Chapter 46: Surprises At The Party

107 0 0
                                    

Loraine's POV

From: Jan Rhein :)

I'll fetch you! Wag kang magpapahatid kay Christian! :P

--

From: Christian :D

Kaye, was Rhein told you na wag kang magpahatid sa'ken? Wag ka makinig dun! I will fetch you later. Uunahan ko sya.

Yan lang naman yung mga SMS sa'ken nung dalawa kong lalake-- este nung DALAWANG MABABAIT KONG KAIBIGANG LALAKE! -__-

Aish! Hanggang text nag-tatalo pa din eh. May sapak talaga yung dalawang yun! Akala naman nila sa kanila ako sasabay? Sina mama at papa naman yung kasabay ko eh.

"Anak! Magpaayos ka na dito." mama yelled.

"Yes ma! Susunod na po ako."

Busy na kami ni mama sa pagpapaayos, dito sa bahay. Si papa naman, nandun pa sa Fascinate. Inaasikaso yung venue ng party.

"Kaye, I'll ask you something." mama asked habang inaayusan kami.

"What's that ma?"

"Nakapag-usap ba kayo ni Keilah, the last time we had a dinner with her?"

"Why you suddenly asked po? Hmmm, yes ma, we talked. Naging magkaibigan pala po kami ni Keilah nung mga bata pa kami at dahil sa isang pangyayari nawala lahat ng pinag-samahan namin. Na dahil sa pangyayaring yun na ako ang dahilan kung bakit hindi na sila magkasundo ng mom nya hanggang sa tuluyan nang nawala si Tita Alice."

"Akala ko nga may tampuhan lang kayo noon kaya di na kayo masyadong nagkakasama. Hanggang sa naikwento yun sa akin ni Rhein nung mga bata pa kayo, hinayaan ko na lang na hindi mo pansinin yung mga nangyayari sa'yo. Pero hindi ko akalain na makakalimutan mo nga na minsan naging magkaibigan kayong dalawa. And you don't need to blame yourself, wala kang kasalanan. Siguro naman, bago mawala si Alice narealize nya na hindi dapat sya nagalit kay Keilah. Walang ina ang hindi kayang magalit ng matagal sa anak nya. Kaya wag mo ng isipin ang nangyari sa nakaraan, tapos na yun eh. Di ba sabi nga, past is past. And there is a second chance, pwede pa ulit kayong maging magkaibigan ni Keilah." Mama held my hand.

Second chance?! The last time I gave the second chance to the person who I thought deserve that, hindi naman pala nya talaga deserve. He just waste that second chance I've given to him.

"Ma, you know the situation between the two of us. Hindi ko masasabi kung babalik pa ulit kami sa dati. Siguro kung ang dahilan ng gulo sa aming dalawa ay yung tungkol sa mga bata pa kami, pwede pa kaming mag-kaayos matagal na yun eh. Pero dahil nadagdagan yung gulo sa amin, at dahil pa sa iisang lalaking minahal namin. Imposible nang maibalik ang pagkakaibigan namin. Except kung may magbababa pa ng pride sa amin. Nagpakababa na nga ako at hindi na nakialam sa kanila ni Gabriel. Ayoko naman na ako pa din ang magpapakababa na makipag-ayos sa kanya. Chance ko na 'tong mag-taas ng pride."

*Riiiiiingggggg. Riiiiiingggggg. Riiiiiingggggg. Riiiiiingggggg*

Definitely You (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora