Chapter 37: Issues

97 0 0
                                    

Loraine's POV

"Sigurado ka na ba talaga dyan?" - Christian

"Pang-lima ka na sa mga nagtanong nya'n." - ako

"I just don't want you to regret it."

"Regret? Kelangan ko bang magsisi sa pag-aaral ko dun? Yun nga yung maganda dun di ba."

"Sabagay, desisyon mo naman yan eh."

Nandito kame ngayon ni Christian sa mall, sinasamahan ko syang bumili ng snickers.

Ewan ko ba kung baket sa'ken nagpasama 'toh. Actually, halos araw-araw na nga kaming magkasama eh. Alam kong malisyoso kayo, kaya uunahan ko na kayo. We're not dating. Walang meron sa amin kundi magkaibigan. Alam nyo naman yun diba? Parang sya yung substitute ni Rhein sa pagiging 'my shoulder to cry on.' Witness kayo dun.

"Di ba sa ibang bansa may senior high pa?" tanong nya.

"Oo."

"So, kelangan mo pang magsenior high bago ka pumasok sa university dun?"

"Oo nga 'noh?!"

"Eh di change of plans ka na? Di ka na tutuloy?"

"Anong change of plans ka dyan? 2 years lang naman yung senior high eh. Ikaw! Kontra ka din talaga sa pag-alis ko 'noh!" he just give me a smile.

Pumasok kame sa isang store ng mga snickers.

Dito ko binili yung regalo ko kay Gabriel nung Christmas. Aish! Lahat ba naman ng puntahan ko may alaala nya? Mukhang tama yung desisyon ko na pumunta sa ibang bansa para makaalis na sa mga alaala nya dito.

"Hey Kaye! Are you okay?"

"Hah? Ah. Oo. I'm okay, why?"

"Kinakausap kase kita pero tulala ka naman pala dyan."

"Ay! Sorry may naalala lang ako bigla. Teka! Ano ba yung sinasabi mo?"

"Itong rubber shoes, maganda ba?"

May pinakita sya sa aking color red na snickers.

Teka?! Ganyang-ganyan din yung gift ko kay Gabriel. Iba lang yung kulay.

"No! Palitan mo." utos ko.

"Hah? Eh? Hindi ba maganda?" sabi nya na naghihinayang dun sa sapatos.

"Pangit nga. Palitan mo na lang."

At yun lumapit sya sa saleslady na malungkot na nakatingin dun sa sapatos.

Ganun nya talaga kagusto yung snickers na yun? Haaay! I'm sorry Christian. :3

After nyang humanap ng humanap ng snickers matapos kong ireject yung una nyang pinili, pumunta kami sa isang ice cream parlor at nitreat ko sya.

Oo! Ako ang nagtreat, wala na daw syang pera eh. Walang pang ice cream pero may pang bili ng sapatos. Oh diba! How kuripot.

"Salamat sa paghatid!" - ako

"Salamat din sa pag sama at sa ice cream!" - Christian, na sakay sa kotse nya.

Definitely You (COMPLETED)Where stories live. Discover now