CHAPTER 64: Old Friends, New Neighbor

89 1 0
                                    

Loraine's POV

Day-off namin ngayon, -- ako, si Dan, si Jhen, si Nicks, si Mac, si Christian and even Abby -- kaya magkakasama kaming lahat dito sa condo unit ko. Oo, sa CONDO UNIT KO! -__-

Ewan ko ba sa mga 'to at dito sa condo ko gustong tumambay. At ewan ko din kung bakit nagkasabay-sabay ang day-off namin ngayon. Well, si Dan at ako wala kami talagang trabaho ngayon at si Tita Karla ang bahala sa Fascinate ngayon kaya pati si Abby day-off din. Aba! Nakakadalawang day-off na sya this week ha. Kasi naman 'tong si Christian eh, well itong lalaking ito every morning lang naman sya free dahil kapag gabi lang sya busy dahil sa bar nya kaya napagdesisyunan nyang sumama sa amin at isama na rin si Abby dahil she's part of the group na din naman at friends naman kami kapag sa labas ng office. Si Nicks, Jhen and Mac naman, malay ko sa mga 'to palagi naman silang free. Di ko nga alam kung seryoso bang nagtratrabaho na mga 'to eh. Parang hindi professional.

At oo! Napapaligiran ako ng mga taong in love, partner-partner sila. Ako lang ang wala! Kasi naman yung akin, nasa London. Huehue! T^T

"Ano, magiging sweet na lang kayong lahat dito sa loob ng unit ko? Inggitan? Ganun? Kung ganyan lang din naman ang gagawin nyo, lumayas na kayo! Ngayon din!" sabi ko sabay turo ko dun sa pinto palabas ng unit ko.

"Bakit ba ang bitter mo? May boyfriend ka naman, nandun nga lang sa London." sabi ni Nicks.

"Yun na nga eh! Nasa London nga yung boyfriend ko kaya, usap na wag nyo 'kong gawing bitter kasi nga wala ang boyfriend ko dito." sabi ko.

"Sabi ko naman kasi sa'yo Kaye, dapat kasi ako na lang ang pinili mo para palagi mo 'kong kasama. Di katulad nyang boyfriend mo, nasa London." sabat ni Christian, wala lang naman yun kay Abby dahil alam nya na ganun talaga si Christian sa'kin. No offense na.

"Heh! Magtigil ka, may Abby ka na! Wag ka ng tumalandi pa." I rolled my eyes, "Teka nga, kanina ko pa 'tong gustong itanong sa inyo 'to eh. Sino bang may pakana na dito tumambay sa unit ko?"

Paano kasi, agang-aga. 9:00 am pa lang, sunod-sunod na doorbell na yung bumungad sa'kin habnag naglilinis ako ng unit ko. At pagtingin ko sa monitor kung sino yung nag-dodoorbell nakita ko na lang yung mga mukha ng mga 'to. Nangraraid eh! No choice but to entertain my "visitors". Tss! Inistorbo lang ako ng mga 'to sa paglilinis ko eh.

"Sino pa ba? Itong pinsan mo!" turo ni Jhen kay Dan.

"Oy! Hindi lang ako, pati kaya itong si Mac." depensa ni Dan.

"Bakit ako? Sumunod lang naman ako kay babes ah!" tukoy naman ni Mac kay Nicks.

Tinignan ko naman ng masama si Nicks.

"Bes? Minsan lang 'to." sabi ni Nicks.

Ito talagang barkada kong 'to, kahit kelan feeling teenagers kahit mga 22 years old na. -__-

Pagkatapos nu'n, si Christian naman yung tinignan ko.

"Oh? Bakit ka ganyan makatingin sa 'kin?" tanong nya at mukhang nakahalata naman sya, "Tinext lang ako ng mga yan, si Dan at si Mac, sabi nila tumambay daw kami dito ngayon tapos..."

"Miss Kaye, damay lang po ako ni Christian." bigla naman akong natawa kay Abby, kahit sa labas ng office Miss Kaye padin ang tawag nya sa'kin, "Bakit po kayo natatawa Miss Kaye--"

"Hep! Abby, okay lang na tawagin mo ako by my name lang kapag tayo-tayo lang ang magkakasama. No need to call me Miss Kaye besides you're one of us na naman eh. Tsaka 'tong si Dan, don't call him sir kapag outside the office at wag ka ng mag-po at opo."

"Opo, Miss Kaye-- Ay! Okay, Kaye." magka-rhyme yun ah.

"Hay naku! Anyways, wala na naman akong magagawa dahil nandito na din naman kayo." sabi ko.

Definitely You (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora