Chapter 35: Pretending

115 1 0
                                    

Loraine's POV

"Sis, we're planning an outing." - Jhen

"Outing? Why?" - ako

"Winter kasi ngayon Kaye kaya mag a-outing tayo." Mac said in a sarcastic way.

"Psh. Oo na. Alam ko naman kasing summer eh. What I mean is, bakit pa tayong mag a-outing? Nakakatamad magbyahe." - ako

"We need to relax. We need to breath. We need fresh air Kaye." - Nicks

"I know what you mean Nicks." - ako

"Yun naman pala eh, makalimot naman tayo saglit sa mga problema dito diba?" - Nicks

"Okay. Saan ba? Tsaka kelan?" - ako

"Eh di sa beach and resort natin. Saan pa ba?" - Dan

"Sabi ko nga eh, dun." -__- - ako

As usual, dito sa bahay nakatambay 'tong mga kaibigan ko. Wala namang ibang tambayan 'tong mga 'toh eh.

"At next week tayo pupunta dun. 3 days and 2 nights stay. You invite Christian na din para madami tayo." - Jhen

"Hah? Hindi naman sa ayaw ko. Pero bakit?" - ako

"Eh sa halos araw-araw na pagpunta nya dito, malapit na din kami sa kanya. Balak ka na nga atang ligawan nun." - Mac

"Mac naman?!" - ako

"Just kidding." - Mac

"Osige. I'll tell him na lang. Isasama natin sya." - ako

Araw-araw na nga pumupunta at bumibisita dito si Christian. Ewan ko ba dun? Inuubos yung oras nya sa pagbisita sa'ken. At yun nga, dahil sa araw-araw nyang pagpunta nagiging close na din sya sa mga 'toh.

"Sis, can we ask something?" - Jhen

"What's that?" - ako

"Are you really okay?" - Nicks

"What do you think guys?" pagbabalik ko sa kanila ng tanong.

"No!" they said in chorus.

"And that's my answer. Hindi dahil nakikita nyo akong nakangiti, I'm already fine. But, my smiles are true. It's not pretending. No need to do that. Sabi nga, don't act like you're fine, denying your hurt will make you feel worse."

"So yun ang ginagawa mo?" - Dan

"Parang may doubt sa tanong mo, pinsan ah. Wala kang tiwala sa'ken?"

'Nalungkot ang mga Filipino fans nina Jan Rhein Forteza at Keilah Ace Marquez matapos aminin ni Keilah na hindi totoo ang rumors na nagdedate silang dalawa at matapos iannounce ni Keilah na meron na syang boyfriend na si Kiel Villarosa ang apo ng isang business tycoon na si Mr. Alfonso Villarosa ang CEO ng Villarosa Group. Sa ngayon, magkasama sa isang pictorial sa Paris sina Rhein at Keilah para sa pinagsasamahan nilang endorse--' 

"Walang kwentang balita!" pinatay ni Mac yung TV at pansin kong nakatingin silang apat sa'ken.

"Bakit nyo pinatay yung TV? Nanonood ako eh. Tsaka, bakit kayo nakatingin sa'ken?"

"Akala ko ba, don't act like your fine." - Nicks

"Guys, inaantok na ako. Punta na ako sa kwarto ko ha. Umuwi na rin kayo kasi gabi na."

Definitely You (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora