CHAPTER 67: Who is KL? (Part 2)

80 0 0
                                    

Dan's POV

"Ano? Nagreply ba si Kaye kahapon?" tanong ni Ella.

"Hindi nga. Hinintay ko hanggang gabi, pero walang reply."

"Pero, siguro naman nabasa nya yung text mo."

"Sana nga. Kundi lagot ako kay--"

"KYAAAAAAAAAAHHHHH!!!"

"Oh! Shet!!" - ako

"Ano ba yan? Bakit ka ba nasigaw dyan Nicks?" - Ella

"Oo nga! Ang sakit kaya sa tenga." - ako

"Ewan ko nga ba dito. Kilig na kilig sa mga Koreano eh." - Mac

"Ang gwapo kaya ni JungKook ng BTS." - Nicks

"JungKo-- Ano?" - ako

"JungKook!" sabi ni Ella sa akin, "Pero Nicks, mas gwapo pa rin si V." sabi ni Ella sabay irap kay Nicks at yun nag-away na yung dalawa kung sino daw mas gwapo kung yung si JungKook? o V? Sino ba sila? -__-

Magkakasama kami ngayong apat, actually pati si Christian kasama namin. Nandito nga kami nakatambay sa bar nya. Hindi pa sya bukas dahil 5:30pm lang. 6:00pm nagbubukas 'to eh. At hinihintay namin ang taong nagpapapunta kay pinsan dito, si Rhein. Ang bagong dating, fresh from London and Paris na si Rhein.

Sya yung nagpunta dito sa Fascinate kahapon, yung pinuntahan namin ni Jhenella kahapon sa lobby.

Sabi nya, he want to surprise my cousin. Kaya ang ginawa nya, ako ang inabala at sinabihan si pinsan na magpunta nga dito sa bar ni Christian mamayang 8pm. Sinunod ko na lang sya para naman hindi sya makahalata na may tampuhan kaming dalawa ni Kaye. Eh kasi mukhang hindi pa din nya alam ang mga nangyayari dito eh. Ayoko namang sabihin kay Rhein dahil ayaw kong pangunahan ang pinsan ko.

Sana naman magpunta yun dito mamaya. Siguro iniisip nu'n na makikipag-ayos na ako sa kanya. -__-

"Pumasok ba si Kaye ngayon sa office?" tanong ni Christian.

"Malay ko? Nag-off ako ngayon di ba? Tss! Kay Abby mo kaya itanong." sabi ko kay Christian.

"Ayoko nga, tampo ako dun. " - Christian

"Esee naman! Para kang babae, ikaw pa talaga ang nagtampo. Hindi pa kayo, paano pag naging kayo? Eh di mas malma na yang pagtatampo mo. Makipagbati na agad." - Mac

"Advice from Mr. Marco Flores!" - Dan

"Bakit ka ba nagtampo dun?" - Mac

"Kilig na kilig sa mga pictures ni Rhein eh." - Christian

"Talo ka sadya kay Rhein, pare! HAHAHAHAHAHA!" tawa ko.

"Lul!" - Christian

"Paano pa kaya kapag nakita na ni Abby si Rhein in person?" - Mac

"Eh di lalo na yang natalo kay Rhein!" - Dan

"HAHAHAHA! Oo nga! Apir!!" sabi ni Mac at nag-apir kaming dalawa.

"Ayos din kayong dalawa 'no? Hindi ko papapuntahin si Abby dito mamaya kapag nandito na si Rhein." - Christian

"Kapag ginawa mo yan, parang sinabi mo na rin na talo ka na nga kay Rhein." - Dan

"Bakit naririnig ko yata ang pangalan ko dyan?" sabi nung nagsalita mula sa likod namin.

"RHEEEEEEEIINNNNNN!!!!!" irit ni Nicks nung makita si Rhein.

Oo! Si Rhein yung dumating, naniniwala na kayo na umuwi na sya?

"Aray naman! Masakit sa tenga yang irit mo." sabi ni Rhein kay Nicks.

Definitely You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon