CHAPTER 69: War

112 5 0
                                    

SORRY for the long time of not updating. It's just that, I'm kinda busy. HAHA! Busy sa school, pasensya na. Hindi ko maisingit sa schedule ko ang paggagawa ng UD ng istorya ko. At isa pa, dapat nga matagal-tagal ko nang na-publish ang chapter na 'to kaso NALINIS ang memory card ko, na-CORRUPT sya, eh sa phone ko ako nagawa ng update eh.

Kaya pasensya na. :) O'sya! Eto na, yung new chapter. Baka super nabitin na kayo sa last chapter na ni-update ko eh. ENJOY READING!! :*

--

Loraine's POV

"Rhein..." sabi ko at hinawakan yung braso nya.

"Ano 'to?" tanong nya sa'kin.

Nakikita sa mga mata nya yung pagtataka, at yung galit kahit malumanay yung pagkakatanong nya.

"Rhein, it's not what you think--"

"It's not what I think? Bakit? Alam mo ba yung iniisip ko?" sabi nya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

"Rhein, I live here before she decided to live here din."

"Shut up! I didn't ask you." malumanay pa din yung pagkakasabi ni Rhein, "Explain!" he commanded, "Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkatapat lang pala kayo ng unit? Kelan pa 'to? Pumayag na nga ako na magkatrabaho kayo kahit alam kong ikakasama nang loob ko. Iniisip ko na lang na para lang yun sa Facsinate Kitchen na project mo. Ang dami kong conclusions sa utak ko, na baka mamaya maging close ulit kayo. Na baka mamaya bumalik ulit kayo sa dati. Tapos ngayon malalaman at makikita ko pa na magkatapat lang kayo ng unit. Matagal na ba? Since nung umuwi ka at lumipat dito? Alam mo na dito sa sya nakatira? Kaya ka ba lumipat dito dahil nandito sya? Ano? Niloloko mo na lang ba ako kaya nililihim mo sa'kin?"

Natigilan ako sa sinabi ni Rhein, at parang automatic na lumapit ang kanang kamay ko sa pisngi nga at sinampal nang malakas.

*SLAP*

At dun, tumulo ang mga luha ko.

"Ganyan ba ang tingin mo sa'kin? Una sa lahat Rhein, what's happening are all coincidence. Hindi ko alam na dito sya nakatira. Eh hindi ko nga alam na nandito na rin pala sya sa Pilipinas eh. Nagulat na lang ako nang malaman na sya yung magiging architect namin. Sa tagal na nating magkakilala, magkasama, ganyan ang tingin mo sa'kin."

"Bakit hindi? I know you and Gab, when you were in a relationship back then. At isa pa, he's your one that got away. Paanong hindi ko maiisip yun?"

"Rhein, matagal na yun. At matagal na rin yun tayo at wala kang tiwala--"

"May tiwala ako sa'yo, pero sa kanya wala." tumingin sya kay Gabriel na nakatayo lang dun. "Ano bang plano mo? Bawiin si Kaye? Iniwan mo na sya di ba? Kaya bakit ka pa bumalik? Hindi mo ba nakikita na masaya na sya ngayon? Hindi ba pwedeng maging kuntento ka na lang sa buhay nya ngayon. Wag ka nang bumalik sa buhay nya, maayos na sya."

"Saglit lang Rhein, wag ka ngang painosente dyan. Sinabi ko sa'yo noon, kapag maayos na ang lahat babalik ako, babalikan ko si Loraine." - Gabriel

"Babalikan? Kapag maayos na ang lahat. Oo, maayos na ang lahat. Pero kung babalikan mo sya, mas gugulo lang ulit. At saka sa tingin mo ba, papayag ako?"

"Hindi, pero pipilitin kong bawiin sya."

"Eh gago ka pala eh! Wala nang bawian 'to!"

*BOOOGSSSHHH*

Sinuntok ni Rhein si Gabriel.

"Babawiin ko kung ano yung akin!"

*BOOOGSSSHHH*

Si Gabriel naman ang sumuntok kay Rhein.

"Ang kulit mo! Hindi nga sya sa'yo eh!"

*BOOOGSSSHHH*

Definitely You (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora