Loraine's POV
Kaibigan pala ng baliw na 'toh yung sikat na model na si Ace Marquez. Keilah Ace Marquez pala totoong name nya.
"Mabait ba yun?" bigla kong naitanong.
"Hmmmm.. ayos lang. Pili sya sa taong pinapakitaan nya ng magandang ugali nya."
"So, masungit sya sa iba..... Oopps. Wrong words. Sorry."
"Okay lang. Totoo naman yang sinabi mo eh."
Mga 5 mins. kaming tahimik na dalawa, nang biglang dumating si Dan na galing kay na Jhen.
"Uy pre. Andito ka pala." Dan
"Oo pre eh. Kumokopya ng notes." Gabriel
"Ahh. Bakit ang tahimik nyong dalwa?" napatingin kami ni Gabriel sa kanya. "Kasi naman, pag magkasama kayo ang ingay nyo eh. Bakit ngayon, hindi ata? Kinda weird. Nagbago na ba ihip ng hangin?" pagtutuloy nya.
Sinamaan ko na lang ng tingin si pinsan. Si Gabriel naman natawa na lang.
"Geh. Akyat na ako sa taas ha, baka mamatay ako sa sama ng titig ni pinsan eh."
"Tse. Magtigil ka nga."
"Haha. Sige pre."
--
Mag o'one hour na si Gabriel dito sa bahay. Ako naman nanonood lang ng TV.
Waaaahh! Bakit nga ganun? Ang weird nga talaga, ang weird nga ng atmosphere. Ang tahimik nga naming dalawa. Kasi busy sya kaya ganito?! Hindi eh. Kahit busy 'toh dapat maingay kami.
Wait! Di ba ito naman gusto ko? Yung hindi kami maingay. Argh. Kainis naman oh, bakit ganito yung feeling ko.
"Tahimik mo ata??" tanong nya.
"Ako?! Ikaw kaya dyan."
"Malamang busy ako eh."
"Busy din naman ako ah. Nanonood ako ng TV. Can't you see?"
"Oo na lang."
"Patapos ka na ba dyan sa kinokopya mo?"
"Malapit na."
Mga after 10 mins. natapos na sya sa pag kopya.
"Yan, finish." sabi nya. "Thanks Loraine. Uwi na ako. 8:30 na eh."
"Oo na, sige na. Uwi ka na."
Hinatid ko na sya hanggang sa may gate namin.
"Salamat ulit."
"Oo na. You're welcome."
"Good Night." ^___^
"Geh. Good Night."
And I close the gate.
Dugdug. Dugdug.
Napahawak ako sa chest ko.
"What's with that heartbeat?" tanong ko sa sarili ko.
Matagal na panahon na nung naramdaman ko yung ganung heartbeat. Hindi kaya?!
"No it can't be. It's just my imagination. Hindi pwede yun." pag coconvince ko sa sarili ko.
"Hayy!! Itutulog ko na nga lang 'toh."
Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumeretso sa kwarto ko.
Pag tingin ko sa phone ko may 1 message. I opened it. And it came from...
From: Mortal Enemy >:P
Thank You ulit!! :)
Kulit nito ha.
YOU ARE READING
Definitely You (COMPLETED)
Teen FictionMy first WATTPAD Story, published year 2012.
