."

"Okay." inis nyang sinabi.

Sura 'toh! Bakit sya ang maiinis? Argh. >.<

--

Gab's POV

Pagkatapos nung nadulas yung dila nya, at kinulit ko sya ng kinulit at nainis sya hindi na kami nag imikan. Nakakainis nga eh, kinakausap ko sya ng ayos 'tas maiinis sya sa'ken sasagutin pa ako ng hindi daw ako makuntento sa isang sagot. Tss. Hindi ko tuloy alam kung pa'no ko isisingit yung surpresa ko sa kanya.

Yeah, I have a surprise for her. Alamin nyo na lang kung ano.

Tumigil na yung van na sinasakyan namin. Andito na siguro kami. Isa-isa na silang bumaba ng van. Syempre ako muna ang bababa bago si Loraine.

Pagkababa ko, pagbaba din nya. Nung balak ko ng kunin yung mga gamit nya bigla nyang kinuha. Okay! Dedma mode muna ako sa kanya. Bahala sya.

"Gab! An'yare sa inyong dalawa? Snoban?" pagtatanong ni Nicks, habang kinukuha ang ibang gamit.

"Ewan ko dun. Lagi namang ganun eh."

"LQ kayo 'noh." pang-aasar naman ni Jhen.

"Mga baliw.. Pinagsasabi nyo."

"Asus! Ikaw kasi eh. Inamin na nga sa'yo, hindi ka pa naniwala." -Jhen

Natahimik ako sa sinabi ni Jhen.

"Huy Jhen. Ano ka ba?" saway ni Nicks.

"Ay! Sorry Gab."

Nginitian ko lang sila.

That confession was 5 years ago. We're 11 yrs. old and we're still in grade school.

Definitely You (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora