Loraine's POV
"Seriously?! Pinsan sya nga talaga?"
Pang-nth time na yang sinabi ni Dan. Gulat na gulat din sya ng sabihin ko na si Gabriel yung architect na nakuha namin. THREE HOURS na nakalipas nung sabihin ko yun sa kanya pero hanggang ngayon yata hindi padin nagsi-sink in yun sa utak nya eh.
"Oo nga! Kulit! Kailangan pa talagang ulit-ulitin?"
"Why not? Ulitin ko pa gusto mo?"
"Heh!"
"Bakit mo naman kasi tinanggap sya para mag-design ng resto?"
"Sinabi ko na sa'yo, unang-una sa lahat pinsan ni-recommend sya ng kuya ng secretary ko."
"Yung chiks ni Christian?"
"Oo! Yun nga, eh di ni-recommend nga. Pangalawa, nung ni-contact na sya ng secretary ko hindi sinasabi ni Gabriel yung pangalan nya kay Abby."
"Hind man lang sinabi ng kuya nya yung pangalan?"
"Hindi nga! Sana kasi nandun ka eh."
"May iba akong trabaho. Ano namang naramdaman mo nung makita sya?"
Naramadaman? Parang... parang wala naman. Oo nga! Wala naman.
"Bukod sa na-shock ako, wala na naman."
"Sobrang na-shock ka talaga?"
"Pinsan, sino bang hindi masho-shock kung yung ex-boyfriend mo na five years mo ng hindi nakikita eh makikita mo na lang bigla. Tapos makakatrabaho mo pa? Yung ex-boyfriend mo na sobra kang pinaiyak? Yung ex-boyfriend mo na basta ka na lang iniwan? Yubg ex-boyfriend mo na sobra kang sinaktan? Yung ex-- Teka? Masyado na ba akong madaming nasabi?"
"Yung totoo?"
"Wag mo na palang sagutin. May pinsapasabi nga pala sya, kung pwede daw na wag nating sabihin kay Tita Karla na nandito sya."
"Arte nya! Malalaman at malalaman din naman rin ni Tita na nandito sya."
"Yun nga ang sabi ko eh."
"Eh kay Rhein? Nasabi mo na ba?"
Oo nga pala! One week matapos yung meeting namin ni Gabriel hindi ko pa nasasabi kay Rhein. Hindi rin naman sya tumatawag, pag ako naman yung tumatawag hindi nya sinasagot.
"Hindi mo pa nasasai 'no? Alam mo dapat sabihin mo na agad yan sa kanya. Kesa naman malaman nya pa sa iba."
"Malalaman nya yun sa iba kung sasabihin mo."
"Bakit ako?"
"Madaldal ka kaya!"
Hay! Paano nga ba 'to? Paano ko sasabihin kay Rhein? Hindi ko alam kung paano. :3
Nakauwi ako sa unit ko na yun padin ang iniisip. Hanggang ngayon nga na balak ko ng matulog yun pa din ang iniisip ko, kaya ayan hindi ako makatulog.
"Rhein? May sasabihin ako sa'yo, nagkita kami ni Gabriel... UUGGGHHHHHH!!! Hindi! Hindi dapat ganun! Woooooooooohhhhh!! Paano ba? Ah... Rhein, I want to tell you something. Nagkita na kami ni Gabriel. WAAAAAAAAAAHHHH!! Hindi padin eh."
Nagpapagulong-gulong na ako sa kama ko. Baka kasi sa kagaganito ko, baka sakaling makaisip ako ng magandang phrase na sasabihin ko kay Rhein kung sakaling tumawag sya.
"Rhein, may gusto akong sabihin sa'yo. Kasi -- (*Riiiiiingggggg. Riiiiiinggggg. Riiii--) -- nagkita kami ni Gabriel." dahil sa gulat I answered the call without looking who is calling at bigla kong nasabi yun.
(What?) tanong nung nasa kabilang linya. OH MY GOSH!!!
"Rhein?"
(Ano yung sinabi mo?)
VOUS LISEZ
Definitely You (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsMy first WATTPAD Story, published year 2012.
